16

288 15 0
                                    

"jihoon, ano na? ang tagal mo naman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"jihoon, ano na? ang tagal mo naman. magsisimula na yung palabas" sabi ko

"teka sabihan mo pantog ko ha wag kang atat" sigaw niya

sakit sa tenga leche. buong kayamanan andito pati na 99 only leche. nakigulo sila. surprise visit daw. may kasama akong 14 na bata peste

"hyungggg, akin na yaaaannn" sabi ni junghwan kay lucas. nakipag-agawan sa bata leche

si yedam at yoshinori naman nagboboard games aka "bored" games. si dobby may kavideo call. sana all na lang diba. si asahi may kachat. peste talaga ang hirap maging single

"hoy lucas! ilang taon ka na nakikipag-agawan ka pa sa bata kapag ikaw ginamitan ng taekwondo skills niyan mababalik ka talaga sa hong kong" sabi ko

riot talag sobrang riot ng bahay ko. leche talaga. biglang may kumatok, baka si raeha na yon

"nagpa-order ka ng pizza hyung?lab mo talaga kami no" sabi ni jeongwoo at tumakbo para buksan ang pinto

umiling na lang ako. nagulat naman si jeongwoo

"sino itech?" tanong niya at tinuro si raeha

"kapitbahay ho. padaan" sabi ni raeha

"goodnight noona!" sabi ni mark

"wag ako minhyuk. manahimik ka diyan" sabi ni raeha

"oh eto na. flex ko lang talaga" sabi niya at binigay sakin yung ulam

"thank you!" sigaw ko at nagthumbs-up na lang siya

"hoy! raeha yung cd ko" sabi ni changbin

kilala din niya? kakaiba talaga

"binigay ko na kay minji pards makakatulog ka na ng mahimbing" sabi niya at lumabas na ng pinto

"hyunsuk-hyung ano yun haaaa?" tanong ni mashiho

"sino kamo. anong ano? kapitabahay ko. pinagpalit nung pinalit sakin" sabi ko at uminom ng coke

"raeha na pala ha" sabi ni lucas

"kilala mo din yon?" tanong ko

"siyempre. sikat yun eh" sabi ni lucas

"bat di ko kilala dati?" tanong ko

"ewan ko basta nag-aaya ng suntukan yon HAHAHAHA. kalaro ko ng pogs dati yun talo ako" sabi ni lucas

"maganda siya hyung" sabi ni haruto habang naglalaro pa rin ng ps4

"pag maganda talaga ano? nako haruto" sabi ni doyoung

"walang loyal loyal dito" sabi ni haruto

"ako loyal kaso..." sabi ni junkyu

kawawang bata bat pa kasi si archenemy? marupok na nilalang...kagaya ko pwe

"kasama ko ang tropa walwal hanggang mawala!" sigaw ni jihoon kaya binatukan ko siya

"may mga bata tayo dito" sabi ko

"dasalan mo nga mark-hyung" sabi ni jaehyuk at tumawa

"hoy! mga dead hungry kain na kayo" sabi ko

at nagsiparty party sila. mga baliw talaga tss

pinagpalit | c.hyunsuk { c o m p l e t e d }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon