Chapter 4

5 0 0
                                    

"please becca ikaw ang kaylangan ng anak ko babayaran ko lahat pati gastos pang paopera sa kapatid mo bibigyan ko kayo ng magandang buhay ng mama mo alagaan mo lang pansamantala ang anak ko hanggang sa gumaling sya.Sayo lang sya naging ganyan ikaw lang ang kinausap nya sa dami ng naging pangalaga nya."

"Please becca hanggang ngayon nag wawala pa rin ang anak ko hinde ko gusto ang nangyayare sa kanya hinde ko rin alam na may ganyang sakit na bigla na lang magiging bata ang pag iisip ng isang tao "

"Bakit po hinde ikaw ang naalala nyang ina nya?"

" Nag kulang ako kay trevess,becca
Siguro kinalimutan nya din ako ang ina nya dahil ang ama nya lang laging asa tabi nya nag kulang ako sa pamilya ko becca hinde lang sa asawa ko pati sa nag iisa kong anak jusko" lumuluhang sabi nito

"Please becca ikaw ang hinahanap ng anak ko,hinde ako uuwe hanggat hinde kita kasama nag mamakaawa ako" tumingin ako sa matanda labis na kalungkutan at pighati ang mababasa mo sa mga mata nito.

"Pasensya na Mrs.Zavala pero kasi marami akong trabahong kaylangan pasukan hinde ko rin kayang doon muna tumira may pamilya ako.ako nalang ang inaasahan ng mama ko"

"Ako na ang bahala sa inyo becca hinde mo na kaylangan mag trabaho sa iba basta alagaan mo lang ang anak ko"

Tumango ako dito

"Sige po.aasahan ko po ang mga sinabi ninyo Mrs.Zavala sobrang na ngangailangan din po ako pero pwede po bang ipag pabukas ko na muna ang pag punta ko sa bahay nyo kaylangan ko po munang mag paalam sa mama ko at sa mga iba ko pang trabaho"

May pag aanlinlangan man ito ay sumangayon na lamang sya.

Bumalik ako sa ospital at nakasalubong si bakla na nag hihingahos

"B-ecca si tintin" kinabahan ako ano ng yare sa kapatid ko

Tumakbo agad ako at hinde na pinansin ang pag tawag saakin ni bakla
nakasalubong ko si mama na maginhawa ang mukha

" Becca Anak" nakangiti nitong turan

"Ma anong nangyare kay tintin"

"Anak may nag bayad na ng bill at operasyon si tintin nakahanap na din ng donor ang kapatid mo!" mangiyak ngiyak  na sabi saakin ni mama labis naman ang kagalakaan saakin kalooban bukas na bukas din ay mag eempake na ko para makalipat sa tahanan ng Zavala
Kahit mahirap gagawin ko makita ko lang maayos ang kapatid at mama ko

Ikuwento ko kay mama ang nangyare pati na rin ang dahilan nang biglaan pag kabayad ng bill namin sa ospital.

"Anak pasensya kana ha? Ikaw ang nalagay sa sitwasyon na dapat ako ang gumagawa "

"ma ano kaba! kayo ang pamilya ko lahat gagawin ko para sa inyo"

Babysitting Mr.ZavalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon