Chapter 7: Change
"Aidan's POV"
First of all, I'm Aidan Rein Suzushiro. 17 years old, taking up Bachelor of Science major in Information Technology in Tomoyo nagasaki.
It's been a week matapos mangyare ang isang bagay na naging dahilan ng pagbabago ko. Ang dating madaldal, makulit, makwento, masayahin at mapangtrip ay nagbago na.
*Flashback*
Yes!!!!!!! sinagot na ako ni Rachelle! Hooooooo! ang saya saya ko! sobra! Gusto kong sumigaw, gusto kong sabihin sa lahat na napakaswerte ko dahil ang babaeng gusto at mahal na mahal ko ay mahal din ako. Kaso hindi pwede kasi una sa lahat samin lang raw muna yung about sa relationship namin at syempre gabi na baka batuhin ako ng mga kapitbahay namin kapag nagsisigaw ako dito. Sa text nya ako sinagot. Gusto ko sanang sa personal para romantic pero okay na din to atleast kami na diba?^^
Anyway, I met her since first day of school ngayong first year college. Niligawan ko sya at boom kami na ngayon^_____^. Haha ako na ang pinakamasayang lalake at ito na ang pinakamasayang nangyare sa buong buhay ko.
RACHELLE VILLANUEVA, pinasaya mo ang araw ko. *insert smiles*
Dala dala ko ang mga ngiting yan hanggang sa pagtulog ko.
(kinabukasan)
Kasalukuyan kong hinihintay si Rachelle sa park malapit sa campus namin. Grabe kinakabahan ako. Hindi ko alam kung para san ang kaba ko, dahil siguro sa eto ang first formal date namin ni Rachelle. Tama yun nga ang dahilan...
*beep*
*beep*
*beep*
Agad ko namang kinuha sa bulsa ng pants ko ang Phone ko, baka kasi si Rachelle yung nagtext. Napangiti ako dahil hindi ako nagkamali. Agad kong binuksan ang message nya.
From: Rachelle<3
Hindi na ako pupunta. I'm breaking up with you. I'm sorry...
Nung una hindi ko naintindihan ang nilalaman at kung anong ibig sabihin ng text nya. Pero nagsimulang magbagsakan ang mga luha ko nang marealize ko na nakikipagbreak na sya skin. Ang babaeng niligawan ko for almost two months at ang babaeng mahal na mahal ko na kahapon ko lang nakuha ay nagyo'y nakikipaghiwalay na sakin. Para akong sinaksak ng pauli-ulit. Ganito pala ang pakiramdam kapag iniwan ka ng taong mahal mo. Ang sakit! sobra! pero di ako nagpatalo sa galit ko, pinuntahan ko sya sa bahay nila.
*Rachelle's house*
Pagdating ko sa bahay nila. I saw her in the gate. Siguro kauuwi nya lang, pero saan naman kaya siya galing? aahhh! mamaya ko na muna yan iisipin. I have to know everything.
"Rachelle" hinawakan ko sya sa braso. halata sakanya ang pagkagulat sa pagdating ko.
"Oh Aidan, what brought you here?" now its time for me to be shock. Parang hindi sya si Rachelle. Ang cold ng pagkakasabi nya nyan sakin.
"Rachelle, magusap tayo. Ayus lang sakin kung dka nakapunta sa date natin. haha" nagawa ko paring tumawa kahit sa totoo lang wlang nkakatawa.
"Oh come on Aidan! Tanga ka ba?! nakipagbreak na ako sayo diba? bkit? di mo ba naintindhan ang salaitang break? Gosh! your imposible!" at nagsimula na syang buksan ang gate nila. Di ko alam kung bakit pero pinigilan ko pa din sya. Di ako papayag na mawala sya sakin.
"Rachelle .... Tell me, may nagawa ba akong mali? sabihin mo, magbabago ako. May hindi kaba gusto skin? May pagkukulang ba ako? may---"
"Bullshit! Ayoko na sayo! napakachildish mo at napakawalang kwenta! Your nothing but a weak little boy for me! Wag ka ng magsayang ng oras, my decision is FINAL! I don't like you nor love you. And it will never gonna happen!" after she said that, she left.
*End of Flashback*
Hanggang ngayon masakit parin para sakin ang lahat ng sinabi nia pero kahit ganun, mahal ko pa din sya. And I won't lose hope. Babalik din sya sakin at sisiguraduhin kong mamahalin nya na ako ngayon.