SELENA
They said that love is a gift and the most wonderful thing you will ever feel.
They said that if you love a person, you'll give, say, and do everything to prove to that one certain person that you love him/er.
Hanggang saan aabot ang pagmamahal mo? Sino ang makakasira nito? At anong magagawa mo kapag may nagtangkang sumira?
Excited akong pumunta sa loob ng isang kilalang restaurant at sinalubong ng beso ang kaibigan kong si Samantha. "Hi, girl."
Ngumit sya. "Hi, too. By the way, bakit ata ang saya mo ngayon?"
Umirap ako sa hangin at kinikilig na ngumiti. Tumingin ako sa pintuan at pumasok ang lalaking matangkad, matipuno ang pangangatawan at napaka-gwapo. Lahat ay nakalingon sa bawat hakbang nya papunta sa akin kaya lumaki lalo ang ngiti ko.
Hinapit ako nito sa beywang at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Dito muna kami for summer."
Pansin ko na nakatitig lang si Sam sa katabi ko kaya napailing ako sa nakalimutan. "Sorry. I forgot to introduce my boyfriend, Brandon. Brandon, this is my best friend, Samantha."
Nag-abot ng kamay si Brandon kay Samantha at nawala ang ngiti ko ng nagkatitigan sila ng matagal at parang walang balak na tanggalin ang mga kamay na nakahawak sa isa't-isa.
Tumikhim ako at doon lang sila nagising sa titigan. "Let's eat?"
People will change. And so love is. How can you cope up with that?
Naupo ako sa sofa katabi ni Sam. Hindi ko magawang maisaisip ang pelikula na pinapanood namin dahil sa bumabagabag sa isip ko these past few days.
"Are you okay?" Alanganing tanong nya.
"Something's wrong." Walang emosyong saad ko.
"What do you mean?"
"Something's strange."
"Wait, what are you trying to say?" Alam kong naguguluhan na sya kaya napabuntong-hininga akong humarap sa kanya at matiim syang tinitigan sa mga mata.
"Brandon is changing. Hindi ko alam kung nagiging paranoid lang ako pero tingin ko may babae sya."
Nag-iwas sya ng tingin at natawa. Kumuha sya ng popcorn at isinubo ito. "What? How can you be so sure?"
"Lagi nyang katawagan 'yong friend nyang si Luke. I know na tinatapalan nya lang ng ibang name ang pangalan ng kalandian nya. Hindi nya ako maloloko." Iling ko habang nakangisi.
"May mga proweba ka ba?"
"Sa ngayon, wala pa. Malalaman ko din 'yon." Dumiin ang hawak ko sa popcorn na nasa kamay ko. "Masama akong magalit."
After i said those words, wala ng nagsalita pa about sa issue mula sa amin. She kept on distracting me to make me feel happy.
How could i?
•••
Bumukas ang pinto at iniluwa noon ang boyfriend kong si Brandon. Halata sa lasing nyang mukha ang pagkagulat bago ito inis na lumapit sa akin.
"Why are you here?"
Hindi ko sinagot ang tanong nya at napalunok sa sakit na gumuhit sa dibdib ko ng makakita ako ng kiss mark sa leeg nya. "Sino ang babae mo?"
"What?" He asked like i've asked the most hilarious thing in the world. "Wala akong babae."
Hindi ko na napigilan pa at sumigaw na sa sakit at inis. Hindi ko na din mapigilan pa ang mga luha kong matagal ng naipon sa mga mata ko. "Wala? Tell me the truth! Sino ang babae mo? You said that you love me but how could you do that shit behind my back? You don't want me here because you don't want me to see your mess? Your unfaithfulness?"