Kaizer's Point Of View
Nanginginig ang kamay ko habang hinihintay ang anak ko. Nasa airport ako ngayon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay masisilayan ko na rin siya. Mugto pa rin ang mata ko dahil sa walang katapusang pag-iyak.
Hindi ko pa rin tanggap!
I know she's alive. I can feel it.Ayaw ko sana iwan si Gen sa bahay ni mama. Pero naisip ko ang anak ko. Paano na siya? Paano ko ba ipapaliwag sa kaniya? Paano ko ba sasabihing ako ang ama niya? Would he accept me?
Paano ko ipapaliwag na wala na ang mama niya nang dahil sa lason?
I really don't know what should I say to him. Napabuntong-hininga ako ako.
Napayuko habang tiningnan ang larawan ni Gen. 6 years ago pa ito at hanggang ngayon'y wala pa rin nagbago. I'm still in love with this girl.
Ang babaeng naiiba at weird kung pag-iisip. Ang babaeng hindi nauubusan ng pakulo. Ang babae sinasabi ang mga gustong sabihin nang walang preno. Sino ba ang hindi maiinlove sa taong ito?
Naging mas maganda ito sa paningin ko. Lalo na noong nakasama ko siya sa ceres. Kahit na hindi malinaw ang nakikita kong memorya sa araw na iyon ay ramdam ko sa puso ko na matagal ko na siyang mahal. Na kahit na hindi tumitibok ang puso ko'y siya pa rin ang sinisigaw nito. Totoo nga siguro ang kasabihan ng mga tao: nakakalimot ang isip pero hindi ang puso.
Hindi ko mapigilang humikbi. Wala na akong pakialam kahit na pagtinginan ako ng mga tao rito. Ngayon lang ba sila nakakita ng lalakeng nagmahal, nasaktan at umiyak sa airport?
Bakit hindi ko nagawang isalba ang babaeng mahal ko? Sa tuwing umaalis ako sa cabin ay pinupuntahan ko ang alam kong mga maggagamot, nagbabakasaling may lunas sila sa lason. Pero bigo ako. No one knows how to kill that poison. Napakawalang kwenta kong bampira !
Now tell me Gen? Paano ako mag-uumpisa ng wala ka? Paano ako tatanggapin ng anak mo kung malaman niya na ang bumawi sa buhay mo'y kagagawan ng bampira?
Pinahiran ko luha ko nang may masilayan akong nakatayo na bata.
"Mister? Ayos ka lang?" biglang tanong niya.
Iniangat ko ang tingin ko. Hindi agad ako nakagalaw ng makita ang mukha niya. Napalunok ako habang sinusuri ang batang nasa harapan ko. Pero ang nakakakuha ng atensyon ko ay ang mga mata niya. He have my eyes, my lips. Para siyang replika ko.
Pakiramdam ko'y nanalamin ako. Kamukhang-kamukha ko ito.
Mas lalo akong nanlambot nang pahiran niya ang luha ko nang hindi ko pinansin ang pag-abot niya nang panyo.
"Alam niyo po? Umiyak din ako kanina. Hindi pa kase sinasagot ni mommy ang tawag ko," malungkot na saad nito.
"I-ikaw ba si Kaigan?" Pagkomperma ko rito.
"Kilala niyo po ako?" Napatango na lang ako habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko.
"So kilala niyo po ang mommy ko?"
Kilalang kilala. Mapangiti ako habang patuloy pa Rin sa pagbagsak ang mga luha ko.
"Tahan na po. Hindi ko naman kayo aanuhin e," aniya habang hinahagod ang likod ko.
Bigla ko naman itong niyakap. So this is the feeling?
"Kaigan, anak..."
Nagtataka na yung bata sa bigla kong pagsambit ng anak sa kaniya.
"May anak din po kayo?" walang muwang na saad nito.
Tumagal pa ang pagyakap ko sa anak ko hanggang dumatig si Jovi. Hindi na siya nagulat nang makita ako.
YOU ARE READING
VAMPIRE KA LANG, DYOSA AKO! BOOK II (COMPLETED!)
Vampire6 years ago. She's been crazy in love with this vampire named Kaizer Suarez. Now that she's back. She'll make sure whenever they meet again. Kaizer will pay the hell cost for what he have done. No more feelings. No more affection. Pure tarayan at wa...