Chapter 32
Lupaypay ang ulo kong pinasadahan ng tingin ang kisame sa living room namin matapos makatanggap ng tawag mula kay Abby. We are set to design a Mediterranean house today at exactly nine in the morning. Alas-otso na at medyo may kalayuan pa ang location ng bahay pero heto at narito pa rin ako, hindi kumikilos.
Hindi ako tinatamad. I am just bothered that I might see him there. Pero sabagay, bakit naman siya magpapakita roon? Mga supplier lang ang siguradong makikita ko roon at hindi siya kasama. Bosses like him doesn't deal with that kind of stuff. They only make orders and demands, at hindi kasama roon ang bantayan mo ang mga suppliers mo sa kung ano mang gagawin nila.
Sino ba kasing nagsabi na pupunta siya roon? Ano namang gagawin niya, tumunganga at panoorin ang mga tauhan niya na ibaba ang mga furnitures na inorder mo sa kanila? Eh, hindi ba at sa tuwing may kakailanganin ka sa kanila, puro manager lang naman ang nakakausap ni Abby? Even yourself didn't want to attend the appointments with them.
Huminga ako ng malalim. Kung bakit naman kasi pumayag pa akong tanggapin ang alok niya noon na kumpanya na lang nila ang gawin kong supplier ko sa mga furnitures. Kung sa bagay, sino ba ang magaakalang hahantong kami sa ganito?
Hindi bale. Isang project lang naman at maghahanap na lang ako ng panibagong supplier.
"Tate, I thought you have work at nine? Why are you still here?" si Mommy galing sa kusina bitbit ang isang baso ng tubig.
"Yes, My. Paalis na rin ako."
She stared at me for a long while. Whenever she does that kind of stare, I know that something's going on inside her head.
Naupo siya sa tabi ko. "Is everything okay?"
"Yup. Bakit, My?"
"I just notice that you're acting strange these past few days. Mukhang wala ka sa sarili at maging ang Daddy mo ay napapansin iyon." she sighed.
Natawa ako. "Akala niyo lang 'yon, My."
"Seriously, Tate. I want my old daughter back. If this is still about Zadriel-"
"This is not about him, Mommy. I'm not just feeling myself but I will surely be okay. Wait ka lang , My. Ma-i-stress ka na naman sa akin." natawa ako.
"I'd prefer being stressed because of your stubbornness rather than seeing you this silent and empty."
Natawa ako. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa kanya. I slouched a bit and hugged her.
"I love you, Mommy."
"Oh, gosh! You're really not okay!" she said hysterically that made me laugh.
Though, it's understandable because I seldom tell them how much I love them. I'm not that really showy and I admit it.
Kumalas ako mula sa pagkakayakap mula sa kanya at tiningnan siya sa mukha. Worry can be seen through her sharp eyes. I winked at her just to show her that she doesn't have to worry too much about me. I'm not a little girl who just got dump by her crush.
"See you tonight, My."
Dumiretso na ako ng sasakyan ko at nilisan na ang bahay. Sa mismong location na ng bahay ako didiretso at hindi na dadaan pa sa office dahil wala naman na doon si Abby. Ang sabi niya ay didiretso na lang siya sa meeting place namin. Medyo nakakapanibago dahil nasanay akong palagi kaming sabay na pupunta sa kung saan man na may kinalaman sa trabaho.
Halos isang oras rin ang itinagal ko sa biyahe bago nakarating sa mismong lugar. Natanaw ko si Abby na nasa tapat ng gate at may kausap na matanda na sa tingin ko ay kasambahay ng kliyente namin. They both looked at my direction. Inilibot ko ang paningin at nakitang wala pang truck. Ibig sabihin ay wala pa ang mga suppliers.
BINABASA MO ANG
Monasterio Series #3: One More Night
FantasyWild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dares. Making out with whoever she wants was one of them, doesn't matter if she's in a relationship. Hin...