New Beginning

1 0 0
                                    

"Good morning maxi!" bati sakin ng workmate ko si cess.

Pero imbes na batiin tulad ng kinasanayan nilingon ko nalang siya at tinanguan. Nakita kong nagulat siya dahil sa kinilos ko ibang iba sa mga ilang araw na nakalipas.

Wala na kami ni paul, yung taong nagpadagdag sa pagiging ako. Hindi ko din malaman bakit niya nagawa sakin yo'n. Kahapon day off ko dito sa coffee shop kung saan ako nagwowork. Naisipan kong pumunta sa bahay nila paul dahil ngayon sana ang 3 years and 6months namin kaya iaadvance ko sana dahil hindi pumayag na ilipat ko ang day off ko. Habang naglalakad ako papuntang sakayan may nakita akong babaeng umiiyak na nakaupo sa bench kung saan hintayan ng bus gusto ko siyang lapitan pero hindi ko na ginawa dahil may nauna na sakin "bes what happen to you? Sabi ko naman sayo niloloko ka lang nun bakit ka nagpapaniwala!" ayun ang bungad sakanya ng babaeng sa malamang ay bestfriend niya nakakaawang lagay nung babae hindi ko na tinapos na sila ay tignan at sumakay na lang ako agad sa bus. Hindi ko alam kanina excited ako papunta kila paul pero after ko makita yung babaeng umiiyak parang nalungkot ako.

"Para po sa tabi lang!" sigaw ko dahil andito na ako sa mismong tapat ng eskinita papasok ng apartment kung saan siya nag rerent kasama ang kuya at mga friends niya na kilala ko naman. Kaya kumatok lang ako ng dalawang beses at unti unting binuksan ang pinto.

Walang tao sa sala kaya hindi nako nag hintay pa papasok na sana ako sa kwarto ni paul pero pagpihit ko ng door knob nakalock sa loob. No choice kundi kumatok ako.

"Paul? Babe? Andiyan ka ba? Naka lock pinto mo e" paulit ulit akong kumatok limang minuto bago bumukas ang pinto.

Tama ba yung nakikita ko?

"paul? Sino yan?" tanong ko sakanya ng malumanay dahil kalmado naman akong tao baka pinsan o kamag anak nya lang.

"Maxi bakit pumunta ka ng hindi tumawag o nag text lamang" makikita mo sa mukha niya yung gulat at kaba.

"paul sino siya?" inulit ko lang ang tinanong ko sakanya.

"Maxi can i explain?" hindi parin sinasagot ni paul yung tanong ko.

"Huling tanong paul! Sino siya at anong ginagawa niyo sa kwarto mo?" galit na ako galit na galit pero dumadaloy parin sakin ang pagiging kalmado.

"She's jenna my friend" nauutal pa siya.

"Your friend? Kaya siya nakatalukbong ng kumot sa katawan? Kasi friend mo siya sabagay yan yung mga bagay na hindi ko kayang ibigay sa tatlong taon nating pagsasama hindi kita masisisi at nagawa mo sakin yan!" tuluyan na akong naiyak.

Umalis na lang ako at hindi ko na alam kung paano ako nakauwi.

"Hey maxi! Sobrang lutang ka na may customet sa harap mo!" Sita sa akin ng aming team leader sa araw na ito.

"Sorry maj" hingi ko ng paumanhin sakanya.

"Sorry sir, may i take your order sir?"
Tanong ko sa customer.

"It's okay mukhang malalim lang ang iniisip mo hindi ka kasi nakasmile ngayon, One iced white mocha no whip please." napaisip ako simula kanina napansin na ni cess ngayon si maj at ang customer whats wrong with me.

"Okay sir 185 pesos, this is your buzzer sir" nag smile ako pero alam kong pilit. Tinawag ako saglit ni maj at pinalitan ako ni cess sa pos o counter area.

"Maxi hindi pwedeng ganyan ka sa pos may problema ka ba?" tanong ni maj.

"Sorry" tanging nasabi ko lang.

"Sige doon ka nalang muna sa bar area ikaw na ang magpatuloy sa ginagawang coffee ni cess tutal nasa pos na siya" good idea maj.

Sinunod ko nalang siya at pinag patuloy ang mga drinks sa bar area na napending dahil sakin.

Iced White mocha no whipp.

After ko gawinang drinks dinala ko na sa despatching area at binuzz ang number na nakalagay sa cup ng drinks.

"Hi sir thank you for waiting your iced white mocha no whip" kinuha na niya at ngumiti siya.

Hindi ko nagawang gantihan yung maganda niyang ngiti dahil siguro sa sakit na iniinda ko ngunit walang nakakaalam.

Naalala ko tuloy yung babaeng umiiyak what if iiyak ko din kaya baka mabawasan yung sakit.

Ginagawa ko na ang mga sumunod pang drinks hanggang sa dumating na ang break ko may baon akong pagkain dahil pinagluluto ni mama ang kambal kaya pati ako ay nagkakaroon.

Pumunta ako sa function room wala naman gumagamit at pwede naman kumain doon dahil may curtain doon.

Natapos ang break ko pero hindi ko man lang nagalaw ang pagkain ko.

Binalik ko nalang at tinago sa bag ko at bumalik narin sa aking area tatlong oras nalang out ko na. Makakauwi na ako at makapag papahinga parang pagod na pagod kasi ako sa araw na to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Smile From YouWhere stories live. Discover now