“BONE CANCER PATIENT RECEIVED HEALING IN JESUS NAME WITHOUT THE HELP OF MEDICINE”
Praise our dearest LORD JESUS CHRIST!
naalala nyo po ba itong nasa picture kuha last Victorious Talipao Peace Mission Anniversary Celebration, year 2009?
Siya po si beloved sis Ailyn Bo isang Bone Cancer Victim...Sariwa pa sakin yung pangyayari nung araw na yun, maging ang kanyang pinagpalang patotoo..
It was October 2009 po ng magkaroon ng 2 days Crusade from 17 (Saturday) to 18 (Sunday) at Luneta Grandstand.
Isa po sa maraming tumanggap si bel sis ailyn at pinagpalang nakatanggap ng kagalingan sa unang panalangin ng ating iginagalang na pastor Wilde Estrada Almeda...
Tunay na nakakabless po ang kanyang testimony...Araw po ng sabado (October 17, 2009) habang ang masisipag po natin na mga kapatiran ay humahayo at nagsishare ng kabutihan ng pinakamamahal na Panginoong HESUS ay mabahagian po sila...
2 jeep po ang ang kinabibilangan ng ating beloved kapatid na ito kung di po ako nagkakamali...
Kasama nya po ang mga tulad niyang lipos ng karamdaman upang humingi at humanap ng mag i sponsor para sa kagalingan ng kanilang samut saring karamdaman sa lugar nila, akay-akay ng asaw siya ay nabilang sa grupong ito ng mapahiwalay siya at pinagpalang mabahagian ng himala at pagpapala ng pinakamamahal na Panginoong HESUS at inaya na dumalo sa gaganaping krusada sa araw na iyon ...
Lingid sa kaalaman ng mga kasama gayun din ng mahal na asawa ay pinaunlakan niya ang paanyaya at dumalo sa first day crusade (October 17, 2009).Sa kanyang pagbabakasakali at pagtugon hindi niya inakala na makasusumpong pala siya ng kagalingan, hindi lang sponsor para mapalitan ang luma niyang brace kundi KOMPLETONG KAGALINGAN mula sa karamdamang Cancer of the bone...
Instant healing po ang kanyang natanggap nung araw mismo na yon ... 12 pm nag umpisa ang banal na gawain at 9pm na natapos ito...
Umalis siya sa kanilang tahanan na taglay taglay ang karamdaman habang suot suot ang lumang brace at bumalik ng kanilang tahanan ng wala ng anu mang suot na brace.... Sa kahabagan ng ating pinakamamahal na Panginoong HESUS...Sa kanyang pag uwi ng tahanan nadatnan niya ang kanyang pamilyang alalang alala sa pagkawala nito...
Gulat na gulat ang kanyang love ones ng makitang wala na itong brace...
Kinabukasan 2nd day of crusade tumayo siya sa grandstand at nagpasalamat sa pinakamamahal na Panginoong HESUS sa kagalingang natanggap...Sa kanilang lugar nagpatotoo siya patungkol sa kagalingang natanggap niya at nagshare ng kabutihan ng ating pinakamamahal na Panginoong HESUS...
Wednesday, mid-week service sa Amoranto Sports Complex.dumalo muli siya kasama ang mga kapit bahay niyang nabahagian niya ng pagpapalang natanggap niya, tumanggap sa pinakamamahal na Panginoong HESUS at nagpabautismo...
GLORY TO OUR DEAREST LORD JESUS CHRIST...
hinding hindi ko makakalimutan ang Krusadang iyon na nasaksihan ko ang mga himala na gawa ng pinakamamahal na Panginoong HESUS...
Hindi lang siya ang nakatanggap ng instant healing dahil may nakita rin akong nakasaklay then after baptism IN JESUS NAME tunay na nagpalakad lakad sa baptism area ...TUNAY NA BUHAY ANG DIYOS NA ATING PINAGLILINGKURAN SA GAWAIN NG JESUS MIRACLE CRUSADE ...
45 years of signs, wonders and miracles ang ating natatanggap...
Glory to our dearest LORD JESUS CHRIST ...
sino ang di maglilingkod sa ating pinakamamahal na Panginoong HESUS??
Araw-araw may himala, araw-araw iba't ibang pagpapala ang ating natatanggap...
Wala na tayong dahilan upang tumalikod pa..
Kahit kailan hindi tayo pinagkukulang...salamat sa mga turo, panalangin, at pag aayuno ng ating iginagalang at minamahal na pastor Wilde Estrada Almeda kabalikat ang beloved assistant pastor Lina C. Almeda at ng mga beloved children inaani natin ang tagumpay sa DAKILANG PANGALAN NG ATING PINAKAMAMAHAL NA PANGINOONG HESUS...
ALL THE HIGHEST PRAISE, GLORY, HONOR, WORSHIP, AND THANKSGIVING BELONGS TO OUR DEAREST MIGHTY GOD, OUR DEAREST LORD JESUS CHRIST!
JMCIM Official website: www.jmcim.org
Official FB group : The JESUS Miracle Crusade International Ministry (official group page)(📹recorded : 2011)
Video Credit to the owner