UNCONDITIONAL
by SaskiaAn one fine day that define peacefulness but at the middle of her thoughts there's an odd feeling. Everything seems so normal and Helena needed to be act just like that. May kung ano kasing kabigatan siyang nararamdaman sa kanyang dibdib. Ngunit minabuti niyang balewalain iyon.
Kaya nakangiti niyang binaybay ang hagdan na gawa sa kahoy. Mula sa bukana ng forest, mahigit isang oras din ang itatagal kapag naglakad ka sa hagdan na 'yun patungo sa hangganan.
Mabuti na lang at mahangin nang araw na 'yon kaya magandang pagmasdan ang mga puno at kawayan na sumasabay sa pag-ihip.
She smile genuinely when she already reach the end of trail.
Namamangha pa din siya kapag nakikita ang ilog na yun na nasa gitna ng kagubatan. Nasa gitna iyon ng bundok. Kaya malinis ang ilog dahil umaagos iyon pababa.
May matandang kwento ang lugar na 'yon.
Ang ilog daw ay sumisimbolo sa pinaniniwalang diwata ng mga taga Karyon na si Diwatang Alena. Bata pa lang siya ay paulit-ulit niya nang naririnig sa kanyang abuela ang kwentong iyon. Sa makatuwid, doon din hinango ang pangalan niya.
Si diwatang Alena daw ay isang simpleng dalaga lamang. Kuntento na daw ito sa pagsasaka at pangangahoy. Ngunit dahil sa taglay na ganda nito na lahat yata ng kalalakihan sa bayan nila ay pinapangarap ito, pati ang sinasabi nilang engkanto ay nagkagusto dito.
Pero umibig muna si Alena sa isang simpleng tao. Nasaktan daw ang engkanto at hindi na nagpakita pa sa dalaga.
Ngunit makalipas lamang ang ilang buwan ay usap usapan na sa bayan ang pagdurusa nito sa naging asawa. At isang araw ay bigla itong nawala. Walang nakakita sa dalaga. Dahil lumaki si Alena sa bayan na yon at doon na nagka-isip, wala itong alam sa labas ng bayan ay naging usap-usapan uli na kinuha daw ito ng engkanto kaya bigla itong naglahong parang bula. Binalikan daw ito ng engkanto at dinala sa kaharian nito para maging reyna.
Dahil sa labis na pagmamahal ng engkanto ay pinili na lang daw ni Alena na sumama dito. At nang panahon na yun, kasabay ng pagkawala nito ay ang pagkatuyo ng mga tubig sa bawat balon ng kabahayan.
Hanggang sa may isang magsasaka na nakakita daw kay Alena. Sinundan ito ng lalaki patungo sa kagubatan. At doon nila nakita ang isang ilog na pinangalanan na Enchanting river dahil kakaiba ang kulay ng ilog. Asul na may pagka-berde ang ilalim ng ilog.
Ngunit naglaho din ang imahe ni Alena. Naging usap-usapan sa bayan ang nangyari doon. Hanggang sa maging diwata ang dalaga para sa Karyon dahil ito ang naging dahilan kung bakit natuklasan ang ilog na 'yon.
Noong una ay hindi niya maintindihan kung bakit naging mahalaga ang kwento ni Diwatang Alena sa bayang iyon. Pero habang lumalaki siya at lumalawak ang pag unawa, doon niya lubos na naunawaan ang kahalagahan ng kwentong bayan na 'yon.
Ang kwento pala ni Diwatang Alena ay isang magandang pag-iibigan sa pagitan ng mortal at sa isang alamat na nilalang.
Kinikilig na si Helena sa tuwing naaalala niya ang kwento ng diwata at ng engkanto. Dahil ang pag-iibigan ng mga ito ay isang halimbawa ng unconditional love.
Despite of the circumtances, patuloy na minahal ng engkanto si Alena. At sa kabila ng pagiging iba ng engkanto ay piniling sumama dito ni Alena at tuluyang nilisan ang mundo ng mga tao.
Pinangarap niya din ang ganoonh pag-iibigan. Hiniling niya din na sana magkaroon siya ng kakaibang kwento. Hindi tipikal. Isang kakaibang pag-ibig ng katulad ni Alena.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL
RandomOne great story about two different peole with different world.