ii. MICAH

13 3 0
                                    

"Shit." Hindi palamurang tao si Micah, pero hindi na niya napigilan. "May pasok pa ako bukas."

Tinititigan niya ang sarili sa salamin sa kanyang harapan habang minamasahe ang kanyang noo. Mabilis siyang mamula, kaya kahit nakakatatlong baso pa lang siya ng alak ay parang binudburan na siya ng blush on galing sa Colour Pop.

Lesson learned: huwag magpapademonyo sa kaibigan lalo na kung may pasok pa kinabukasan.

Siguradong mapapansin siya ng boss niya pagpasok. Si Micah ang marketing head ng isang Filipino cosmetic brand. Napakalayo sa kinuha niyang course. Nanggaling siya sa Conservatory of Music ng UST. Strings ang hawak niya nung college. Kung papaano siya napunta sa trabaho niya ngayon ay isa pa ring misteryo sa kanyang pamilya at kaibigan.

"It pays well naman," lagi niyang excuse sa mga nagtatanong sa kanya.

Mahinang sinasabayan ng kanyang paa ang beat ng kanta sa gymnasium. "2002" ang pinapatugtog ng disc jockey. Hindi pa sila tapos magthrowback ng kanta.

Kasabay ng sigaw ng isang matandang lalaki ang pagkawala ng boses ni Anne-Marie. "Hoy! Anong oras na?!" Tinignan naman niya ang orasan na nasa kanyang kaliwang kamay. 11:37 PM.

Pagtataka ang unang emosyon na pumasok kay Micah pagkalabas ng pintuan. Tahimik. Madilim. Walang tao. Nawala na 'yung dalawang magkasintahan na naghahalikan sa dating locker hallway nila. Wala na ang maingay na hiyaw ng kanyang dating kamag-aral tuwing may sasayaw nang kakaiba sa dance floor. Wala na din siyang maaninag na asul na ilaw na kanina lamang ay pinapaulanan ang balat ng lahat ng nasa himnasyo. Tanging ang buwan lang ang nagbibigay liwanag.

Pinagtitripan ba ako?

Binuksan niya ang flashlight ng kanyang telepono. Oppo A37 ang unit. Huli niyang ginamit 'to nung high school pa. Bago masira ni Fitz nung retreat nila sa Baguio. Weird.

Napansin na din niya ang pagbabago sa kanyang pananamit. Ang kaninang dilaw na sundress ay napalitan ng kanilang dating uniform. Puting blusa at navy blue na palda. Ang kaninang gold wedge na suot niya ay napalitan ng mahabang medyas at black na sapatos.

Napabuntong hininga ang dalaga, "What the fuck?"

Gusto niyang manisi ng tao. Kahit isisi niya sa pagkalasing. Pero kahit na siya ang pinakamadaling malasing sa barkada, alam niyang hindi niya kayang mag-imagine ng ganito. Alam nilang magkakaibigan na wala sa kanila ang gustong buhayin sa kanilang memorya ang nangyari sa kanila nung high school.

Binuksan niya ulit ang telepono. 10:49 PM. Friday, June 30, 2017.

"2017?!"

Ito ang araw na nagyayang mag-"ghost hunting" ang magkakaibigan. Si Fitz lang talaga ang may gusto, napilit lang ang iba.

"Para namang tanga eh! Isang araw lang! Huling taon na natin 'tong magkakasama. Sulitin na natin!" Pagpupumilit ng binata.

Napa-oo na lang sila. Naghahanap lang ng thrill sa buhay si Micah. Si Ash naman nakipagpustahan kay Fitz na hindi siya takot. Si Emmett ang pinakakawawa sa barkada. Madaling matakot si Emmett. Lalo pa siyang nanginig nang i-suggest ni Fitz na tig-iisa sila ng building na pupuntahan. Sa Almario Hall si Emmett. Romero Bldg. si Ash. Amorsolo Bldg. si Fitz, at sa Santiago Hall si Micah.

Maghihintay sila sa paaralan hanggang gabi. 10:00 to 11:30 sila mag-iikot. Kailangan ng picture ng bawat hallway para masiguradong napuntahan nila ang lahat. Before 12 AM, magkikita-kita sila sa academic oval.

Problema ni Micah ang kanyang maingay na takong nung high school. Hindi pwedeng maalerto ang security guards na rumoronda sa paaralan. Baka mahuli sila. Pero may mas malaki siyang problema kinakaharap ngayon. Kaya imbis na maghanap ng kung anumang engkanto, o multo, o anong supernatural na bagay ang mayroon sa kanilang paaralan, ang una niyang hinanap ay ang kanyang mga kaibigan.

Kaso nakakailang ikot na siya sa pangpitong palapag ng Santiago Hall ay hindi pa rin niya mahanap ang hagdanan. Anim na taon na rin naman siyang graduate sa paaralan na 'to. Ni hindi siya nakapag-classroom dito nung high school.

Kumakabog na ang dibdib ng dalaga. Hindi naman siya takot sa multo. Sabi-sabi pa nga nilang dating sementeryo daw ang paaralan nila eh. Pero hindi ang espiritu ng kung sinumang patay ang nagpapakaba sa kanya. Ang takot na bumabalot sa kanya ay dahil sa sitwasyon niya ngayon.

Sitwasyon nila? Pinagdadasal na lang ni Micah na hindi lang siya ang bumalik sa kanilang huling taon sa high school. Ang weird pakinggan. Hindi spiritwal na tao si Micah. Hindi siya naniniwala sa astrology. O kaya sa mga tarot cards na kinahihiligan ni Ash. Minsan lang din siya magsimba. Kaya lalong hindi siya naniniwala na maaaring nakapagtime travel siya nang hindi niya alam.

Natatawa na lang siya sa sitwasyon niya ngayon. Kung ikekwento niya 'to sa kanyang nakababatang kapatid, pagtatawanan lang siya.

"Ayan ka na naman sa mga kwento mo, ate!" Naririnig na niya ang boses ng bunsong kapatid.

Umaalingawngaw ang tunog ng takong ni Micah habang tumatakbo pababa ng hagdanan. Inabot siya ng mahigit limang minuto para hanapin iyon. Isang nakakabinging sigaw ang lumabas sa kanyang bibig nang matapilok pa siya.

"Punyeta naman," naupo ang dalaga sa hagdan at minasahe ang kanyang paa. Bawat dampi ng kanyang daliri sa nagngangalit na ugat ay napapangiwi na lang siya sa sakit. Unti-unting nilakad ni Micah ang natitirang apat na palapag ng gusali. Iika-ika pero dahan-dahan namang nakarating sa kanyang pupuntahan.

Kung titingalain niya ang mga gusali sa kanyang paligid ay manliliit siya sa makikita. May apat na main building ang kanilang campus. Magkakatapat ang mga ito, at may isang quadrangle sa gitna ng mga ito. Kung bakit siya tinawag na academic oval, walang nakakaalam sa kanila. Bawat building ay may pitong palapag at halos isang daang classroom sa bawat gusali.

Narinig niya ang yabag ng paa ng isang security guard sa kabilang building. Habang may oras pa bago siya mahuli, dumeretso na siya sa pinakamalapit na building. Almario Hall. Nandoon si Emmett.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Over the BakodWhere stories live. Discover now