Sydney
"Hello, Oo na! Papunta na," sabi ko kay Nina na kanina pa pala tumatawag sa akin.
"Ha? Anong huwag na? Tapos na?"
Shit. Tapos na ang performance niya.
"Pakisabi na lang pasesniya na di ako nakarating-" inayos ko pagkaupo ko dito sa waiting shed na tinatambayan ko while naghihintay ng masakyan, kaunti na lang din ang mga tao, di ako sure kung yung iba nasa CR ba sa likod nitong waiting shed or nakaalis na.
"Bakit naman siya magagalit na di ako nakarating? Sus wala naman siyang right, may label kame? Wala che!" Napalingon ako sa may CR, may kalampag kase akong narinig.
"Oh sige na Nina, malolowbat nako oh."
Pinatay ko na agad ang call, kinuha ko ang salamin ko at inayos muna ang sarili ko bago pumunta sa kung saan man ako dalhin ng kaboringan ko, ang oily ko na pala letche, simple lang naman din ang suot ko, Ripped Jeans and Band Shirt lang tas Jacket.
Isinaksak ko ang earphones sa cellphone ko tsaka pumili na ng kanta, tapos nilagay ito sa taynga ko. Palubog pa lang naman din ang araw, kaso umaambon ng konti. May kinakasal daw na tikbalang pero nah, climate change lang yan, epekto ng kagaguhan ng mga tao eh mula nga dito sa kinatatayuan ko kitang kita ko mga basura sa paligid, di rin kalayuan may nagsusunog ng plastic na basura sa kabahayan nila.
Habang naghihintay ng bus, may tumabi saakin, lalake, di ko siya masyadong pinansin pero parang nakatingin siya sa akin, so ang ginawa ko, kinati ko ang tainga ko sa kung saan siya nakaupo tapos pasimpleng lumingon at oo nakatingin nga kaya tinanggal ko ang earphones ko.
"Sinong walang label?" sabi niya.
"Ha?"
"Hotcake?" aba gago to. I looked at him and studied him, di obvious na gago ah, naka sweater siya at may polo sa loob, naka labas ang collar nito, tapos may suot siyang gray na beanie he looks just like a cute, innocent person pero his smile gives off something, parang big dick energy oh.
"Ano problema mo?" mariin kong sinabi sa kanya.
Ngumisi siya ng malaki, pinagtritripan ata ako nito.
"Ikaw? Anong problema mo?"
"Ha?"
"Hatdog" kahit naiinis ako di ko napigilang mapangiti, dahil nakakahawa din ang ngiti niya.
"Parang banas na banas ka na kase sa buhay mo," sabi niya while looking at the rain.
"What? No, happy kid kaya ako duh." Nginitian ko siya ng napakalaki.
"Ano? Sama ka?" tanong niya sa akin na para bang magkakilala na kame.
"Saan? Eh bakit naman ako sasama sayo?"
Tiningnan ko ang ambon, parang nawala na, sayang, I expected it to turn into sleet pa naman, kaso nasa Pilipinas pala ako.
"Basta! And bawal na humindi dahil ang unang tanong is saan which means willing ka nga sumama," sabi niya na naka ngisi pa rin and it's starting to annoy me na nakangiti lang siya.
"Luh, what if rapist ka!"
What if nga naman, I'd feel sorry for him, I know self-defense pa naman.
"Ang corny mo naman, grabe you still believe sa mga ganyan?" okay ang gago nga, sinong taong i-mi-minimize lang ang scare of rape noh.
"Hindi yon corny, alam mo ikaw gago ka talaga," sabi sabay turo ng index finger ko sa kanya. "Kung di applicable sa inyong mga lalake ang 'Don't talk to strangers' eh sa amin importante yon kase inaalagaan namin sarili namin." I think justified naman na siguro ang argument ko pero nakakainis kase ngumiti lang siya ulit.
YOU ARE READING
Press Play
Teen Fictiona musician cross paths with an artist on a sunset, they decide to spend the night together which led to further circumstances that follow the story of this anti-romance pair.