Isa si Devon Natividad sa may pinakamagandang mukha na hinahangaan ng lahat pero sa kabila
na lahat ng tinatamasa nya na papuri may hindi sya makakalimutan karanasan at ito nga ay
iwanan sya ng lalaking akala nya mahal na mahal sya pero nagawa pa rin syang iwanan sa
kabila ng lahat ng sakripisyo nya dahil alam nyang ayaw sa kanya ng pamilya nito.Ginawa nya
ang lahat para lang magustuhan ng pamilya nito pero nauwi rin sa wala ang lahat.Iyong akala
nya na magtatanggol at ipaglalaban ang pag-ibig nilang dalawa ay bigla na lang nawala na
parang bula at nabalitaan na lang nya na nagpakasal na ito sa babaeng akala nya ay hindi nito
mahal dahil ito ang sinasabi sa kanya.Pero ang lahat ng sinasabi nito ay pawang kasinungaling
lang pala.Pano pa sya magmamahal muli kung tumatak sa isip at puso nya na ang lahat ng
lalaki ay sinungaling at manloloko.May makakapagbabago pa kaya ng kanyang pananaw
tungkol sa pag-ibig at sasabihan nya ng Please be careful with my heart.
Si Sam Concepcion isang lalaki na gagawin ang lahat para sa babaeng makakapagpatibok ng
kanyang puso.Kasi hindi pa nya nararanasang mainlove talaga o magmahal ng totoo marami na
syang nagustuhan pero hindi naman nya nililigawan ang mga ito kasi nga hindi nya makita sa
mga ito ang gusto nya para sa isang babaeng gusto nyang makasama habang-buhay.Hindi
naman sya nagmamadali para magkaroon agad sya ng relasyon sa babaeng alam nyang ito na
ang para sa kanya. Basta ang pangako nya sa sarili nya gagawin nya ang lahat para mahalin din
sya ng babaeng mamahalin sya.Handa nyang gawin ang lahat para dito maski maghintay pa
sya ng matagal gagawin nya mapasakanya ang babaeng kanyang mamahalin.
Pagtatagpuin kaya ang isang taong takot ng magmahal muli at isang lalaking hinahanap ang
babaeng mamahalin nya habang-buhay