patulong naman sa title! -updated! chapter 14 - 15

1K 3 6
  • Dedicated kay crush ni evalla.. :))
                                    

(maraming mali... nakakabagot ayusin!) :)

Hi. ako nga po pala si cedric. nais ko lang naman ibahagi sainyo ang aking ginawang kwento. Pasensya na kung medyo may mga mali at kulang ito kasi 12:26 a.m ko ito sinimulan.

Minsan sa ating buhay, may makikilala tayo. At sa pagkarami-rami ng ating mga nakilala, kaunti lamang ang tunay na magmamarka. Yung mga tunay na kaibigan at yung taong… alam mo na yun, di ko kasi alam ang tamang word para dun eh. Boring hindi ba? Talaga. Haha. Sige na, heto na at sisimulan ko na ang aking istorya.

Chapter 1-Ang Babaeng Abnormal

Summer noon. Isang buwan bago ang pasukan. Bagong lipat kami. Wala masyadong kakilala kaya walang makahalubilo. Hindi pa nga namin tapos yung bahay eh, marami pang aayusin. Nakatira kami ngayon sa isang village na pangmayaman. Kaya naman naming bayaran kaya ayos lang. Sa ikalimang bahay mula sa amin ay merong katatapos pa lamang na bahay. Sila na yata ang may pinakamalaking bahay at pinakamayamang pamilya sa buong village. Weh di nga?

“Anak, bumili ka nga muna ng toyo dun sa tindihan,” sabi ng aking itay. Alam niyo bang 15 na bahay ang layo ng tindihan sa aming bahay? hay, kakapagod kayang maglakad. Pero naalis ang aking katamaran ng pumasok sa aking isipan ang pagtataka. “Bakit kaya sila nariyan at sino naman ang kanilang pinagkakaguluhan?” tanong ko sa aking sarili sa paraang pangmakata habang nadaraanan ang isang grupo ng mga kalalakihan na isang taon lang ang tanda saakin. Para silang mga aso na nagkakagulo dahil lamang sa kung ano. Tapos yun, nalaman ko rin kung ano ang dahilan. Nagdidilig pala ng halaman yung nag-iisang anak ng mayaman na mag-asawa. Hindi ko rin naman yun pinansin kasi bibili pa ako ng toyo. Buti na lang nagsiuwian na sila. Pero nung gabing iyon, lumabas ako para libutin ang village namin. Nasa may harap na ako ng kanilang bahay at napalingon ako sa aming bahay. Nabigla ako ng makita siya sa aking harapan. Halos braso lang ng bata ang layo niya sa akin. Siya ang unang babaeng nakalapit ng ganon kalapit mula sa akin. Hindi talaga ako makapaniwala. “hi, ako nga pala si cindy. Ikaw, anong pangalan mo?” tanong niya sa akin tapos inilagay ang mga kamay sa kanyang likuran. “ah, ako?” palunok ang aking pagsagot. “ako si cedric, nalulugod akong makilala ka.” Tumagal pa ang aming pag-uusap:

ako - bagong lipat kayo rito?

siya – ah oo… dalawang araw na kami rito. Maganda naman at tsaka tahimik.

ako – siguro nga. Maaga silang natutulog. Eh ikaw, hindi ka pa ba matutulog? Yung mga parents mo nasaan?

siya – ah hindi pa. maya-maya pa siguro. Hindi pa naman ako antok. Yung mga parents ko wala dyan, nasa trabaho. Mga maid lang ang nariyan ngayon. Saan nga pala yung bahay nyo?

ako – ha? Nasa trabaho? Sa ganitong oras? Ah, yung bahay naming dun! Sa ikalimang bahay na yun. Sige ha, kailangan ko nang umuwi.

siya – oo, lagi silang wala eh,. sige, paalam! (Sabay ngiti.)

Lumingon pa ako noon at nakita ko siyang naroon pa rin. Hinding – hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Maaga akong nagising. Siguro mga 4 ng madaling ako nagising. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may nagsasabi saking lumabas ng aking kwarto papunta sa aming pinto. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. “o, ba’t nandito ka? Ang aga ah.” Pabulong kong pagsabi. “hindi kasi ako makatulog eh,” nangangamba niyang sagot. Tulog pa noon sina inay at itay. Alam ko namang hindi nila ako papagalitan kasi lagi ko naman itong ginagawa kahit na nung nasa probinsya pa kami. Sinamahan ko muna siya sa kung saan niya gusto pumunta. Ngunit sabi niya sakin na doon na lamang kami sa ginagawang tambayan nang mga taga-roon. Tahimik ako noon dahil inaantok pa akong masyado. “anong favorite mong kulay?” tanong niya sakin ng walang anu-ano. Bakit kaya siya nagtanong ng ganung bagay? Wala kasi akong hilig sa pagsasagot ng mga tanong tungkol sakin, tungkol sa aking mga gusto, maging man sa mga bagay na ayoko. Pati rin yung mga tanong na walang kakwenta-kwenta. Pero sinagot ko rin naman para matapos na. “bl…” natigil ang aking pagsagot. Naku naman, natulog pa sa balikat ko! Grabe naman ‘to. Eeeeeeeeeeee! Napanood na siguro ng babaeng ito yung pelikulang “my sassy girl.” Yun nga, hinatid ko na lang siya sa bahay nila. Alam niyo bang inabot ako ng kalahating oras para lang ihatid siya? Ang bigat niya kaya, eh ang payat ko naman tapos hindi pa siya nagigising.

patulong naman sa title! -updated! chapter 14 - 15Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon