i. FITZ

26 3 1
                                    

"Iikot na, iikot na!"

Dinig mo ang matinis na boses ni Ashley kahit ba tila ito ay nalulunod sa lakas ng dagungdong ng speaker sa gymnasium. Cold Water ni Justin Bieber ang pinapatugtog dito. Throwback hits daw nung high school. Naalala ni Fitz na sabay pa sa boses ni Bieber nang una niyang hinalikan ang dating kasintahan na si Bianca noong 2016.

Inabot ni Micah ang baso, "Emmett, truth or dare?"

"Truth." Sagot ng lalaking nasa tabi ni Fitz. Pormal na pormal ang suot nito. Parang aattend ng isang business meeting, hindi ng isang alumni homecoming. Kung sabagay, suit and tie na din naman ang normal na isinusuot ng dati nilang SSG president, ngayong nagtatrabaho na ito sa law firm ng kanilang pamilya. Tsk, old money.

"Anong bago d'on, Emmett? You should loosen up a little!" Reklamo ni Ashley habang sinasalinan ng vodka ang baso na hawak hawak ni Micah.

Hinalukipkip ni Emmett ang mga kamay at sumandal sa upuan, "Kung gusto mong mag-dare ako, hindi mo na dapat ako pinapili sa dalawa. Magtanong ka na."

"Fine." Sagot ng dalaga. "Magtanong ka na, Micah."

"Si Alex ba ang first mo?"

Natawa ang binata. "Anong klaseng tanong 'yan? Napaka pang-highschool."

"So, ano nga?" Pagpupumilit ni Micah.

"Bakit kailangang malaman? Mababawasan ba ang pagkatao ko?"

"Hindi. Curious lang kami."

"Oo."

Tumingin ang lahat sa mesa kung saan nanggaling ang sigaw ng isang babaeng malapit nang malasing. "I knew it, Micah! OMG!" Maski ang dating mga magkasintahan na busy na magcatch up sa dance floor ay napatigil sa pagsasayaw.

"Heh, happy alumni homecoming, Batch 2018!" Sa wakas ay dinatnan na ng hiya si Ash.

Mahigit anim na taon na rin nang magtapos sila ng sekondarya. Karamihan sa mga nandito ay nagsisimula na sa kanilang mga karera. May mga pumasok na sa business schools, law firms, med schools. May mga nagma-masters na. 'Yung iba naman, bagong kasal na. Sabi nga nila, medyo weird ang 20s mo. May mga successful na sa buhay. May mga kaibigan kang may anak na. May mga taong kailangan pang magpaalam sa magulang para pumunta sa bar.

Si Fitz? In the middle of it all pa. Pero wala pa siyang anak. Para bang naghihintay ng sign na bumaba sa langit. Magtutuloy ba siya ng master's? Lilipad na ba siya papuntang America? Magpo-propose na ba siya kay Elisse? Hindi na niya alam. Siguro personality trait ng mga UP graduate ang hindi alam ang gagawin sa buhay after college. Kaya madaming nagshi-shift ng course. Madaming sadyang nagpapa-delay. Kahit ba gusto mo nang magpakaladkad sa kaklase mo after kang pahiyain ng professor mo, comfort zone mo na ang UP.

"Your turn, Fitz!" sabay abot ni Micah ng baso. "Truth or Dare?"

Kinuha niya ito, "Truth."

Umirap ang dalawang babae sa kanyang harapan, "Why are you guys no fun? You used to be a lot G nung high school!" sabat ni Ashley habang nginunguya ang nachos na nakalapag sa kanilang harapan.

Tumawa lang nang mahina si Fitz, "What Emmett said. Kung ayaw niyong mag-truth kami, sana hindi niyo na kami pinapili. But then again, that is the point of agency! We are free to choose for ourselves."

Dumakot na naman si Ashley ng nachos. "Engineer ka, huy! Since when did you get so philosophical?"

"Naka-uno ka lang sa ethics class mo, yabang mo na." Pabirong sabat ni Emmett.

Natawa ang magkakaibigan, "Gago!"

Nagsalin si Micah ng vodka sa shotglass, "Ikaw na ulit, Ashley. Ikaw kaya ang mag-truth? Kanina ka pa dare nang dare."

"Boring naman kasi ng mga dares ninyo eh. Akala mo high school ulit tayo."

Nakakatatlong ikot na ng baso sa magkakaibigan. Tatlong beses na ding dinare si Ash. Hindi mo na matanto kung lasing na ba siya, o sadyang makapal lang ang mukha. Nakapaglap dance na siya sa dati niyang manliligaw. Naisigaw na niya ang number niya sa buong gymnasium. Nakipaggrind na din siya sa dance floor sa isang dating kaklase. May magagawa ka pa ba para mapahiya ang isang taong handa sa lahat ng sexual dares ninyo? Wala.

Inunahan na ni Fitz ang tanong, "What do you regret doing or not doing in high school?"

Mahinhing tumawa si Ash. "You already know that, Fitz." Tumahimik ang barkada. Lahat sila pinagsisihan 'yon.

Umayos nang upo ang naka de kwatrong si Emmett, "Bakit? Dinala ka naman niya sa dream school mo, ha."

"I just know that I could have done better. Hanggang ngayon kinakain ako ng konsensya ko." Napatingin na lang sa baso ang dalaga.

"May nakaalam ba? Wala naman, 'di ba?" Tanong ulit ni Emmett.

Hindi alam ni Ashley ang isasagot. Sakbibi ng kanyang kamay ang shotglass, mukhang pinagiisipan kung iinumin ba 'to o hindi. Walang nagsasalita. Walang gustong magsalita. Lumipas ang ilang segundo.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Kinuha ni Micah ang baso at tinungga ito. Napangiwi ang dalaga sa guhit ng alak. "I have to go to the bathroom."

Tumayo mula sa kanyang kinauupuan si Emmett. "I'll go check up on the progress sa case ko."

Nakita niyang bumuntong hininga ang natitira sa kanilang barkada. "Sorry, matagal na dapat nating ginawa 'tong usapan na 'to, pero hanggang ngayon iniiwasan pa rin natin siya."

"I know. Pero hindi ko na din alam. Sorry, Ash."

"It's alright. I'll just refill my punch. God knows I need to take in other liquid before I get my ass too drunk to go home."

Nginitian ni Fitz ang kanyang kaibigan, "Ihatid na lang kita mamaya."

"Sige."

Pinagmamasdan ni Fitz ang dating mga kaklase. Hindi mo aakalain na 'yung mga nagcucutting para magbilliards, mga direktor na sa iba't ibang mga kumpanya. Wala masyadong natira sa kani-kanilang mga table. Lahat nakikihalubilo. Nagsasayaw sa mga kanta ng The Chainsmokers. Roses ang kanta ngayon.

"Lungkot mo naman. May kasama ka?" Isang pamilyar na boses ang bumulong sa kanyang kaliwang tainga. Si Maureen. Girlfriend niya bago sila grumaduate ng high school.

"Maureen. Kamusta na?"

Kinuha ni Maureen ang upuan kung saan nakaupo si Micah kanina, "I'm doing great! Building a new jewelry empire in the Metro."

"That's nice." Hindi interesado si Fitz makipag-usap dito.

Lumapit ang dalaga, "Pero alam mo ba anong kulang?"

Tumaas ang kilay ng binata.

"Ikaw." Biglang baba ang boses ng dalaga. Ang kaninang malambing na tinig ay naging mapang-akit. "Charot lang. But seriously, are you single? I mean—I see no ring on your finger. I take it you're available?"

"I'm not. I'll have to go, M." Ginamit ni Fitz ang dati niyang nickname para sa dating kasintahan, "It's nice to see that you're... still alive."

Tumayo na ito sa kinatatayuan. Wala na si Ash sa refreshment table sa tabi ng dating stage ng gymnasium. Si Emmett may kausap pa rin sa telepono. Tumayo na si Fitz sa kanyang kinatatayuan at hinanap ang pinakamalapit na palikuran.

Over the BakodWhere stories live. Discover now