Simula

17 2 0
                                    


"Bilis na!" sabi ko habang nakasimangot na. Kunti nalang kasi ang natitira sa pasensya ko at inuubus na ng kaazar na ito! At kunting kunti nalang uupo na ako sa upuuan ko para ipakita sa kanya na naiinis na ako.


Kanina pa kami dito, nagkukulitan at nag-aagawan ng cellphone. May bago kasing cellphone ang kaibigan naming si Jelai, medyo may kaya sila kaya last Friday, nasira ang dati n'yang cellphone at kinabukasan binilhan agad siya ng parents niya. Napa 'Sana all' nalang kami.


Kaya heto kami ngayon ni Carson, paunahan at padamihan ng shots lalo na at maganda ang camera. Mamahalin ang bago nyang phone kaya walang pagdududa na maganda ang quality ng camera.  At lalong walang pagdududa na paniguradong mapupuno namin ito hahaha


Baliw lang sis?


Walang sabi sabi kong hinablot ko kay Carson ang phone at agad tumalikod para nakapili ng magandang filter at makapag picture na, pero ang loko gusto pa rin ipagpilitan ang sarili n'ya lalong lalo na ang malaki nyang mukha na halos gustong sakupin ang lahat pati ang space ko!


"Ano ba! Panira ka!" Sabi ko at pinalo sya


"Pasali kasi! Wag mong suluhin hindi sayo yan!" Sabat niya habang tumatawa


Masama ko s'yang tinitingnan dahil ang loko tawang tawa pa. Ano kaya tinatawa tawa nito? Bakit mukhang masaya?


Hindi nalang ako sumagot at nagconcentrate nalang sa pagpose para makakuha ng magandang shot. Buti at kinausap ng isa naming classmate si loko kaya di na sumama at sinamantala ko naman yun para makakuha ng magandang shots. Laging sakit sa ngipin ang paborito kong post, pakiramdam ko kasi dun lang ako maganda.


 Akala ko ay hindi na si loko sasama pero akala ko lang pala iyon! dahil sa sunod kong shot heto at nakikihati na naman siya! Epal talaga!


"Say Cheese" he said then pose


I swallowed hard when I clicked the gallery to see the photo because he's just right beside me and it's kind of awkward, it just like I'm suddenly conscious about myself, my smell and everything!


Why am I feeling this way, Anyway?


I'm trying my best to concentrate with the pictures. Wala naman s'yang sinasabi sa tabi ko pero nararamdaman ko na kung iisipin ko ang katotohanan na nasa tabi ko sya ay paniguradong manginginig ako and I don't want that to happen.


Luckily or I don't even know if I'm lucky enough now that our teacher finally showed himself up.


Agad na nagsibalik ang mga classmates ko sa kanya kanyang nilang upuan. Nagkatinginan kami ni Sir at alam ko na kung anong nasa isipan niya lalo na at nakikinita ko ang mapaglaro niyang ngiti. Ako na ang naunang nag iwas ng tingin.


Dahil nakita n'ya kami ni Carson sa ganoong ayos paniguradong maraming tukso na naman ang matatanggap ko.


Umupo na ako sa upuan ko. Since nasa first row lang naman ako kaya nakaupo agad. Hindi ko na tiningnan si Carson at nagfocus nalang sa pagkuha ng mga gamit ko.


"Good afternoon class" bati ni Sir


We greeted him too. At nagsimula na nga sya magturo ng mga dapat niyang ituro. This is what I like about our teacher. Inuuna niya muna ang pagtuturo bago ang catching up with students nya, madalas niya kasing gawin yun kapag patapos o tapos na siya sa lesson niya kaya sana wala akong matanggap na pang-aasar.


Tahimik lang kaming nakikinig sa kanya dahil baka magparecite sya. Pinipilit kong isinusoksok sa utak ko ang mga sinasabi n'ya dahil baka magparecite sya at nakakahiya kapag wala ako nasagot, though hindi naman sya ang klase ng teacher na namamahiya at alam ko namang mabait si Sir but still nakakahiya kapag wala akong nasagot lalo pa ngayong lumilipad ang isip ko.


I really don't like it everytime na tumatabi si Carson sa akin. Hindi pa kasi ako sanay sa presensya nya lalo na at transferee sya! Medyo inis din ako sa kanya kasi masyado s'yang palakaibigan. Naalala ko pa kung ano ang nangyari last month ng nakilala ko sya.


Medyo late na ako sa nakasanayang oras dahil ang daming sumasakay sa tricycle, pilahan pa kami lalo na at first day of school. Twelve thirty ang start ng pasok ko pero Twelve forty na nandito pa rin ako sa paradahan ng tricycle. Ganito talaga dito sa amin, nagkakaubusan ng tricycle lalo na kung pang hapon ka, madalas kasi hinahati ang mga tricycle, Isa para sa mga pa Litex at isa naman para sa pa Batasan.


Mabilis lang naman ang magiging byahe, pero heto ako at kabado na. Hindi ko alam kung bakit ang nerbyosa ko lalo na pagdating sa mga teacher ko at mas lalo na kapag recitation though hindi naman ako pala kape. Baka kaya lagi akong kinakabahan dahil alam ko sa sarili kong hindi ako nag aaral sa bahay haha.


Pagkarating sa school, tinakbo ko na ang distansya ng gate at ng classroom ko. Ako pa naman yung taong ayaw ng atensyon kaya ayokong nalalate lalo na at walang exit door ang room namin.


"Wala pa si Ma'am?" Hinihingal na tanong ko sa classmate na nasa pinto


"Wala pa e, baka di na yun papasok?" sagot naman niya, sabay balik sa cellphone nya


Nagkibit balikat nalang ako sa sinabi nya at pumasok na sa room kaya lang mukhang may pinagkakaabalahan ang mga classmate ko sa row namin. I mean sa first row sa dulo ang madalas kong upuan, bukod sa nasa dulo na hindi pa natatawag sa recitation tsaka active kasi ang mga tao dito sa first row kaya minsan hindi na natatanong ang iba.


"Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Claire na isa ring tutok sa cellphone nya


"Traffic" sagot ko habang nakatingin sa isang hindi pamilyar na lalaki.


Nagkakatuwaan ang iba sa first row at bida yung lalaki. Sa kanya ang may pinaka malaking ngiti, sabagay mukhang siya ang pasimuno. Looking at them, mukhang gusong gusto siya ng boys. Yung classmate kong makulit lalong kumulit, yung hindi naman pala salita, nakikitawa na at ang iba sa mga classmate kong babae ay pasimpleng sumusulyap sa kanya.


Bagong classmate?


Bagong lipat ng section?


Bagong lipat ng school?


Transferee ba?



Hindi Pa PalaWhere stories live. Discover now