Chapter 10

817 38 4
                                    

" Czarina Zamiaaa!! Gising na iha!"

Tumingin ako sa orasan ko at saktong 4:30 na ng umaga, masyado pang maaga kung iisipin ninyo ngunit sakto lang ang oras na ito, mabagal ako kumilos tsaka matagal akong maligo, only girls can understand this, right girls? Tumugon ako sa pagtawag sa'kin ni manang.

" Yes manang! Gising na po."

Naghintay ako ng 3 minuto ngunit walang sumagot, malamang narinig naman ni manang iyon. Tumayo ako sa kama at inayos ito. I'm so sleepy, pagod pa'ko dahil sa kahapon.

Pagkatapos kong ayusin ang kwarto ko, inihanda ko na ang uniporme ko. Dumiretso na'ko sa banyo at naligo.

Mahigit 30 minuto rin akong naligo, at habang nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos sa sarili, sumigaw si manang.

" Ihaaaa!! may naghihintay sayo dito sa baba, aba't bilisan mo dahil maaga ka pa diba?"

" Uh yes manang, pababa na po!"

Kumunot ang noo ko, tinignan ko ang oras at 5:20 palang! Mygod excited bang masyado ang kumag na iyon? Argh so annoying, naglip-balm na'ko at nagsuklay. Binilisan ko narin ang pagbaba. Naabutan ko si Reid na nakaupo sa sala ngunit tinignan ko lamang siya ng masama. Kumunot ang kanyang noo.

Humanda ka sa'kin Reid Apollo, gutom pa naman ako argh!

" Iha magbaon ka nalang, ito tinapay." Sabay abot ni manang ng dalawang sandwich na nasa lalagyanan.

Kinuha ko ito at dumiretso na sa labas, narinig ko rin ang mga yapak ni Reid.

" Uh are you mad at me?" he said softly.

Walang magagawa yang pagpapacute mo.

Hindi ko siya sinagot.

" Ba't ansama ng tingin mo kanina sa akin?" Halata sa boses niya ang pag-alala. Bwisit ka excited masyadong pumasok!

" Yesterday, I said na 6 diba? 5:20 palang andito kana? excited ka naman ata masyado Reid Jayden and ano? ikaw ba ang magbubukas ng gate sa school at napaka-aga mo?!"

Nagulat siya sa inasal ko.

" I- i'm sorry, hindi ako sa pagpasok na excite kundi ang makita ka, I missed you so what do you expect? Hays napakaaga ang sungit mo nanaman." Oo, aaminin ko kumalabog nanaman ang pisteng puso ko. At saglit nagreklamo siya sa pagiging masungit ko?

" Ah masungit ba'ko? Edi umalis kana! Nakakainis ka argh!" Umalis ako sa harapan niya ngunit nahawakan niya ang braso ko.

" Hey Cza that's not what i mean! Nagbibiro lang eh, ito naman masyadong seryoso." Natatawang sambit niya.

Tawa-tawa ka pa diyan psh.

" Bahala ka nga!" Singhal ko sakanya. Pumasok ako sa back seat ng sasakyan niya.

" Bat ka nadyan? Dito ka sa harap!"

" Ayoko!" Kumunot ang noo ni Reid at binuksan ang pintuan ng back seat.

" I said dito ka sa harap, ang kulit kulit mo." Hinigit niya ang mga balikat ko at binuhat ako papuntang front seat. Ayaw talagang paawat ng isang to. Tahimik lang ako sa front seat habang kinakain ang sandwich na binigay ni manang.

" Gusto mo drive-thru nalang tayo?" Tanong niya, buti naman napansin niyang gutom ako.

" Okay, sa Mcdo nalang. Pancake nalang sa akin."

Tango lang ang isinagot niya sa akin, dumiretso kami sa drive-thru ng Mcdo at sinimulan na niyang umorder.

5 minuto rin kaming naghintay.

I'm Into YouWhere stories live. Discover now