Kabanata 1

123 8 6
                                    

2 months earlier ...

*car stops *

'' Kaye! we're here , alam ko na miss mo tong lugar nato ''

'' yeah it's been eight years ''

*sighs *

I really missed this place , 8 years din akong di nakapagbisita sa bahay ng lola ko , I was busy as in , there are so many good memories here wonder if dito pa sya nakatira.

  '' Apo!  nakita na kita ulit sa personal, dalagang-dalaga ka na ahh,  sobrang miss na kita '' niyakap nya ako ng mahigpit.

'' Miss ko na tong bahay na to la'' wika ko pa habang tumingin ako sa paligid kung may nagbago ba.

'' anak! apo! pasok na kayo , manong, paki-dala na lang ng mga bagahe nila dun sa loob ,salamat '' na-eexcite na sabi ng lola ko.

Iba kasi talaga pag sa personal mo makita yong tao di puro sa internet lang,namiss ko tuloy tong magandang ngiti ni lola in person. Di kasi ako nakapag-bisita ,ngayon pa lang ulit , sobrang busy lang kasi talaga ako sa school at tsaka mostly pag pupunta sina mama dito, timing rin na may activity sa school,pero atleast nakauwi na rin ako sa hometown ng mama ko. Maya-maya, habang nakalagay yong kaliwang kamay ko sa beywang ni lola , naisipan kong magtanong.

'' la? andito pa ba yong lalaking kalaro ko dati slash ex-classmate? ''

''  ahh yong lampa mong kaibigan dati? di ko rin alam ,  wala na rin kasing balita sa kanya at tsaka sa pamilya nya ehh simula nung umalis sila dito''.

'' Ahh ganoon ba '' medyo na-disappoint ako , miss ko na kasi yong taong yon ehh .

   '' At sigurado ako , miss ka din nun '' she patted my shoulders two times at ngumiti na lang ako.

( Inside the house )

Dahil sa kahabaan ng byahe, pumasok muna ako sa lumang kwarto ko . Nagpaalam muna ako na matulog muna at nilock ko yong pinto.

*sighed*

Tumingin ako sa buong kwarto habang nilagay ko yong bag ko sa kama. '' Hmm '' instead of sleeping, naisipan kong mag-ayos ng bagay-bagay at baka may mahanap akong old stuffs dito. Sana nga!

Nagsimula akong naghanap sa lumang aparador , bigla na lang akong napasigaw nang biglang may umepal sa ginagawa ko, '' Litseng daga to '' sigaw ko.

Sa kaka- disarrange ko , nahulog yong pile of books sa sahig kung saan marinig dun sa baba yong ingay , andito kasi ako sa 2nd floor ng bahay.

'' Kaye? ano pa bang ginagawa mo dyan ? akala ko ba matutulog ka muna'' . sigaw ni mommy sa baba.

  The floor was made in matibay na plywood kind , Hindi naman sya nakakatakot apakan, and it's covered in brunette venyl planks.

'' may inaayos lang ma, you know me , dapat well-organized yong mga things ko,matutulog nadin ako pagkatapos''.

  Nang ibinalik ko na sa tamang pwesto yong mga lumang libro, one book got my attention , kulay brown sya na medyo  inaalikabok. Wala syang title na makita na para bang isang journal lamang. Binuklat ko ito at nakita ko ang isang braha na naka-ipit sa may gitna ng libro. It's not just an ordinary kind it's  a pokemon card. Pinulot ko ito at tumingin sa picture.

  '' Haha ! Jigglypuff '' napatawa na lang ako. Ewan ko talaga sa kaibigan kong yon bakit ito pa talaga ibinigay sakin . 

( Flashback starts, Childhood days)
     '' Kaye may ipapakita ako sayo '' may kinuha si Drake sa kanyang bulsa. '' Tignan mo, ang cute diba? ''. Tumawa na lamang ako at nagwika, '' bakit ? anong meron dito? '' napalakas ako ng tawa. '' Hala!  may nakakatawa ba? para kang kinikiliti ng demonyo dyan ''.  Napa-pout na lamang ako with a serious face . '' kita mo, para ka kasi talagang si jigglypuff pag magtampo o magalit ''.  I mimicked what he said , '' ahh haha , pero cute naman talaga sya, gusto ko sya kahit di naman ako pokemon fan ''.   Tumingin si Drake sa card, '' sayo na yan kung gusto mo '' I smiled and replied, '' talaga ba? yeyy ''.

(end of flashback) 

    ''Asan na kaya sya? '' napaisip ako. '' namiss ko na tuloy pagiging iyakin nya ''.

  Lumingon ako sa bintana at naisipan kong lumabas na lang muna sa bahay at maglakad-lakad sa neighborhood.  I looked at my phone at alas dos pa naman ng hapon kaya lumabas ako saking kwarto . Habang pababa ako sa hagdan sinabihan na naman ako ni mama, '' o ? saan ka pupunta? akala ko nakatulog ka na  ! ''.  '' Ma? paulit-ulit? magpapaload lang muna ako ''  pagsisinungaling ko .  '' Aba Kaye ha! sinasagot mo na ba ako! '' seryosong tanong ni mama. '' Ma sorry na ''. Binuksan ko na yong pinto at lumabas papuntang gate.

'' Where should I go? '' tanong ko saking sarili . Habang naglalakad ako , nag-iisip ako kung san aabot pera na nasaking bulsa, '' cornetto? '' kinakausap ko sarili ko. In the mood for ice cream ako ngayon kaya hinanap ko yong tindahan ni Aling Ising . '' Magnum na lang bilhin ko '' patuloy kong pagpili ng ice cream.

'' May chix sa tabi , she's so sexy '' kanta ng lalaking tambay. '' pst ! lumingon ka naman '' wika pa ng isa. Napailing na lang ako and rolled my eyes. '' Hoy! tumingin ka samin '' sigaw ng lalaki.

'' Awit Others '' bulalas pa nila. '' Ano ba?! nanggigigil nako sa kanila. Nanlaki ang aking mga mata sa paglingon ko. '' '' Adrian? Leo ? Tope? '' . '' Hayss buti naman naaalala nyo pa kami ''. wika pa ni Adrian.

'' Ehem! sino ba naman makakalimot sa inyo ? wala kayong ibang trip kundi mang-asar o di kaya naghahanap ng gulo ''.

'' that was before, good boy na kami ,maniwala ka man o sa Hindi!'' kumpyansang sagot ni Tope. '' And besides mga bata pa tayo nun, there's always a time for change ''.

'' wow ha! Tope! ikaw ba talaga yan? galing mo na mag-english ah ,dati parang kinakain mo lang yong mga words ''.

'' realtalk? '' pagpipilosopo ni Tope.

'' Kaye? san nga pala punta mo? '' seryosong tanong ni Adrian. '' Papunta ako kay Aling Ising , bili lang ako ice cream''.

'' Mukhang siniswerte kami ah, libre naman dyan oo, tutal ngayon lang naman tayo ulit nagkita ''. pagkumbinsi ni Adrian.

'' nga naman , sige na! '' san aabot one hundred pesos ko? ah! magnum sana bilhin ko kaso ... change of plans na nga! cornetto na talaga.

( Sa tindahan )
'' Aling Ising bili ako apat na cornetto ''. wika ko. '' Kaye? ikaw na ba talaga yan? alam mong bata ka? na miss kita pati yong lalaking lagi mong kasama dati , sino nga pala yun? ''.

'' Si Drake po ate '' ngumiti ako.

'' Ahh '' tumango si Aling Ising , '' mas lalo kang gumanda ngayong Kaye ah? sigurado ako marami nang nanligaw sayo ,mukhang may jowa ka na nga eh ''.

'' ah! haha'' napakamot ako saking ulo. '' Actually, oo maraming nanligaw pero binasted ko naman po, ehh, sadyang ayaw ko lang na magkajowa''.

'' bakit naman? '' Biglang may sumapak kay Aling Ising , '' mama naman eh, chikadora mo talaga e no ! bigyan mo na ng ice cream si Kaye , tignan mo tuloy kasamahan nya mukhang naiinip na sa kahihintay'' wika ng kanyang anak na si Suzy.

'' Hi Suzy '' bati ko. '' Hello din sayo ex-classmate , it's nice seeing you ulit ''. she smiled .

Iniabot na ni aling Ising ang cornetto at ibinigay ko na isa-isa kina Adrian , Tope at tsaka kay Leo. '' Salamat dito Kaye ah, sa susunod kami na naman manlilibre '' wika ni Leo.

'' Ah kahit wag na , okay na ako , it's better to share ''.

'' Di ka parin nagbabago Kaye , mabait ka padin na medyo may attitude ''. dagdag ni Tope.

'' Hala! pwede ko bang bawiin yang ice cream? hehe joke lang ''.

Tumawa kaming lahat, '' anyways, naaalala nyo pa ba si Drake? yong dating pinaiyak ninyo ? alam nyo ba kung nasan sya? '' .

'' Kaye sorry ah, matagal na kasi yang wala dito , nag move out na , wala ding balita sa kanya , as far as I've remembered sa mga sabi-sabi, umalis sila after nung namatay papa nya ''.

I just nodded at biglang natahimik habang dinidilaan yong ice cream .


IPAGPATULOY...

HANGGANG ALAALA NA LANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon