Episode 1

40 1 0
                                        

"Umaga na sa ating duyan. 'Wag nang mawawala. Umaga na sa ating duyan. Magmamahal, o Mahiwaga..", biglang nawala ang kanta.
Nakita ni Matt na kinakalikot ni Jason ang laptop niya. Binaba nito ang hinahalong kape. Nagkatinginan ang dalawa't sumenyas si Jason na lumapit 'to sa kaniya.
"P're tignan mo 'to.", binuksan nito ang isang fb page.
"Teka, kilala ko yan."
"Yes, yung sumulot ng project natin sa Ilocos."
"Huwag mong sabihin..."
"Exactly!", binuksan ni Jason yung profile ng admin ng page. "And look! Sinong kasama niya magcoffee kahapon?"
"No..no.." dahan-dahang umiiling ang ulo ni Matt. "Ngayon tayo pipirma ng kontrata kila Mrs. Sy diba?"
"Oo, tinawagan ko na kanina pero hindi sila sumasagot."
Napabuntong hininga ang dalawa. Kinuha ni Matt ang tasa't inubos ang kape. Nagmamadali siyang lumabas ng office at sumakay sa kotse.
"P're tawagan mo lang si Mrs. Sy at pupuntahan ko ang office nila."

        
Dalawang taon na mula nang tinayo ng magbabarkada ang business nilang photo studio. Sa loob ng dalawang taon ay unti-unti din silang nakilala. Expertise nila ang pagshoshoot sa mga wedding at si Matt ang laging naghahandle nito. Siya nalang kasi ang hindi kasal sa pitong magkakaibigan. Hopeless romantic, ika nga ng iba kay Matt. Artistic at madetalye, gusto niya laging perfect ang mga kuha at ganap nila. Ganyan niya plinano ang kasal niya apat na taon na ang nakakaraan. Perpekto ang lahat at nasunod ang detalye. Sa isang daan na checklist niya, isa lang ang pumalpak. Hindi dumating ang bride sa mismong kasal. Mahal naman daw siya nito pero masyado pa daw silang bata kaya natakot 'tong tumuloy sa pagpapakasal. Halos gumuho ang mundo niya sa pagkakataon na 'yon, para nga daw siyang baliw na nagtatakbo palabas ng simbahan at hinahabol ang bridal car. Buti nalang nandoon ang bestfriend niyang si Jason para pakalmahin siya. Sa ngayon, masaya na siya. Kaya naman ganoon nalang ang tuwa niya kapag may nakikita siyang kinakasal. "Ganiyan din sana ako" lagi niyang bukambibig pero agad siyang tinatapik ni Jason, "dadating din yung sayo" lagi nitong sagot sa kaniya.

       
Nagpark siya sa likod ng Montero na dilaw at dali-daling bumaba.
"Sinasabi ko na nga ba, kilala ko ang sasakyan na 'to." bulong niya habang dinadaanan ang Montero at patungo sa pintuan ng office ni Mrs. Sy.
Close. Napahinto siya ng makita ang sign na 'to. Sumilip siya sa bintana at nakita niya si Jenny, secretary ni Mrs. Sy.
"Ms. Jenny!" sigaw nito sa bintana habang pilit na nakangiti at kumakaway.
Napalingon sa kaniya si Jenny, nagulat 'to at dali-daling lumapit sa pintuan. Binuksan nito ang pinto at nilabas ang ulo.
"Sir. Matt! Ano pong ginagawa niyo dito?" pabulong niyang tanong.
"Diba ngayon kami pipirma ng kontrata? Inagahan ko lang ang punta."
"A-eh pero sir, ang akala ko hindi kayo tuloy?" nauutal na tanong nito.
"Hindi tuloy?" tumaas ng kilay nito "sino nagsabi? wala naman nabanggit sakin si Mrs. Sy na hindi tuloy."
"E kasi sir-"
"Nandiyan ba si Mrs. Sy?" tumingkayad ito at sinilip ang loob ng office. Niliitan ni Jenny ang pagkakabukas ng pinto na para bang may tinatago. Sakto naman lumabas si Mrs. Sy.
"Mrs.Sy!" sigaw nito. Napahinto si Mrs. Sy sa paglalakad.
Hinawakan ni Matt ang pinto at tuluyan nang pumasok sa loob. Mabilis siyang lumapit sa ginang na halatang medyo iritable ang pagmumukha.
"Magandang umaga ho-"
"O bakit ikaw nandito?" matinis na tanong ni Mrs. Sy.
"Hindi po ba ngayon kami pipir-" tinaas ng ginang ang kamay na sumesenyas na huminto siya.
"Nako iho, kayo ang kulet ha. Tawag ako kahapon wala daw tao office nyo."
"Linggo po kahapo-"
"Hasshuuu-" saway ng ginang kay Matt. "Ako bawi na kontrata sa inyo, may hanap na ako bago." naglakad ito papalapit sa pinto ng kwarto niya at binuksan 'to.
"Kumpare!" malaking boses ang nanggaling sa loob ng kwarto ni Mrs. Sy.
Tumatawa na para bang nang-aasar na lumapit ito sa dalawa. Nakangiti 'tong sumalubong at kumamay kay Matt.
"Anong ginagawa mo dito?" madiin na bulong niya kay Rudy. Si Rudy ang may-ari ng isa sa mahigpit na kakumpetensya nila sa industriya. At alam niya ang binabalak nito pagkakita palang nito sa dilaw na Montero'ng nakaparada sa labas.
"Ano ka ba naman, siyempre tinutulungan ko si Mrs. Sy" tinapik nito nang ilang beses ang likod ni Matt bago ulit bumalik sa kinauupuan kanina.
"Sila na kunin ko sa photoshoot." sambit ni Mrs. Sy
"Pero kala ko po maayos na ang usapan natin na kami na talaga kukunin niyo?"
"Nako bago isip ko, dami ko laman tungkol sa inyo ha" pataas na boses ng ginang.
"Pinakita ko ho lahat ng portfolio at recommendation ng mga past customers namin. Anong naging problema natin dito?" laking pagtataka ni Matt dahil sobrang nagustuhan naman ng ginang ang mga pinakita niya noong una silang nag-usap.
"Ito si Rudy may kwento sakin tungkol huli niyo shoot ha." pangiti-ngiti lang si Rudy sa gilid habang umiiling.
Naalala bigla ni Matt ang nangyari sa huli nilang photoshoot. Nakipagsapakan si Jason sa isa sa mga emplayo ng customer nila ng pagbintangang ninakawan siya nito. Nagkaayos naman ang dalawa sa huli. Pero hindi niya alam na nabalitaan pala 'to ni Rudy.
"Madam, walang halong katotohanan yung pagnanakaw at nagkaayos naman kami sa huli."
"Nako ayoko ng ganon, malas sa business. Baka mahawahan niyo pa kami."
"Pero ho yung quality-"
"Parehas quality rin gawa ni Rudy, sila kunin ko hindi kayo." Diin ng ginang.
Lumapit si Rudy habang tumatango "Paano ba yan p're, ayaw na talaga ni Mrs. Sy. Pwede ka nang umalis."
"Jenny samahan mo labas to!" sigaw ng ginang at tumalikod na sa kaniya. Wala na siyang magawa. Dali-dali naman siyang inakay ni Jenny palabas ng office.
"Pasensya ka na talaga sir." ang huling sambit ni Jenny bago siya pagsarahan ng pinto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Cebuana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon