Everybody says we look cute together.
Pero ang parati kong sinasabi, "Best friends kami."Parati nilang sinasabi, Bagay kami.
Pero ang parati kong sinasabi, "Best friends kami."They all say, sana kami.
Pero ang parati kong sinasaisip, tinatatak sa utak ko, "Best friends kami."Best friends kami... At hanggang doon lang 'yon.
Hindi magiging kami ni Seb.Aminin niyo, ang hirap sayangin 'yong 15 years of friendship. We're childhood friends kasi.
Parati kaming magkasama. Parating sabay pumasok, umuwi, sabay matulog, magising, kumain, sabay sa halos lahat-lahat. Never kaming napaghihiwalay ng kahit na sino. Sabi nga nila ay para kaming kambal-tuko.
Dati naman kapag magkasama kami parang wala lang. 'Tol pa nga ang tawag namin sa isa't isa eh.
Sinusuportahan ko siya sa panliligaw niya sa kahit na sino basta aprub sa akin at sinusuportahan din niya ako sa pakikipagrelasyon sa iba basta dadaan din sa kanya.
Pero sa lahat ng nakakarelasyon namin walang tumatagal. Kasi nagseselos sila sa kung anong meron samin.
Meron nga no'ng minsan sinugod ako ng ex ni Seb sa bahay dahil akala niya ay may relasyon kami.
Minsan nga pati 'yong mga magulang namin sinasabi nila dapat ako nalang daw ang girlfriend ni Seb para diretso kasal agad. Wala ng pero-pero. Tuwing sinasabi nila 'yon tinatawanan lang namin ni Seb sila mama at tita Lani, mama ni Seb.
Pero dumating 'yong araw na nagbago na ang lahat... Nagbago 'yong tingin ko sa kanya, 'yong nararamdaman ko sa kanya.
Everything changed when I saw him near me, sleeping silently, filling my room with his breath, fulfilling my heart with his presence.
I hate it. I hate the realization that I'm kinda falling for him... For my best friend... The one that I don't want to fall for kasi best friend ko siya.
“'Tol baka matunaw ako.” Sabi niya na nakapikit pa rin then he smirked.
“Che! Nakakabadtrip 'yang pagmumukha mo!” Sigaw ko na nagpabangon sa kanya.
“Itong gwapong mukhang to? Na pinagpapantasyahan ng lahat ng babae sa school natin aayawan mo?” He chuckled out of disbelief.
“Baka nga in love ka na sa akin eh no?” Sabi niya pa. I tried my best to hide my awkward feeling.
“Ewan ko sa'yo.” Pagtatakas ko sa sarili ko sa mga sitwasyong alam kong talo ako. Baka kasi may malaman pa siya.
Ilang months din na gano'n ako. Pretending, pretending that everything’s still okay, that I’m still the old Iya. 'Yong best friend parin ang turing sa kanya.
Pero as what they always say, walang sekretong 'di nabubunyag. I thought that day would be a great and special day as it must be because it was my birthday. Okay ang takbo ng lahat mula umaga hanggang hapon masaya ako kasi kumpleto ang pamilya ko at kasama ko si Seb. Pero sabi nga nila, there’s a calm before a storm.
Gabi na no'n patulog na ako nang may marinig akong paghakbang sa may terrace ng kwarto ko. Pagkabangon ko I saw him. I saw his signatured smile that melts your heart as it melts mine. I tried to hide the happiness in my eyes as he walks towards me.
“What are you doing here? Do you know na patulog na ako tapos—“ I was shocked when he hugged me tight.
“S-Seb?”
BINABASA MO ANG
Risk
Short StoryEverybody says we look cute together. Pero ang parati kong sinasabi, "Best friends kami." Parati nilang sinasabi, Bagay kami. Pero ang parati kong sinasabi, "Best friends kami." They all say, sana kami. Pero ang parati kong sinasaisip, tinatatak...