First day...

164 3 3
                                    

Settings: University of Manila 

"I hate you Gino I hate you. arghhhhh" sabi nung babae

Hmmmm. sino kaya yung Gino na yun. Grabe kung sino man sya napaka walang hiya nya. Bakit? Kasi kanina pa sigaw ng sigaw yung babae na yun ng "I hate you Gino I hate you" kakaawa nga eh. gust ko sana syang lapitan kaso natatakot ako kasi baka isa sya dun sa mga nambubully sa akin. Kanina pa ako andito sa school. Ayyy! Ako nga pala si Mikaella Maghirang .Mabait ako pero ewan ko kung bakit ako lagi binubully / inaaway ng mga classmate ko siguro ayaw lang nila sakin dahil mahirap lang ako di tulad nila ang yayaman.May mga sariling kotse at bahay pa nga eh. Pero alam nyo may isa akong bestfriend dito sa school na to ang name nya ay Adrian Kiko Salamat . Mayaman sya pero hindi sya katula ng iba naming classmates. Napakabait nga nya eh sya yung laging nanlilibre sakin pag wala akong baon. Kagaya ngayon konti lang baon ko kaya nilibre nya ako ng favorite kong Ice Cream.

"Kiko thank you talaga ah. Ambait - bait mo sakin" sabi ko

"Ah wala yun. hahaha. ikaw nga tong napakabait sa akin eh. hahaha" sabi nya tapos ginulo yung buhok ko.

"Kiko naman eh yan tuloy ang gulo na ng buhok ko" sabi ko sabay Death Glare.

"....." di nya pinansin yung sinabi ko. LOKO.  at lalo nya pang ginulo kaya lalo akong nainis. Ang ayaw ko kasi lahat yung hahawakan buhok ko. Maarte? ay pasensya nmn kung kayo nga paghawakan buhok nyo eh , makapagreact kayo kala nyo end of the world. -.-

"Cute mo Mikaella, para kang si Sadako" - Kiko

"Ewan ko sau. dami mong alam yan tuloy ang gulo na ng buhok ko"

Tawa lang sya ng tawa. Baliw eh.

"Lika na mag-bebell na. ayusin mo na buhok mo"

At inayos ko na nga.

=Class Room=

"Good Morning class. Dahil may new student tayo dito sa UM gusto kong isa isa kayong magpakilala dito sa harapan. Para naman malaman ng ating new student ang mga name nyo. Okay lang ba yun? Oh By The Way . I am Mrs. De Guzman your class adviser." sabi nung adviser namin.

So isa isa kaming nagpakilala. Pagkatapos ang mahabang pagpapakilala , yung new student naman.

"Hi I am Tammy Montes. My favorite color is violet. I am half Filipino and half Korean. I hope that all of you will be my friends." sabi nung new student. Grabe ang ganda nya.

"Ms. Montes please sit at the fourth  row sa tabi ni Ms. Maghirang." sabi ni Mrs. De Guzman

Tapos umupo na si Tammy dun sa tabi ko. Makausap nga hehehehe. Boring yung lesson eh MATH.

"Hi Tammy ako nga pala si Mikaella Maghirang. Ang ganda mo." sabi ko

"Ay thank you.. ikaw din ang ganda mo. Nice to meet you." sabi nya

Waaah first time may magsabi sakin na ang ganda ko ayyy mali meron pa pala si Tatay... hahaha

"Thank yo---

"BLAAAAAAAAAAAAAAG" ( A/N: bukas po yan ng pintuan pasensya na )

"Mr.Dela Rosa why are you late" sabi ni Mrs. De Guzman. 

 Tapos pumasok yung isang lalake.

Ano kayang name nung lalakeng yun. Di ko sya kilala kasi di ako close sa mga class mate nmin. Andun kasi ako sa pinakadulo nakaupo buti nga andito si Tammy eh ngayon may katabi na ko kasi vacant ung upuan na yon eh tapos sa right side ko pader na.

"Sorry ma'am natraffic po kasi" sabi nung lalake

"Yan na naman excuse mo. Last year pag late kasasabihin mo laging traffic. Tssss. Ewan ko sayong bata ka. Go to the Principal's office and get your Late Slip" sabi ni Mrs. De Guzman.

"Tssss... tatanong tanong ka tapos di ka maniniwala." sabi nung lalake.

sabay labas ng Class Room.

Ay bastusan lang? Grabe ah. Hay nako ako pa tuloy kumukulo dugo. Tssss.

"Class, pasensya na ganon lang talaga yung batang yun. Okay back to the lesson" -Mrs.De Guzman

-BLAH BLAH-

-BLAH BLAH-

-BLAH BLAH-

-BLAH BLAH-

----Break Time----

"Ah Mikaella pede ba kong maki-sabay sayong kumain. Wala pa kasi akong kilala dito bukod sayo." sabi ni Tammy habang papalabas kami ng pinto

"Ah sige tutal wala nmn akong kasaba kumain ngayon" sabi ko.

Tinatanong nyo ba kung bakit ako walang kasabay kumain? Di kasi kami parehas ng building  ni  Kiko magkaiba kasi course namin so ibig sabihin magkaiba rin ang oras ng breaktime namin.

"Ah sige lika na sa canteen." sabi nya.

Tapos pumunta na kami sa canteen.Pero parang may kakaiba.

Ayyy. Nakalimutan ko yung panyo ka sa class room.

"Ahhh Tammy wait lang ah. Nalimutan ko kasi yung panyo ko sa Class Room."

"Ah sige. Hintayin na lang kita sa loob"

Tapos yun umalis na ko.

Andito na ko ngayon sa hagdanan kaso bigla akong natalisod dahil dun sa tali.

OUCH.

Tapos nakita ko yung mga babaeng umaaway sakin na tumatawa. Pshhhhh.

"Yan kasi lalampalampa. Hahahahahahaha." sabi nung isang babaeng napakakapal ng lipstick sa labi.

Tapos nagsi alisan sila habang tawa ng tawa.Napaiyak na lang ako sa sakit pinipilit kong tumayo pero ansakit nung paamko kaya umupo na lang ulit ako sa hagdan at napayuko.

Maya maya may narinig akong papalapit sakin.

sabay sabi ng

"Miss, okay ka lang?"

Princess & GinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon