"meet tayo"

16 0 0
                                    

"Saan ka galing kagabi Ella Robles?"
"Dad can i have my breakfast first?", ang agang sermon na naman nito Ella pasaway. Kahit kelan talaga kung maisipan ni dad mag-sermon hala sige lang ang bira ng mga pamatay nyang salita sakin.
"Last na ito Ms. Mikaella Robles. The next time you will be grounded for the whole next month!"
"Joke ba yan dad?"
"Mukha ba akong nagbibiro young lady?"
At hayun lumabas na sa pinto ng mala-mansyon na bahay namin bitbit ang attaché case nya na puno ng paperworks at laptop nya.
Bigla ko tuloy na-miss ang mom ko na laging ready mag-comfort sakin sa tuwing nandyan si dad para sermunan ako. What the heck ba ang gusto ni dad? Magkulong ako dito sa bahay? Hay buhay parang life!
"Ma'am hindi nyo po ba tatapusin ang agahan nyo?" , Si manang na parang anak na turing sakin.
"Sa labas nalang po ako kakain manang."
"Mainit na naman ang ulo ni sir Reynaldo."
"Naku ganun talaga kapag cute ang anak lagi paghihigpitan."

At bigla tumunog ang phone ko. May nag-chat lang pala sa chat app na lately eh madalas akong tumatambay.

"Hi. :)"
"Hi din po.", in-fairness huh cute sya.. LOL
"Asl mo po?"
"Ayoko ng marami tanong. Meet tayo?", sana pumayag.
"Ok po. Location mo po?"
"Saint Andrew's Field Village. Ikaw?"
"Same place. Meet tayo mamaya sa park. 6pm."
"Ok po."
-end of convo-

Aba ayos to ah. Walang reklamo sa gusto ko. Pwede! Haha. Umaandar na naman pagka-maldita ko.

Pero wait. Hindi ko pala sya kilala tapos makipag-meet ako agad? Haha. Yari ako kung manyakis pala yun. Pero same village naman ee, pwede ko sya ipa-locate sa dad ko if ever may kalokohan sya.

Samantala....

"Ayos yun ah. Meet agad."

At tiningnan nya ang profile ng babae. "At in-fairness cute siya. Pwede.", at napangiti siya.

"Ano yang ngiti mo pre? May new victim ka ba?"

"Victim ka dyan."

"Ikaw na talaga igop."

"Aysus. Meet lang daw kami mamaya, mga iniisip mo naman."

5:30pm...

"Senyorita saan po ang punta nyo?"

"Magpapahangin lang po ako manang. Babalik din ako agad.", sabay eskapo papunta sa pinto. Si manang talaga hindi na nasanay.

Samantala...

"Ang tagal naman ng babae na yun.. Nasan na kaya? Naku baka nagbago na ng isip.."

Maglalakad na sana pauwi si Cram ng may napansin sya na babae naglalakad palapit sa kinatatayuan nya.

"Woah. Sya na kaya yun? ", at nakaramdam ng kakaibang kaba si Cram sa cute na babaeng naglalakad papalapit sa park. Pale pink na shirt, brown bermuda short, and sneakers. Simple lang ang suot nito pero bakit ganun ang hot nya tingnan.

Kusang lumakad ang kanyang mga paa palapit sa magandang dilag.

"H-hi."

At nilampasan lang sya ng babae. Nadismaya si Cram sa ginawa ng babae. Unang pagkakataon na di sya pinansin ng isang babae.

"Nasan na kaya yun? Nakalimutan ko itanong anu suot nya. Hay engot ka talaga Ella."

Sa chat app...

"Hey. San ka na? "

"Dito na ako sa park kanina pa kita hinihintay."

"Sa park? Sure ka ba? Anu suot mo?"

"Ou. Di mo nga ako pinansin ee."

At sa sinabi ng lalaki napalingon sa likuran nya si Ella.

"Nilapitan kita kanina pero dumiretso ka lang. Ngayon lang nangyari may babae di ako pinansin."

"Huh?"

"Cram nga pala.", at inabot ng lalaki ang kamay nya.

"Ella.", at nag-shake hands kami as usual.

"Kaw lang ang babae na hindi napansin ang pagka-pogi ko.", at ngumiti si Cram kita ang kanyang braces at dimple.

"Omg! Ang cute nya!", Sa isip ni Ella. Wearing that black v-neck shirt at khaki na short and leather flip-flop, simple lang niya pero ang astig ng dating sakin. Lalo na when he smiled. Oh sheyt Ella what are you saying?!!!!!

"Oh bakit natahimik ka? San pala tayo punta ngayon? Gabi na. Already 12 midnight na dito sa clock ko."

"Ah, eh."

"Would you mind dun nalang tayo sa house namin?"

"Haha. At ano naman gagawin ko dun sa inyo? Alam ko na. Gimik nalang tayo."

"Call.", sabay ngiti ulet ni Cram.

"Nakakainis anu ba meron sa ngiti. Na yun. I feel something weird."

Ella's POV...

And hayun nga nagpunta kami sa gimikan malapit sa village namin. As usual naglabas ako ng badtrip sa Daddy ko na mainitin ang ulo pagdating sakin.

Hayan, shot lang Ella. Nakaka-badtrip talaga maging panganay na anak.

"Ella mukhang napaparami na naiinom mo. Tama na yan."

"Cram i want to spend more time with you."

"Ella lasing ka na."

"No. Ayoko umuwi samin. Kaya i want to have more fun tonight."

"Huh? Ihahatid na kita sa inyo."

At gaya ng inaasahan hilong hilo na ako. Ano ba 'tong nga sinasabi ko.

"Sorry Cram sa mga nasabi ko.", at tulad nga ng sinabi nya umuwi na kami. Habang nasa taxi hilong hilo na ako. At inaantok.

"Ok ka lang Ella?"

Cram's POV...

"Ano ba ito? Tinulugan na ako. Paano na ito? Hindi ko pa naman alam san bahay nito."

"Sir san po tayo?", tanong ng driver.

"Saint Andrew's Village boss."

Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon