Irresistible scent

5 0 0
                                    

At nakarating nga kami sa village, no choice ako. Hay naku. Heto na nga ba sinasabi ko kapag nalasing 'to dito sa bahay ang bagsak.

"Salamat boss."

"Salamat din sir. Swerte mo sir sa girlfriend mo."

"Manong magkaibigan po kami."

"Goodluck sir.", at umalis na ang taxi.

"Lokong manong yun ah. Naku yari nga ako nito. Cram kaya mo magpigil.", at binuhat na nya ang lasing na lasing na dalaga papasok sa bahay nila.

"Cram. Nahihilo ako. Ughhh..."

"Shit. Ang cute nya habang lasing."

At napatitig si Cram sa dalaga habang buhat nya ito. Namumula ang pisngi nito at nakapikit ang mga chinita na mata nya. At di nya mapigilan na maamoy ang feminine scent nito na humahalimuyak kahit lasing na ito.

"Nasaan ba bahay nyo? Nandito tayo sa bahay namin. Ok lang ba na dito muna tayo? Magpahinga ka muna dito."

"Huh?" , at parang wala sa sarili ang dalaga.

"Hay naku. Yari ako nito."

At pumasok na sila sa loob ng sala nila. Pinahiga nya muna ang dalaga sa sofa nila.

"Buti tulog na si mama."

"Nasaan tayo?", Si Ella habang sapo ang noo nya.

"Ella, doon nalang tayo sa taas magpahinga. Baka makita tayo dito ni mama."

Inalalayan ni Cram ang dalaga paakyat sa hagdan. "Naku baka kung ano ang isipin nya sakin. Bahala na."

Pagpasok sa kwarto ay pinahiga nya muna ang dalaga sa kama nya. Sa kaba ay nagsindi sya ng sigarilyo ng hindi oras. "Ang hirap naman magpigil."

Napalunok sya ng makita ang makinis na binti ng dalaga na kitang kita nya kahit na madilim sa kwarto nya. At matapos ang yosi ay lumapit sya sa dalaga. Hindi nya mapigilan ang sarili na lapitan ang walang muwang na dalaga.

"Ang cute nya talaga. Sa tagal ko na dito sa village ngayon ko lang sya nakilala. "

At inilapit nya ang mukha nya sa mukha ng nakapikit na dalaga. "Ang bango.", at hindi namalayan ni Cram na hinalikan na pala nya ang natutulog na si Ella.

Nabigla si Cram sa susunod na ginawa ng dalaga. Inilagay nito ang dalawang kamay sa batok ng binata at nag-respond sa halik nito. Hindi na napigilan ni Cram ang sarili nya at naging mapusok ang mga halik nya.

"I love you baby. Ikaw parin talaga.", bulong ng dalaga sa pagitan ng halik nila.

At natigilan si Cram sa ginagawa nila. Nabigla sya sa sinabi ng dalaga. "Ok i have to stop before may magawa ako na hindi dapat."

At lumabas nalang ng kwarto si Cram iniwan nya ang dalaga na natutulog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon