01

17 0 0
                                    


-

"Klier, yosi break muna" kalabit sakin ni Ali, katrabaho ko.

"Sige wait moko sa elev, mag ccr lang ako" sabi ko sakanya at kinuha ang wallet at phone ko.

I checked myself in the mirror and put some liptint kasi namumutla nako dahil sa stress dito sa office.

"Ano? Stress na stress ah?" Inabutan ako ni Ali ng yosi at kinuha ko naman yon.

"Sindi boss" pang asar nya at sinindihan ang yosi ko.

"Tangina ka talaga, kumusta naman ang team mo? Toxic parin or okay na?" Tanong ko sakanya kasi may issue siya sa ka-team niya.

"Kausapin mo na kasi si TL Anne sobrang awkward na ng ganap samin ni Monica pucha, isipin mo paparinig ng paparinig hindi ihiwalay yung personal life sa lovelife eh" pag rarant niya.

Monica is his ex girlfriend.

Nakikinig lang ako sakanya pero parang lumulutang ako habang naiisip ko na nakita ko si Rhys nung isang araw.

"Nakikinig kaba? Pucha ano ba? Wala ba kayong sexlife ni Yuki? Tangina ka, lutang ka lagi dude" pang aasar niya.

"Gago ka talaga" sabi ko at I puffed sa yosi ko

"Kumusta na pala yon? Hindi kana sinusundo ah. Kayo pa ba?" He added

"Gago malamang, busy lang sya nasa Cebu siya ngayon may event sila" sabi ko sakanya.

"Hanggang ngayon ba tago parin kayo? Hirap niyan pucha, hindi niyo maflex isa't isa" sabi niya.

"Ewan, okay na din yon kesa ibash pa nila yung girlfriend niya hahahaha" sabi ko at tumingin sa oras.

"Tara na may hinahabol pakong quota" sabi ko at tumayo na sumunod naman siya.

Well, Ali Miguel is my guy bestfriend here sa office. He had an ex, si Monica yung sinasabi niyang toxic sa team nila. Of all people, siya lang ang may alam na may boyfriend ako.

He is tall, macho, and have a dark brown eyes. Laging nasasabihang bad boy but if you know him well he's so kind. He's also maputi kaya siguro medyo madaming nag ka-crush sakanya here sa office but wala siyang time kasi he still not ready 'daw'. Hindi pa daw nakikita yung 'the one'.

After ni Monica wala na siyang naging girlfriend. Dates lang, nag try siya mag bumble.

Mabilis lang natapos ang shift ko kaya nag ayos nako ng gamit at bumaba na.

Mag bo-book pa ako ng angkas kasi hindi ako nag dala ng car ngayon.

Nag yosi muna ako saglit and naiisip kong namimiss ko na si Yuki but, wala akong magawa ayoko mangulit. I know na busy siya sa work as a dancer and also a DJ.

I checked his IG story and I saw yung dance performance nila.

"Ang galing talaga ng baby ko" bulong ko nang nakangiti.

"Talaga?" I was shocked when I heard a familiar voice. I look at my back and there he is, may bouquet na dala.

"I think I deserve a kiss and hug baby" sabi niya.

I ran towards him and I gave him a tight hug and kiss him.

"I missed you" I said and pout.

"I know, kaya nga I surprised you. Wait baby sa car nalang tayo baka may makakita sayo" sabi niya and we go inside his car.

"Sabi mo next week pa?" Sabi ko habang inaamoy yung bouquet

"Sabi ko lang yon to surprise you, I miss you kaya" sabi niya and he interwined our fingers while driving.

Seems so near, yet so farTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon