030

46 4 1
                                    

"Oy, uwi na kami ah. Hihintayin mo pa ba si Yeonjun?" Tumango lang ako sa sinabi ni Soobin hyung. "Sige, sige. Ingat."

"Kayo rin."

Kumaway na sila at lumabas na ng school. Para akong tanga rito sa waiting area kasi ako lang mag-isa rito habang pinapanood ang mga estudyanteng lumalabas-pasok sa gate ng school.

"Hi, Taehyun!"

"Hello, Kang!"

Binati ako ng mga classmates ko at kumaway na lang ako sa kanila.

"Ayos ka lang ba? May hinihintay ka?" Tumango lang ako. "Si Yeonjun?" Tumango ako ulit. "Yeonjun's kinda popular, 'no? You're lucky you're friends with him."

Am I lucky because I'm friends with him? Or unlucky because I'm in love with him?

"Oh sige, mauna na kami. Ingat ka."

"Ingat din kayo."

Ang tagal naman ni Yeonjun.

+++

Mahigit isang oras na akong naghihintay rito at wala pa ring Yeonjun na dumarating. Uwi na kaya ako?

Kinuha ko na ang bag ko at isinukbit sa kaliwang balikat ko. Tumayo na ako at umalis mula sa waiting room.

"Ingat ka, iho!" sabi sa 'kin ng guard at ngumiti lang ako.

Palabas na sana ako nang may tumawag sa 'kin. "Taehyun!"

Nilingon ko siya, "Yeonjun?"

Tumakbo siya papunta sa 'kin, "I- I'm so sorry for making you wait. I'm already here."

Ngumiti ako nang bahagya, "Pauwi na sana ako eh."

"Beomgyu told me may stageplay kayong gagawin next week?"

"Hmm, I'm co-directing a stageplay. Next month pa naman 'yung mismong performance."

"I'm happy for you. What's the play about?"

"Hindi ko pa alam. Wala pa akong natatanggap na script mula sa scriptwriter."

"Oh, okay, okay." Tumahimik saglit. "Oh, Beomgyu also told me you miss me?" he smirks.

Hindi ako sumagot agad. "I do. I missed you."

Ngumiti siya, "I missed you, too. I'm totally ditching this practice next week."

"Bad, 'wag gano'n. Kailan niyo ba ipe-perform 'yan?"

"Next month, before stageplay." he grins.

"Naknamputa! Next month pa pala eh."

"Syempre, this has to be perfect. Parang stageplay lang din."

I rolled my eyes, "Let's go home."

"Okay dokie!" I totally miss him.
-

BAGAY TAYO. ¦ TaeJun [ discontinued ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon