Chapter 1

57 0 0
                                    

I've known you for so long
You are a friend of mine
But is this all we'd ever be?
I've loved you ever since
You are a friend of mine
But babe, is this all we ever could be?

You tell me things I've never known
I've shown you love you've never shown
But then again, when you cry
I'm always at your side
You tell me 'bout the love you've had
I listen very eagerly
But deep inside you'll never see
This feeling of emptiness
It makes me feel sad
But then again I'm glad....


"Hay naku Mika. 10 years mo na ata yang pinapakinggan, ano inlove ka pa din sa manong na yun?" Si Kim. Bestfriend ko and dormate ko din. Pinatay na niya yung radyo at tumabi sa akin.

"Ano na naman yan? Eh maganda yung kanta eh, 'di naman sa lahat kailangan siya yung rason." Depensa ko.

"Sus, oo na. Mamaya umiyak ka pa diyan eh." Pang-aasar niya.

"Ewan ko sayo." Pabulong ko.

"Eh maiba tayo girl, nakahanda na ba yung susuotin mo mamaya? Mamalantsa na kasi ako baka gusto mong ipasabay." Tumayo siya at kumuha ng damit sa drawer.

"Eh masama kasi tiyan ko, baka 'di ako makapunta." Alumni Homecoming kasi namin today.

"Weh?" Pangiti ngiti siya.

"Masakit nga." Patuloy ko.

"Ayaw mo lang eh kasi makikita mo yung first love mo at yung--" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Oo na, pupunta na po. Dami mong sinasabi." Dumiretso ako sa CR at humarap sa salamin.

"Ano na Mika?? 10 years ago na. Mahal mo pa din? Tanga ka ba girl?" Huminga ako ng malalim.

"Eh ano naman, kung makita mo siya? Kung makita mo sila? 'Di ba dapat masaya ka?" Pinilit kong ngumiti. Lumbas na ako ng CR.

"Ay pusang gala!" Nagulat ako kay Kim na nasa harap ko.

"Kausap mo na naman sarili mo? Hahahaha." Tawang tawa siya.

"Hindi uso sayo privacy noh?" Simangot ko.

"Kunyari wala na lang akong narinig" Tawa pa din siya ng tawa.

"Ewan ko sayo, sige na tapusin mo na yan. At ng makaalis na tayo."

---

This is it pancit. Nasa harap na kami ng entrance ng paggaganapan ng Alumni homecoming namin.

"Mika! Kim!" Si Ara. Friend namin ni Kim, kawork ko rin siya.

"Hi Ara! Madami na bang tao sa loob?" Tanong ni Kim.

"Marami-rami na din. Kadadating nga lang din nila--" Napatingin si Ara sa akin.

"Tara pasok na tayo." Pag-iiba niya.

Beso,yakap,kamustahan sa nadadanan naming table hanggang makarating kami sa table.

"Ui guys, may mga drinks na diyan na nagiikot. Iwan ko muna kayo ah, marami pa kasi akong gagawin doon." Paalam ni Ara. Isa kasi siya sa Student council namin. Umalis na siya.

Palinga-linga ako.

"Uy, hinahanap niya." Panunukso ni Kim.

"Ha? Ano naman yang pinagsasabi mo. Hinahanap ko yung nagiikot ng drinks." palusot ko.

"Mika, ayan na siya sa likod mo." Turo ni Kim. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at napalingon.

"Joke! Practice lang. Hahahaha!" Kanina pa siya sa akin ganyan. Alam niya kasi na 'di ako napipikon kaya ang lakas mang-asar.

"Ui kinabahan siya." patuloy niya. 'Di na lang ako umimik.

"Hala. Nagdilang anghel ata ako. Papalapit na sila sa atin." Ayan na naman siya sa joke time niya.

"Alam mo ikaw, lakas mo talagang mang-asar." simangot ko.

"Totoo nga!" Napakamot siya sa ulo. As if naman lilingon ulit ako tapos pagtatawanan na naman niya.

"Para manahimik ka diyan, ikukuha na lang kita ng drinks." Tumayo ako ng biglang natisod sa upuan. Napapikit na lang ako nung marealize kong babagsak ako sa sahig.

"Ooops. Got you!" Bumilis yung tibok ng puso ko nung makilala ko yung boses niya. Unti unti kong dinilat yung mga mata ko.

"Kie--" masakit. 'Di ko mabigkas ang name niya.  Lalong bumilos yung tibok ng puso ko nung marealize kong nakayakap ako sa kanya. Nasalo niya ako nung muntik na akong madapa sa sahig.

"Are you okay?" nakakunot ang noo niya. Bumitaw ako sa pagkakayakap.

"Yeye, are you okay?". Ulit niya. Yeye, nickname ko.

"Im okay." Sa wakas nakapag-salita din ako.

"It's nice to see you again." Sabay ngiti niya.

"Kiefer!" Si Kim. Inakbayan niya ako.

"Ui, Kim. Long time no see ah. Sa Facebook at instagram na lang kita nakikita." Ngiting ngiting sabi niya.

"Eto kasing si Yeye, wala atang Facebook at Instagram? Tapos 'pag umuuwi ako sa amin siya naman 'tong wala." Kwento niya.

Si Kiefer. Ang Bestfriend/ex besfriend ko. Ang First love ko. Oo, ang unang lalakeng minahal ko.Childhood friend ko and Mag-besfriend din ang mama namin. Iisang subdivision kami at magkatapatan ang bahay. Totoo na wala akong Facebook at Instagram. Isang dahila doon ay dahil ayokong makita ang mga posts niya tungkol sa buhay niya at sa buhay ng girlfriend niya.

"Babe." Speaking of the devil, I mean speaking of the girlfriend. Si Alyssa.

"Hi Kim. Hi Mika." Bati niya sa amin ni Kim sabay hawak sa kamay ni Kiefer.

Kumurot yung puso ko.Si Alyssa, batchmate namin. Ang babaeng minahal ni Kiefer.

"Babe, ok lang ba dito ka muna kina Kim, kasi niyaya ako nila Denden dun sa table nila." Paalam ni Alyssa.

"Sure Babe, madami dami din kaming pagkwekwentuhan nito nila Kim eh." Hinalikan niya sa pisngi si Alyssa bago ito umalis. Kumirot na naman ang puso ko.

"Ah waiter! 3 drinks nga dito." Tawag ni Kim. Pumunta yung waiter sa table namin at naglapag ng drinks.

Naiinis ako. Kasi ramdam kong ok na si Kiefer tapos ako parang bitter pa din. Mas naiinis ako kasi parang nalimutan na niya yung pinakamasakit na ala-ala ko nung Highschool kami. Nung nagconfess ako sa kanya pero nireject niya ako. Oo, alam niya yung tungkol sa feelings ko. After ng confession na yun, dumistansya na ako sa kanya at 'di na nagparamdam. At ngayon, nasa harapan ko na ulit siya, nakangiti sa akin at parang sabik na sabik na makita ako. 'Di ko mapigilan yung tibok ng puso ko. Para itong sasabog sa sobrang kaba.

"So Mika. Kamusta ka na?" Tanong ni Kiefer.

Kamusta na nga ba ako? Mahal ko pa din ba sya? Bakit may kirot sa puso ko? Bakit sobrang lakas ng tibok ng puso ko??..

^^

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Friend of mineWhere stories live. Discover now