Scarlett POV
"Baliw na yata ako!" I said. Diko alam kong anung kumapit sakin at hindi ko mapigilang sundan si kiel kanina.
"Hindi ka baliw! Inlove ka, lett!".
Nagulat pa ako ng biglang may nagsalita. Paglingon ko nakita ko si Lucille na napapailing.
"Bakit ba para kang kabute na pasulpot-sulpot sa kung saan saan?"I asked.
"It begins with love, Immediately followed by pain!" Sabi nito imbis na sumagot ng maayos.
"What do you mean?" I asked. Nahihiwagaan na ako sa pinagsasabi nito.
"Forget it!" Sabi nito at naglakad palayo.
Hindi ko maiwasan tanungin ang sarili ko kung inlove na ba talaga ako o sadyang naiinis lang ako sa lalaking yun dahil hindi niya inaappreciate ang kagandahan ko.
Dahil lumilipad ang isip ko sa kung saan habang naglalakad. Hindi ko napansing may mabubunggo na ako.
Napatingala ako bigla dahil matangkad ito at medyo nakakatakot makatingin. Sa tantiya ko ka-heights nito si kiel.
"Hey! Watch your way, lady!" Sabi nito.
Hindi ko ito pinansin at Mabilis na sumakay ng kotse ko. Pagod nako sa kakaisip.
Pagkapark ko ng sasakayan agad akong sinalubong ni lola Pia. Kinuha nito ang shoulder bag ko at pasimpleng bumulong.
"Maghanda ka na!" Sabi nito.
"Why!?!" I asked.
"Kanina may tumawag sa mommy mo mukhang galit tapos sinabi niya sakin na tatawagin ko daw siya pag nandito ka na!" Sabi nito at nagmamadaling pumasok sa bahay.
Pagbukas ko ng pinto galit na mukha ng aking ina ang bumungad sakin.
"What did you do this time, Scarlett?" Bulyaw nito.
Hindi ako sumagot. Sa totoo lang, pagod talaga ako. Papanhik na ako ng hagdanan ng hilain niya ako sa kamay.
"Wag kang umalis pag kinakausap kita!" Nanggagalaiti sa galit na sabi nito.
"Im tired, mom!" Sabi ko sa mababang boses.
"The only thing you did was having fun then your telling me that your tired!?!" Sigaw nito.
Hindi na ako sumagot.
"Mr. Deogracia called me this afternoon and he told me everything!" Patuloy na sabi nito.
"Mom, maliit lang na problema yun and it wasn't that huge to shout at me!" I said.
"You didn't know who the hell that girl is!" sabi nito
"Do I really need to know!?!" Matabang na sagot ko.
"Yes, you should, because she's the daughter of Mr. James David, stockholder in our company!" Sigaw uli nito.
"I don't care!" Sabi ko dito. Kung ganun mayaman din pala si Tracey kaya pala malakas ang loob kumalaban sa kagaya ko.
"Oh! God! I can't believe how stubborn you are! What will I do so that you'd learn how much it means to us!" Frustrated na sabi nito.
"Hindi ko na problema yun!" Sagot ko.
"You should care about it. Im giving everything you wanted and what if all the thing you have now will be gone! Saan ka pupulutin?" Mom shouted.
Hindi ako nasagot. Iisipin ko palang na magiging mahirap ako parang gusto ko ng mamatay. Sanay ako sa marangyang buhay.
May dinukot ito sa bulsa nito. Iniabot nito iyon saakin.
"An address!?!" Nakakunotnoong tanong ko.
"Talk to Tracey's parents and you need to apologize for what you did!" Pinal na sabi nito.
"No way!" Mabilis na tanggi ko.
"Do it, or else you will never ever drive your own car anymore!" Panakot nito.
BINABASA MO ANG
Paano Ma-Inlove Ang Maldita
Teen FictionScarlett Villanueva , known as maldita at the campus. She's popular, sophisticated and beautiful pero masama ang ugali . She did something terrible to her rival, Tracey David. A day after the incident someone confronted her; A man named Kiel Matthew...