Nasaktan Ka Na Ba

254 20 9
                                    

Writer:

@GREATcarlosebastian

Copyrights © 2014. All rights reserved.

_________________


Nasaktan ka na ba?

Natatandaan mo pa ba? Isang araw tinanong mo 'yan sakin. Kung nasaktan na ba ako. Pero nainis ka, dahil hindi ko sinagot ang tanong mo.

Sinabi mo sakin na sobrang nakakayamot ako. Sobrang nakakayamot ang lahat sakin. 'Yung aura ko. 'Yung piercing ko. 'Yung buhok ko. 'Yung ngisi ko. 'Yung itim na bracelet ko. 'Yung scar ko. 'Yung mga mata ko. 'Yung height ko. 'Yung katawan ko. Kahit sa presensya ko palang, sabi mo, nayayamot ka na kaagad.

Same day, same time, same place. Ikaw naman ang tinanong ko. Nilagay ko 'yung kamay ko sa bulsa at sumandal sa posteng nasa likuran ko.

Bakit ba ang sungit mo? May mens ka ba ngayon?

Sa tanong kong 'yun, halata sa hitsura mo na mas nainis ka sakin. Sabi mo pa nga noon, 'Go to hell!' Tapos nang sinagot kita ng, 'Sama ka.' Bigla mo akong sinapak at tumakbo ka palayo sakin.

Hindi mo lang alam na sinundan kita. Patago kitang sinundan at maingat din na tumakbo. Hanggang sa huminto ka. Nakarating tayo sa gate ng school.

Nakita kitang ngumiti sa isang lalaki na mukhang kanina pa nandun. Niyakap mo sya. Niyakap karin nya. Kinuha nya ang bag mo at hinayaan mo siyang gawin na tulungan ka. Tumalikod na kayo. Kita ko rin kung paano kayo dahan dahang maghawak kamay.

Naglakad na kayo. Naglakad na kayo palayo sa akin.

Ang saya saya mo nung mga oras na 'yun.

Kaya bigla kong naalala 'yung tanong mo sakin kanina.


Nasaktan ka na ba?

Naglalakad ako sa hallway nung mag break time. Nakikinig pa ko sa headphones ko nang mapadaan ako sa classroom nyo.

Isa lang ang tao don. Kaklase mo, lalaki.

Huminto ako at nagtago sa labas ng classroom nyo. Pinagmasdan ko 'yung kaklase mo kung pano nya binuhos ang isang boteng puno ng tubig sa bag mo. Kaya napasugod ako nang 'di oras. Binugbog ko 'yung lalaki hanggang sa makabalik ka na. Nagulat ka sa nakita mo.

Sinigawan mo ko matapos mong kausapin 'yung putanginang kaklase mo. Tinanong mo sakin kung bakit ko sya binugbog samantalang naniwala ka sa alibi nyang hindi nya sinadya ang nangyari.

Aksidente lang daw 'yon.

Sinubukan kong magsalita nung mga oras nayun ngunit naisip kong wag nalang. Mas lalo lang iinit ang dugo mo sakin.

Pero kahit pala hindi ako magsalita, iinit parin ang dugo mo sakin. Dahil sabi mo, nakakainis ako.

Sabi mo ang sama sama kong tao. Sabi mo demonyo ako. Sabi mo wala akong magawa sa buhay. Sabi mo magpakamatay nako. Sabi mo tarantado ako... Sabi mo lumayas na ako. . .

Kaya lumayas ako sa harapan mo bago sabihing, "Sorry ha? Hindi ko rin sinasadyang bugbugin siya."

Buti pa sa ibang tao naniwala ka. Bakit pagdating sakin, laging ako ang napapasama?


Nasaktan ka na ba?

Nag cutting ako isang araw. Nabored kasi ako sa prof namin. Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa school garden. At nakita kita. Bakit ka umiiyak?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nasaktan Ka Na BaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon