Paano nga ba akyatin ang puno na iyan?
Ewan ko ba.
Matagal ko ng kinalimutang akyatin ang mga puno. Lalo na 'yang puno ng mangga.
Sa dami ba naman kasi ng problema sa mundo ay bakit iyan pa ang uunahin?
"Vido!"
Si Mama, kumakatok na naman at sumisigaw. Lagi nya 'yang ginagawa, di daw kasi ako nag- aalarm. Ang di niya alam, di naman talaga ako natutulog.
Bakit?
Ewan uli.
Nag- iisip, may tinatapos na trabaho, at kung ano- ano pa.
Pero ang madalas, nag- iisip talaga ako.
Iniisip ko, bakit ganito na ako ngayon? Ay mali pala ako. Bakit lumala ang pagiging ganito ko ngayon?
"Vido!"
Alas singko.
Hay. Alas singko na naman parang kanina ay alas dose pa lang nang tiningnan ko 'yan sa orasan.
Eto na naman tayo sa araw na ito.
Una, kailangan kong buksan ang pinto para mapahinga na ang boses ni Mama kaka- Vido!
Pangalawa, maliligo na ako. Pero may mga araw na hindi, pinag- papahinga ko kasi yung katawan ko. Yung kapitbahay namin na ang lusog biglang namatay matapos maligo kaya minsan, minsan lang naman, hindi na ko naliligo.
Pangatlo, magbi- bihis ng uniporme
... syempre kailangan may jacket. Naka- aircon kasi, di naman ako nilalamig pero parang nakaka- out of place kasi sa opisina kung wala ka noon. Though, wala namang discrimination, sa pananaw ko lang naman.Pang-apat, kainin ang almusal na hinanda ni Mama. Lagot kasi kapag hindi inubos. Kape lang naman talaga okay na kaso mapilit si Mama. May pa- lunch box pa sya. Tipid tuloy ako. Hanep talaga.
"Alis na 'ko Ma!"
Unang pagtaas ng boses ko sa araw na ito. Si Mama kasi di ko alam kung nasaan. Take note, may halong pagmamahal yung sigaw ko.
Kinuha ko na yung lunch box. Di ko talaga inaalam kung ano ang laman no'n para may element of surprise mamaya. Ilalagay ko 'to sa pinakamaingat na paraan. Naalala ko isang araw nang lunch time, masaya kong binubuksan ang aking bag para sa lunch na ipinabaon sa akin ni Mama. At kung may tao ba namang pinagpala sa araw na 'yon, malamang hindi ako iyon.
Tumapon ang baon ko.
Hindi ko alam pero nahiya ako sa nangyari kahit wala namang nakakaalam na natapon ang aking baon. Sa sobrang badtrip ko noong araw na iyon ay ipinamigay ko ang bag na gamit ko. Ayoko lang maalala.
"Sasabay daw si Ansel sa'yo. Gumagayak lang" si Mama.
Si Ansel, pamangkin ko. Kapatid ni Kuya Anselmo.
"Ako na susundo Ma. Alis na ko" paalam ko kay Mama.
Humahalik pa ba kayo sa pisngi ng nanay nyo? Ako bente singko na kaya hindi na.
"Ang aga mo naman Ansel ikaw ba teacher?" tanong ko sa pamangkin na hanggang bewang ko lang. Ganyan din kasi mga tanungan sa 'kin ni Mama no'n. Bawi- bawi lang.
"Maglalaro ka lang e" dagdag ko.
"Hindi naman!" oh? Nagagalit na pamangkin ko.
Alam ko na ganyang mga galawan. Papasok ng maaga para maglaro. Takbo ng takbo sa field, susunduin pa yan ng mga teacher kasi mga Kindergarten pa lang.
Kakapasok pa lang pero amay uwian na.
Si Ansel hinahatid yan sa school ng Mama nya. Si Ate Sierra, kaso may inaasikaso sila ng Kuya kaya bilang huwarang Tito, ihahatid ko sya.
BINABASA MO ANG
Alam mo kaya?
Short Story"Alam mo kaya" is a story of love, secrets, and conflicts between two different world that is destined to colllide.