"Princess Mayu, be good to Mister Rabbit, okay? I'll be back before you even miss me."
This was the last words she heard before her Poncho left ten years ago. He went to Europe with his mother who re-married a Scottish guy at ang tanging ala-alang naiwan sa kanya bago ito umalis ang keychain niyang koneho na hanggang ngayon ay nakalambitin sa cellphone niya. Hindi na niya matandaan nang mabuti kung ano talaga ang original na kulay niyon dahil nagkulay brownish na sa katagalan.
"Na sa 'yo pa pala ang rabbit na iyan, Mayu? Bumili ka na ng bago mamaya 'pag punta natin ng mall. Panahon pa ni Gabriela Silang iyan, e. Kung may buhay iyan, nagmamakaawa na iyan sa iyong itapon mo. Tingnan mo nga, age of the smartphones na tayo pero binutasan mo pa rin talaga ang silicon case mo para lang isabit 'yan, maawa ka naman," saad ni Lexie, ang bestfriend niya since high school.
She is now in college, at ilang dighay nalang ay ga-graduate na ng psychology. She is now an adult and definitely ready to fall in love, kaso, kahit sinong magtangkang manligaw sa kanya ay talagang wala siyang nararamdamang espesyal para sa mga ito.
"Kung ikaw nalang kaya ang magbago at huwag nang pakiaalaman si Mister Rabbit," aniyang tinaasan ng kilay ang katabi.
"Girl, umaasa ka pa rin ba hanggang ngayon sa Poncho mo? Ilang century nawala 'yon! Baka nga hindi ka na maalala nun, e."
"He's coming." Hindi maiwasan ni Mayu ang mapangiti sa kaba at excitement kapag naiisip na magkikita sila ulit ng lalaki, her first and only love. Sa pagkakatanda niya ay high school pa lang ito nang magkakilala sila. He was the kindest and the most gentle guy na nakilala niya, he always smiles tenderly while playing with her at kung tama ang naaalala niya, he owns a soft voice na kaysarap pakinggan.
"And so what? You're not even special, isa ka lang bubuwit na anak ng kapit-bahay nila noon. Marami nang lamang mukha ng European girls sa isip 'yon, natabunan na ang beauty mo. Baka nga may asawa na 'yon, e."
Oo nga, she had'nt thought of it. Ilang taon na ba ang lalaki ngayon, twenty five, twenty six? Baka nga may asawa na o hindi man fiance.
She whisked the idea, "Why so nega?"
Lexie shrugged, "Gutom lang siguro ako. Halika, iligpit mo na iyang gamit mo at nang makapag-milk tea na sa cafeteria."
"Yeah, right," saad niya pero niligpit nga ang gamit.
FOUR days later, the gloomy and quiet white house across them seemed to become lively. Dahil nga nag-migrate na ang pamilya ni Poncho sa Europe, ang naiwang namamahala sa bahay ng mga ito ay ang caretaker na matandang babae. Pumupunta lamang ito kapag naglilinis kaya madalas walang tao doon. Pero ngayon ay may naririnig siyang music mula sa loob ng bahay, within her, she could tell that the person he's been longing to see is inside.
She rushed to the cabinet and changed her clothes, sumilip sa salamin at inayos ang sarili, she even sprayed her favorite baby cologne bago bumaba sa sala at lumabas ng bahay.
"Mama, labas muna ako." Hindi na niya hinintay ang sagot ng ina na abala sa kusina.
Napahugot ng malalim na hininga si Mayu at napahigpit ang paghawak niya ng cellphone sa kabang nadarama. Ilang minuto na siyang nakatayo sa gate ng bahay nito pero hindi pa rin niya magawang mag-door bell. Maaalala pa kaya siya ni Poncho? Baka nga nakalimutan na siya nito. Paano niya ipapakilala ang sarili? Sakto namang bumukas ang main door ng bahay at dahil railing type ang gate kaya kita niya nang iniluwa doon ang may kaputiang lalaki. Nakasuot ng puting t-shirt at walking shorts.
Poncho.
She was mesmerized, mas lalo itong naging gwapo sa paningin niya. He seems to become bigger and...wider.
BINABASA MO ANG
Mister Rabbit (Short Story)
RomanceNaisip kong isulat ang storya na ito after kong marinig ang kantang THIS GIRL HAS TURNED INTO A WOMAN. I love that song...really. Si Mayu ay hinangad na makasama uli si Poncho, ang lalaking sampung taon na niyang hindi nakita at sampung taon nang mi...