Chapter 7

0 0 0
                                    


"Yeah a deal. If you can't pay it with money, pay it with your body."

Nalaglag naman ang panga ko nang dahil sa sinabi niya. Tinignan ko naman siya at mukhang seryoso talaga siya sa sinabi niya.

Ano daw!? Gusto niyang bayaran ko siya gamit ang katawan ko!? Gago ba siya!? Ni hindi pa nga kami nag *ehem ni Conan tapos, gusto niya akong... Chinachaka ako ng lalaking ito! Kung hindi lang masakit ang leeg at katawan ko kanina ko pa siya sinigawan!

"A-yoko. Hahanap nalang ako ng pera."

"Kaya mo bang bayaran ako ng 30,000 pesos as soon as possible?"

Thirty tawsan!? Ganun ba talaga ka kalaki ang gagastusin kapag sinubukan mong magpatiwakal? Halos himatayin na ako dito sa sobrang laki ng utang ko.

"B- bakit ang laki?"

"Actually, mas malaki pa sana ang babayaran mo pero naawa ako sa'yo kaya binabaan ko nalang ang amount."

Talaga? Binabaan niya? Eh bakit parang hindi naman? Thirty thousand! At saan naman ako mangangalakal ng ganyan kalaking halaga!?

"Ano payag ka na?"

Hinihintay naman niya ang sagot ko. Parang gusto ko nang magheadbang sa pader ngayon. Hindi pwedeng maging collateral ang banal kong katawan! Pero kung hindi ko siya babayaran makukulong naman ako.

"A- ano kasi... "

"What?"

*gulp

Sinenyasan ko naman siya na lumapit sa akin. Nung una nagtaka pa siya pero lumapit din naman siya sa akin at saka bumulong ako sa kanya. Matapos kong sabihin iyon sa kanya ay gulat naman niya akong tinignan.

"W- what? V- virgin ka pa?" Napapikit nalang ako nang dahil sa sinabi niya. Naging useless kasi ang ginawa kong pagbulong. Tumango nalang ako bilang pagsagot sa kanya.

"What the fuck? I'm not pertaining to your... My goodness! I am talking to an idiot." Sinampal naman niya ang sarili niyang noo. Bumuntong hininga pa siya bago magsalita ulit. "I mean you will work for me as compensation for your debt."

"If you can't, ayos lang naman basta bayaran mo lang ako pero mukhang madadagdagan pa yata ang utang mo because you are suffering from depression and I conclude you need to see a psychiatrist." Dagdag niya pa.

Depression? Diba normal lang naman sa mga brokenhearted na tulad ko na madepress at umiyak ng bongga? Bakit kailangan pa ng psychiatrist? At saka yung tungkol sa rooftop, lasing lang naman ako nun.

"Ayos naman na ako. Hindi ko na kailangan ng--- " Putol niya sa sinabi ko.

"Committing a suicide is not a joke, Annika."

"Hindi ko naman sinasadya yun diba?"

"You mean it or not, you can't change the fact that you almost took your own life."

Mukhang tama nga siya at wala na akong magagawa para baguhin yun. Kailangan ko na sigurong tanggapin ang offer niya para hindi na ako mahirapan pa sa pagbayad at para wala na ring OPlan Anti- Deppression.

"Okay. Payag na ako."

"You sure?" Tumango lang ako sa kanya.

"Okay. But, still you need to see a Psychiatrist." Gulat ko lang siyang tinignan. "I guess that's all. I need to go." Sabi niya. Tumayo na siya at saka naglakad paalis.


Fall For YouWhere stories live. Discover now