8✰

149 9 0
                                    

"Kuya Ken, may gamot ka ba diyan?" Pumunta ako sa kwarto ni Kuya Ken at humingi ng gamot.

"Gamot? Para saan?"

"Sakit sa ulo?" Nakita kong nagbago yung facial expression ni Kuya Ken, agad-agad niyang tinawag si Kuya Stell.

"Oh? Bakit?" Nacurious ako kung bakit kailangang tawagan ni Kuya Ken si Kuya Stell.

"May gamot ka ba para sakit sa ulo?" Tanong ni Kuya Ken.

"Bakit? Masakit ulo mo?" Tanong sa kaniya ni Kuya Stell.

"Hindi si----" Hinila ko yung damit niya, ayokong malaman 'to ni Kuya Stell, dati nung sumakit yung tiyan ko nag over-react siya, bumili siya ng maraming gamot. Hindi niya ako pinalabas ng bahay. Ayoko nang maulit yun.

Ken

"Hindi si----" Natigil ako, naramdaman kong biglang hinila ni Bianca yung damit ko.

"Hindi si Bianca, oo ako nga hehe."

"Kaya nga, sabi ko nga." Bumalik si Kuya Stell sa kwarto niya at kinuha yung gamot na hinihingi ni Kuya Ken para sa akin.

"Thank you Stell." Sabi ni Kuya Ken at hinila ako ng pumasok siya sa kwarto niya.

Bianca

"Thank you kuya Ken."

"Pero Bianca, bakit ayaw mong sabihin mo kay Stell yang nararamdaman mo?"

"Kuya Ken, alam mo naman yung nangyari nung sinabi ko kay Kuya Stell na masakit yung tiyan ko dati diba?" Nakita kong napatawa nalang si Kuya Ken.

"Ahhh HAHAHA ayaw mo na ulit makulong?" Tama ka diyan kuya.

"Hmm, sige sige, magpahinga ka muna." Lumabas si Kuya Ken, kinuha ko yung cellphone ko at tinext si Ron.

Ron

Bianca:
Ron, nasaan ka?

Ron:
May isang oras pa ah!
Maliligo muna ako hehe

Bianca:
Di nga pala tayo matutuloy ngayon.

Ron:
Bakit?

Bianca:
Masakit yung katawan ko.

Ron:
Eh?! Punta ako sa bahay mo?

Bianca:
Hala! Wag naaa.

Ron:
Hmm, sige sige.
Inom ka gamot!
Labyah!


Sejun

"Hindi natin pwedeng iwan si Bianca kuya!" Sabi ni Ken sa akin.

"Ha? Bakit?"

"Kuya Kennn!" Sigaw ni Bianca at bumaba, sa pagbaba niya, nadulas siya sa hagdan at nahulog.

"Bianca!" Agad-agad namin siyang nilapitan, buti nalang at hindi siya nawalan ng malay.

"Bianca! Dahan-dahan ka kasing bumaba!" Sabi ni Stell habang pilit na itinatayo si Bianca.

"Kuya masakit yung ulo niya, ayaw niya sabihin sayo kasi baka ikulong mo nanaman siya hehe." Akward na sabi ni Ken, tinitigan naman ni Stell ito.

Hinila ni Stell si Bianca papunta sa storage room.

Stell

"Bunso naman, alam kong gusto mong makalabas kahit may sakit ka, pero alam mo naman kung gaano ako nag-aalala sayo. Ikaw lang ang nag-iisang prinsesa namin." Sabi ko kay Bianca.

"Sorry kuya, pero dahil alam mo na, ikukulong mo nanaman ba ako?" Tanong niya sa akin.

"Kulong?"

"Eh kasi diba dati? Hindi naman malala yung sakit ko pero para akong nagkaroon ng Covid dahil pinagbawalan mo man lang akong lumabas." Sabi niya at nag-pout, gosh who can say no to this girl?

"Nag-aalala lang ako sa'yo bunso, ikaw lang ang prinsesa namin. Hayaan mo na si Kuya, over acting eh. Pasensiya na." Sabi ko at niyakap siya.

Bianca

Andito ako sa kwarto at nakikinig sa Mixtape#2 ng Stray Kids (stan skz!), nauntog ung balikat ko sa pagkakamali ko kanina sa hagdan, kaya napagpasiyahan kong humiga muna.

Ken

"Tuloy pa ba tayo sa lakad natin?" Tanong ni Josh sa amin.

"Hintayin muna natin ung mga kaibigan ni Bianca para may kasama siya dito, baka pumunta dito yung Ron na yon eh." Tumango kaming lahat.

Sinabi namin kay Bianca na imbitahan ang mga kaibigan niya dito para may kasama siya, pero hinihintay namin sila dahil baka iba ang dumating.

"Bia----- SB19?!?!?!?!?" Nagulat kami sa biglaang pagpasok ng 2 babae.

"Helloo, kaibigan ba kayo ni Bianca?"

Bianca

"Bianca! Andito na sila." Bumaba ako at niyakap si Dhenielle at Joshene.

"Sis! Kaano-ano mo sila?" Tanong ni Joshene sa akin habang nasa likod ko yung tinutukoy nila.

"Kapatid ko sila, sorry kung ngayon ko lang sinabi sa inyo."

"Hoy ano ka ba! Ok na ok na ok na ok na ok lang no!" Ngumiti ako at pinakilala sila sa mga Kuya ko.

"Shems, nahihiya ako pero ang saya-saya ko." Bulong sa akin ni Dhenielle.

"Kalma gurl."

"Sige girls, mauna na kami, Dhenielle ano number mo? Para matawagan kita." Sabi ni Kuya Justin.

"Eh? Kuya? Bakit siya pa yung kailangan mong tawagan? Pwede namang ako eh."

"Alam mo na, baka mamaya malasing ka." Napatawa nalang kaming lahat.




 𝙺𝚞𝚢𝚊 𝚔𝚘 𝚖𝚐𝚊 𝚖𝚎𝚖𝚋𝚎𝚛𝚜 𝚗𝚐 Տᗷ19シTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon