"Next week magbabayad nako Ate alam mo namang nawalan ako ng trabaho"
'unti-unting nilalabas ng mga lalaki ang mga gamit ko sa apartment pati ang damit kong nasa sahig na at nakakalat'
"Nakaraan yan din ang sinabi mo sakin!pero hanggang ngayon hindi kapa rin nagbabayad!"nawalan ako ng pag-asa ng tuluyan niya ng ilock ang apartment
'napaupo ako sa sahig habang tinitingnan ang mga gamit kung nasa labas na at nakakalat sa sahig'
'Pinulot ko ang isang bag at pinasok ang mga damit na nakakalat hindi ko na mapigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumuhos'
'Ako Si Audrey Fricker 18years of existing in this cruel world'
'Namatay ang magulang ko sa isang aksidente kaya naulila ko wala kong kapatid kaya wala kong ibang masasandalan kundi ang sarili ko'
'Nag-aral ako gamit ang perang naiwan sakin nang aking magulang at ibinenta ko rin ang bahay namin nag-apartment na rin ako pero hindi sumapat kaya nagtrabaho ako sa isang fast food'
'Maayos na sana ang Simpleng buhay lang,pero nawala ang lahat ng tanggalin ako sa pinagtratrabahuhan ko kaya no choice naghanap ako ng trabaho pero wala paring tumatanggap sakin'
'hanggang sa hindi ako nakapagbayad ng rent kaya ngayon na palayas nako'
'things will happen unexpectedly,
good or bad,
you want it or you dont want''naglakad ako nang naglakad habang tulala sa daan hindi alam kung saan tutungo'
'Ganto ba ko kasama para danasin ang gantong buhay!lahat na lang kinuha sakin!Sobrang malas ko'
"Argh!"napalingon ako sa pinanggalingan ng tunog
'kalsada ang inaapakan ko pero sa gilid ay maraming puno'
'Lord!please naman!kinuha mo na nga lahat sakin tapos ano?!papatayin mo pako ngayon kung papatayin mo man ako sana naman yung maayos hindi ganto—'
"Ahh!"napahiyaw ako ng may maramdamang kung ano sa paa ko
'namutla ako ng makitang isa yung wasak na bote at tumama sa paa ko. Napaupo ako sa sakit at tumutulo ang dugo ko na galing sa paankong natamaan ng basag na bote'
'nakarinig ako ng mga tunog na parang nagbubugbugan hinawakan ko ang hitang nagdurugo'
'Kailangan kong makaalis dito!kumuha ko ng isang damit sa bag na dala dala ko at tinali yun sa hita ko'
'Sinubukan kung tumayo ngunit napaupo at napadaing ng maramdaman ang sakit nun'
'nakarinig ako ng mga yapak kaya napadilat ako mga lalaking nakasumbrero kaya hindi ko maaninag ang mukha isama pa natin na madilim na,mga nasa lima sila'
'Napalunok ako ng tumingin ang isa sa direksyon ko'
'tumakbo sila sa direksyon ko kaya napaatras ako kahit ng hihina'
"Hayaan mo na yan!"sigaw ng isang lalaking puti ang tshirt at black na pantalon kaya kita mo ang mga dugong nasa damit niya
'Naging madilim ang lahat naramdaman ko na lang ang pag-angat ko hanggang sa nawalan nako sa ulirat'