"Here..."
Inihagis niya sa akin ang ilang piraso ng papel na halatang punong-puno ng letra. Ano na naman kaya ang mga ito?
Pati ba naman sa wastong pag-aabot, di rin niya magawa? Pinulot ko na lang ang mga ito at sinimulang basahin. Listahan pala iyon ng mga schedule na lalakarin niya sa buong linggo. Naku naman, daig pa niya ang mga sikat na celebrities sa napakahectic niyang schedules.
Tagaytay, Bukidnon, Baguio, Palawan, Boracay, Ifugao, ilang lamang sa mga lugar na nakaprinta sa papel na aking nabasa. Plano yata nitong libutin lahat ng lugar sa Pilipinas.
"Nagtataka ka?"
Hindi ko alam na binabasa rin pala niya ang mga iniisip ko.
"Ahhh..." HIndi ako makasagot o wala lang siguro akong masabi.
"Siyempre, as a model. I need to go to this places. Hindi sapat ang mag-edit lang. Dapat real yung background ng bawat shoot ko."
So...? Ewan ko, pero parang ang yabang talaga niyang magsalita.
"Of course, you have to be ready too. Cuz your my PA."
'AKO?!" Nagulat ako sa sinabi niya.
"AHUH..."
"Ano?'
"Ayaw mo?" Nais kong nguniti dahil sa tanong niyang iyon. Ibig sabihin maari o hindi ako maaaring sumama sa kanya. Nakakapagod kaya iyon. Hindi rin naman ako matakaw sa mga magagandang tanawin kaya wala akong pakialam kung saan siya pupunta. Pilit kung sumagot ng "oo ayaw ko' pero gumuguhit sa kanyang mga mata ang pagbabanta na para bang nagsasabing.."pag hindi ka sasama, that means you're fired, tapos!'
Hindi, hindi maaari...
"Siyempre, sasama ako. Trabaho ko naman yun di ba?" :) Poker face ang dating ko sa kanya. Alangan naman tanggihan ko. It's my job. Wow! English yun ha. Hahaha.
"So, kailan to si-i-ir?" Talagang inim-phasize ko pa ang pagkakasabi ng sir.
"tomorrow night, babyahe na tayo."
"Ano?"
"Yes!"
"No!"
"Yes."
Para kaming mga batang nagtatalo kung sino ang mananalo sa pagbigkas ng yes or no. Hindi ako makapaniwalang over-the-bakod na talaga ang mga pinaggagawa niya. Haiishh.. Sana lang ha. Sana lang payagan ako nina mama at papa.
Naku!Naku! Naku! Naku! Hindi! Kapag ganitong sitwasyon, presko pa ang nangyari sa akin. Siguradong hindi nila ako papayagan. Wala na akong ibang magawa kundi ang .... hhhhhmm (sigh)
"Ahh... m"
"Opps.. dapat maghanda ka na. Gusto ko walang maiiwan sa lahat ng mga gamit ko. Dapat ready lahat. Do you understand me?"
"OPO siiirrrr.."
"Good"
Pagkatapos nun, agad na siyang umakyat patungo sa kwarto niya.
"Hayyy..."
Napabagsak ako sa pag-upo sa couch na nasa likod ko. Napaka-insensitive naman niya..
Seeeesss!!! Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho... Kung di ka lang gwapo..
"Opps!" Agad kong ibinaling sa ibang bagay ang aking mga iniisip.
The time has come... ayun! Dalawang oras na lang aalis na kami. Tapos ko nang inihanda ang lahat. Ano ba naman tong lalaking to? Daig pa ang isang Hollywood star sa dami ng gamit. Tsk!
BINABASA MO ANG
My Boss
RomanceWhen #bitter Elisa tries to find ways in helping her family, she ended up wanting to be become a maid. Magtatagpo ang kanilang tadhana ng cool, gwapo, at arogante, ngunit misteryosong si Thomas Willis. Will things work in their relatively diverse pe...