Chapter 51
Mikay's POV
"Ma, Pa, kayo na po bahala kay Gino ah" Bilin ko nung nagstop over kami sa Mcdonalds para kumain ng saglit.
Lahat sila malulungkot ang itsura dahil aalis na ako.
Ang tahimik ni Dindi, Joyce at Ella.
Si Mama, kanina pa iyak ng iyak.
Only my father smiled at me. "Oo naman anak"
"Natatakot lang po kasi ako baka kung anong gawin niya"
Dindi: "Bakit kasi hindi mo sinabi sa kanya ate?"
Joyce: "Oo nga, isipin mo na lang kung ano mararamdaman ni Gino paggising niya tapos wala ka na"
Ella: "Kahit ibilin mo pa sa isang libong tao si Gino, di pa rin namin masisigurado sayo na magiging okay siya ate. Siguro physically, itatry namin na bantayan siya pero yung nararamdaman niya talaga, ibang usapan yun"
"Ella!" Pagalit na sabi ni Papa to stop her.
"Okay lang po pa, tama naman po yung mga sinabi nila"
I looked down.
Wala akong gana kumain pati na rin silang lahat kaya kahit isa samin, walang bawas yung mga pagkain.
"Tignan niyo kasi yang mga itsura niyo. Para kayong namatayan. Aalis lang naman ako ng ilang taon, babalik din naman ako"
"Alam mo ang selfish-selfish mo" Pagalit na sabi ni Dindi sabay tayo. "Ate, ako, iniwan din ako ni Kiko. Pero atleast siya, may lakas ng loob siyang sabihin sakin yun. Boyfriend mo si Gino ate, he deserves to know"
"Dindi ano ba!" Pasigaw na sabi ni Papa.
Ang daming tumingin samin.
"Kapatid kita ate pero kahit ako, nagagalit sayo dahil sa ginawa mo" tapos naglakad na siya palabas. Joyce ran towards her.
"Paano ka mabubuhay with that guilt? Sana sinabi mo na lang kay Kuya Gino" Sabi ni Ella bago siya humabol dun sa dalawa.
Naiiyak ako sa mga sinabi nila.
Totoo naman kasi. Para akong tanga.
Alam kong ang sama sama kong tao dahil dito sa desisyon kong wag sabihin kay Gino na aalis ako.
PERO AYOKO NGA LANG KASI MASAKTAN NG SOBRA!
Ayokong makitang umiiyak siya!
Ayokong makitang nalulungkot siya!
Ayokong makita yung ganung itsura ni Gino bago ako umalis!
Hindi ko kakayanin!
BINABASA MO ANG
I'm his TUTOR
FanfictionShe likes being alone while he loves being the center of attention. She'd rather stay at home, reading books while he'd be in the crowd, playing for his band. No one cares about her existence while he is every girl's dream guy. Two opposite people b...