Prologue

16 2 0
                                    

Padabog akong tumayo at walang paalam na umalis sa hapag. Wala akong pakialam kung magalit sila. Wala rin naman silang pakialam sa akin kaya kwits lang.

Naramdaman kong may humawak sa braso ko.

"Ano bang nangyayari sayo, Sheila?" Tanong sa akin ni Tita Celene.

Iwinasiwas ko ang braso ko na hinawakan niya. Napalakas ata ang paghatak ko kaya muntik na siyang matumba mabuti nalang aya agad siyang nasalo ni Papa.

Tinignan ako ng masama ni Papa at itinuro. "Wala ka ng galang na bata ka! Lahat ginawa namin para sa 'yo! Lahat! Lahat Sheila! Ano bang gusto mo!?" Sigaw niya sa akin. Natawa nalang ako. Tinatanong pa ba 'yan?

Walang gana ko silang tinignan. Mata sa mata. "Kapag sinabi ko ba, ibibigay niyo?" Matamlay kong tanong.

"Kahit ano, kahit ano Sheila." Sabi ni Tita Celen at hinawakan ang kamay ko.

"Si Mama. Si Mama ang kailangan ko.." Mahina kong sambit habang nakayuko. I want my Mama.

"Sheila, anak, a-alam mong hindi. H-Hindi namin maibibigay sa 'yo 'yan." Malumanay na sagot ni Tita Celene at kahit anong pilit niyang pagpigil sa mga luha niya ay sadyang hindi siya nito sinusunod. Isa isang nagbagsakan ang mga luha niya.

Tinignan ko siya ng masama at ibinawi ang kamay mula sa pagkakahawak niya. "Bakit?!" Sigaw ko sa kanya. Napalayo siya sa akin dahil sa pagsigaw ko.

"H'wag mong sinisigawan ang Mama mo ng ganyan!" Sigaw din sa akin ni Papa. Siya naman ang tinignan ko.

"Sheila, anak,"

I felt my anger rise inside me. Tinignan ko sila nang may puno ng puot at galit.

"Huwag mo akong tawaging anak! Hindi kita Ina! Hindi ikaw ang nanay ko! Wala kang karapatan!" Sigaw kong muli sa kanya dahilan para mapayuko siya at umalog ang balikat indicates na umiiyak na siya.

"Sheila!" Tawag sa akin ni Papa na may pagbabanta sa boses. Ako na naman ba?!

"Bakit!? Ako!? Ako na naman ang mali!? Ako ba talaga!? Ha!?!" Hindi ko na ang mapigilan ang sarili ko at sabay sabay na tumulo ang mga luha ko. Mga taksil na luha! Ayaw makisama!

"Sheila, please calm down.." Pagpapakalma sa akin ni Tita Celene.

"Hindi! Hindi ako kakalma!"

"Ano bang gusto mong gawin namin, ha, Sheila?" Malumanay na tanong sa akin ni Papa. Hahawakan na sana niya ako pero mabilis akong umatras at humakbang patalikod.

"Si Mama, si Mama ang gusto ko, at hindi kayo! Si Mama lang!" Pag-iyak ko. Namimiss ko na si Mama! Gusto ko na siyang makita!

"Anak, tama na." Malungkot na sabi sa akin ni Papa. Umiling iling ako.

"H-H'wag mo akong tawaging a-anak! Kahit kailan hindi ka naging ama sa akin! Kahit kailan hindi mo ipinaramdam sa akin na ama kita! Kaya wala kang karapatan!" Panunumbat ko. Masama mang manumbat sa magulang pero nagawa ko na. Nasagot sagot ko na nga sila.

"Anak.." Naiiyak na sambit ni Papa. Muli niya akong tinangkang hawakan pero muli rin akong umiwas.

"H'wag mo sabi akong tawaging anak! Ang mama ko! Ang mama ko ang gusto ko---!"

Napahinto ako ng marinig ko ang mga salitang lumabas mismo sa kanya.

"Wala na ang Mama mo Sheila! Tama na!"

Hindi. Hindi pwede.

Ang mga salitang iyon ang nagpaguho sa mundo ko. Ang mga salitang iyon ang siyang nagwasak sakin.

Tumakbo ako palabas ng bahay. Sinalubong ako ng malakas na busina at nakakasilaw na liwanag bago ko maramdaman ang malamig na simento. May naramdaman akong mainit na likidong dumadaloy sa noo ko. Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ito at bago pa manlabo ang paningin ko ay nakita kong binalot ng dugo ang mga kamay ko.

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Nagising ako sa mga boses na naririnig ko. Nasaan ako?

Nang maidilat ko nang maayos at umayos ang paningin ay napag-alaman ko ring nasa Hospital ako. Anong ginagawa ko dito?

Muli kong naalala ang mga salitang narinig ko kagabi.

"Wala na ang Mama mo Sheila! Tama na!"

Hindi ko alam pero muling tumulo ang mga luha ko. Wala na ba talaga si Mama? Hindi na ba talaga siya babalik? P-Patay na ba talaga siya?

Ang isiping patay na siya ay hindi ko matanggap. May nagsasabi sa akin na huwag akong maniwala pero ang kabuuan ay nilalamon ang impormasyong nalaman. Bakit si Mama pa? Bakit?

Si Mama nalang ang natitirang taong tumanggap sakin ng buo, ang natitirang taong minahal ako at kailanman ay hindi ako ipinagpalit kahit kanino. Kahit na wala siya sa tabi ko ay alam ko, sa sarili ko, mahal niya ako at iyon ang lubos kong pinanghahawakan at lumalaban. Pero, ngayong wala na siya, para sasaan pa't mananatili akong buhay? Wala na akong dahilan pa, wala na.

Unti-unting bumabalik sa akin ang mga alaala niya. Yung mga ngiti niyang walang katumbas, yung mga tawa niyang lubos na nagpapatuwa sa akin, yung mga pag-aalaga niya sa akin, yung mga pangaral niyang hinding hindi ko makakalimutan at higit sa lahat, yung pagmamahal niya sa akin na walang katumbas.

Bigla kong naalala ang huli niyang sinabi sa akin.

"Anak, matuto kang tumayo sa sarili mo, huwag ka laging umasa sa akin. Hindi habang buhay kasama mo ako."

Isang batalyon ng luha ang muling lumabas sa mata ko. Nakita ko si Papa at Tita Celene na nakatingin sa akin at awang-awa. Bakit Mama? Bakit Papa? Bakit Tita Celene?

"B-Bakit?"

Hindi ko alam kung bakit ko sila tinatanong ng, 'Bakit?' hindi ko alam, wala akong alam.

Bakit kailangan akong masaktan? Bakit kailangan lagi akong iwan? Bakit nga ba?

Napailing iling nalang ako sa sariling tanong. Siguro, ganito lang talaga ang buhay, may mga aalis pero may mga darating, pero sa case ko, meron nga ba para sa akin? Sabi sa akin ni Mama na, may mga tao daw talaga na kailangang umalis para ipalit yung bago, pero ang bago na iyon ay mas better na kaysa sa nauna. If they want to go, then go, don't beg for someone who's not willing to be with you until the end.

Sabi nga, 'People come and people go'

Pero ang masakit lang doon. Whoever the person you love the most is the one who will leave you.

30 Days With HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon