It's been awhile since umuwi siya sa probinsya. He does go once in a while pero tuwing may okasyon na lang pero ang dahilan ng pag uwi niya ay hindi dahil may okasyon.
"Kailan ba siya huling nakita? Baka may mga kaibigan siyang pinuntahan sa ibang lugar?" Tanong ko sa umiiyak na si Lola Este. Si Lola Este ay matalik na kaibigan ng Lola niya at ang nawawala ay ang 20 years old nitong apo na si Lucia.
"Hijo, magpapaalam naman ang batang iyon. Lagi naman iyon nagsasabi kung hindi siya makakauwi. Tinanong ko na din ang lahat ng kakilala at kaibigan niya pero walang makapagsabi kung nasaan si Lucia. Hindi rin macontact ang telepono niya. Baka kung ano nang nangyari sa apo ko." Niyapos niya ang matanda. Malapit sa kanila si Lola Este lalung-lalo na si Lucia. Halos nakita niya ang paglaki nito.
"Wag kang mag-alala, Este. Makikita natin si Lucia." Sambit pa ng Lola Coral niya, ang nanay ng tatay niya. "Nagpapasalamat ako kay Mayor at Gov. Tumutulong din sila sa paghahanap." Pinagpahinga muna nila ang matanda. Nandoon sila sa bahay ng Lola niya. Ang style ng bahay ay yung lumang bahay pa ng panahon ng mga kastila pero malinis at maaliwalas. "Ano daw po ba ang sabi ng mga pulis? May lead na ba sila kung anong nangyari?" Tanong niya sa Lola.
"Ay apo. Ilang araw na ang nakalipas maski sila ay hindi alam kung saan hahanapin si Lucia. Ang alam ng lahat ay papauwi ito galing sa pag-volunteer sa bayan pagkatapos noon ay wala nang nakakaalam kung anong nangyari." Napaisip siya kaya pala tumutulong ang Mayor at Governor kasi kasama si Lucia sa mga volunteers.
Ang lugar kasi nila ay liblib din pero modern na ang kalapit na lugar hindi dahil sa corrupt ang gobyerno sa kanila, masaya naman ang mga taga-rito sa tahimik at simpleng pamumuhay. Pero ang isa sa mga dahilan ay ang pamilya Arrazola.
Napatingin ako sa labas ng bintana at doon ko nakita ang palasyong bahay ng pamilya Arrazola.
"Sa tingin mo, hijo. Alam na niya ang nangyari? Alam natin kung gaano kaimportante sa kanya si Lucia. Kinausap ko si Esmeralda." Napatingin ako sa pangalang sinabi ni Lola Coral. "Wag kang mag-alala, apo. Hindi naman ako aawayin nun. Sinabi ko lang ang nangyari dito. Alam naman natin pareho na sila lang ang makakatulong sa paghahanap kay Lucia." Hindi na siya kumibo sa sinabi ng Lola niya.
Sinubukan niyang ikotin ang lugar nila, nagbabakasaling may makitang clue or makita si Lucia. Pinuntahan niya ang lugar kung saan huling nakita ito. May nakita siyang isang bagay at pinulot niya iyon.
"Last time I checked, he's an executive in a company, not a detective." Sabi niya sa sarili. Inabot na siya ng dilim kaya bumalik siya sa bahay ng Lola niya. Habang papalapit ay nakita niya ang isang pamilyar na tao na nag aantay sa kanya sa labas ng gate.
"Cyan?" He is looking right through him as if he was waiting for him. "It's been a while, Mickey."
BINABASA MO ANG
Purple Sky
General FictionWhen we experience the purple sky, we are the happiest and on a cloud nine. *** Walang ibang pangarap si Lila kundi magkaroon ng normal na buhay gaya ng karamihan. Nabibilang siya sa makapangyarihang pamilya hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mu...