CrocoDhay’s Note: this will be my first short story ever! (CLAP! CLAP! Wiiiee ^v^)
Naisip ko lang na dapat kahit papaano ay may natatapos akong story. So I decided to make this one, ideas come popping out of my mind, kailangan i-grab ko to, sayang naman. Minsan na nga lang akong sipagin, hihi. XD
Since kakatapos pa lang ng Araw ng mga patay….
No, I won’t be writing a horror one, bwahahaha *w*
Teen fiction pa rin tayo.
Para sa mga pusong sawi at patay dahil sa pag-ibig, kalma lang, lilipas din iyan. Huwag niyo na silang iyakan, buhay pa sila, huwag masyadong excited. XD
***WHAT IF TWO BROKEN HEARTS MET, WOULD THEY HEAL EACH OTHER?
LORRAINE’S POV
Ang lamig talaga, kaya gusto ko sa posisyong ito eh.
Nalabas ko na lahat ng kailangan ko..
-Ferrero
-Lala Fish Cracker
-Xtreme with free green peace
-Chips Delight
-Piattos
-Stick O
-Ding Dong
-Royal (Soft drink)
-Water
Ayos na. XD
Ooops, di ako magfi-field trip or what so ever outing, manonood ako ng movie in my favorite cinema, sa isang mall ito, isang sakay mula sa bahay, kaya walang hussle.
Wala pala akong kasama, para lang sa akin lahat ng iyan, madami ba? Parang hindi ko ata mauubos, HEPHEP, KULANG PA IYAN. Kakagutom kayang manood. *____*
Bakit ako nanonood mag-isa? Gusto ko lang. Kanya-kanyang trip lang.
But seriously, this would be my first time of doing such idea. Naisip ko lang na wala akong mamiMiss na scenes kung ako lang mag-isa, no chit chat with friends and kung anu-ano pang sagabal.
Moreover, wala na siya. Wala na palang kami. Tinutukoy ko ung sira ulo, manloloko at kumag kong boyfriend. AHEEMM, EX boyfriend pala.
Pio. Hayy, nahi-high blood nanaman ako pangalan pa lang niya. Kasagsagan ng 5th monthsary naming ay nakipag-break siya sa akin sa hindi malamang dahilan. I won’t give up pa ang drama ko noon. Minahal ko un, hindi ko siya basta-basta lang bibitawan, pero hindi pala ganun kadali. I want him back. Pero dahil ayaw na talaga niya, hinayaan ko na lang.
After 1 month, nalaman ko na lang na sila ni Abby, EX friend ko. Ex na simula ng pumatol siya kay Pio. May rumors na sa kanila nun kahit noong kami pa, nagkatotoo kinalaunan.
3 months na din ung nakakalipas. Kahit papaanu naka-recover nanaman ako sa damage na dinulot niya. Paunti-unti, mahirap; pero kinakaya ko.
Excited na ako sa movie, it’s about love pero may twists, cheating. “A Secret Affair” ung title, catchy siya in fairness.
Dahil sa broken hearted, gusto ko ng mga ganitong storya. Kaso hindi ko pa alam kung matatapos ba ito ng masaya o baka naman katulad ito ng akin, natapos sa paraang hindi ko ginusto.
Amfufu lang, nag-dadrama nanaman ako. T___T
Masakit maiwan eh. Tama nga talaga na laging mas nasasaktan ung mga naiiwan. Meron nga daw LAW na kapag sinaktan ka ng isang tao, sigurado, nasaktan din siya sa nagawa niyang papanakit sayo. Parang kapag may sumampal sayo, nasaktan din ung kamay niya sa ginawa niyang un. Nasaktan kaya kahit papaan si Pio nung iniwan niya ko? Kahit na konti lang.