Once Upon A Princess

4 0 0
                                    

Isa lamang akong ordinaryong tao na naninirahan sa Ilo-Ilo. Sabihin na nating mataas akong mangarap. I dream to have a fairytale life with a prince charming and a royal life, but, my life is no fairytale. Isa akong iskolar sa pribadong paaralan sa Ilo-Ilo, kung kaya't pursigido akong mag-aral para manatili ang scholarship ko at makagraduate. Kapag weekends tinutulungan ko si mama sa palengke upang magtinda ng mga gulayin. Habang may free time ako, ginugugol ko ito sa pagtulong sa mga gawaing bahay.


"Class, we have a long test tomorrow, I expect all of you to pass my difficult exam. It's all about our topi--- blah blah" paalala ni Sir sa amin. Nasa kalagitnaan na kami ng school year pero heto ako, lutang at hindi makapag concentrate habang nakadungaw sa bintana. Napatingin ako sa soccer field na matatagpuan sa tapat ng building namin. We are college students fourth year kung kaya't nasa fourth floor kami. Tanaw ko ang team captain nila na si Anthony na napakahusay maglaro, nangunguna ito sa pagwawarm up pagjojogging paikot ng soccer field

"I wish you all the best, may you pass my exam and good luck. Class dismissed" tawag pansin ni sir kaya napukaw ang atensyon ko at kinalabit si Chelsey na aking katabi subalit natutulog na pala ang bruha. Tinapik ko ito at niyaya ko siyang kumain sa cafeteria. Dahil bagong gising, kung anu-anong pagrereklamo ang lumabas sa bibig niya. Hinila ko na lang siya sapagkat gutom na gutom na ako.

Pagkarating namin sa cafeteria, sumalubong sa amin ang medyo maraming tao. Halos maoccupy nila ang lahat ng seats sa loob. Nakalimutan ko nga pala, malapit na ang sports festival namin, kaya maraming tao. Sabay sabay kasi na naghahanda ang mga players kaya medyo nagulo ang schedule. Sa gutom kong ito ay kahit maraming tao hindi ako napigilang pumasok sa loob at makahanap ng vacant seat. Iniwan ko doon si Chelsey at pumila sa counter. Maraming nakapila kaya nainip ako. Gutom na gutom na talaga ako kaya nakapag-cut ako ng pila. Pasimple akong sumingit na kunwari ay tumitingin ng mga pagkain. Sa kinamalas-malasan na pagkakataon ay nahuli ako ng SC president namin na nakapila din pala. Siya pala ang nasa likudan ng siningitan kong pila. Kinulbit niya ako at sinenyasan na bumalik sa pila ko, pero pagtingin ko ay may mga bagong nakapila na. Pumila na lang ulit ako at naghintay. Nang malapit na ako sa counter ay hinanap ko ang aking wallet. Turn ko na kaya umorder na ako. Umorder ako ng medyo marami para sa aming dalawa ni Chelsey.

"Miss, Php. 800.00 is your total amount, your food will be served within 15 minutes. Here's your drinks."

Napahalungkat ako sa bag kasi hinahanap ko ang aking wallet. Oh my, feel ko naiwan ko sa room iyung wallet ko, paktay. Napalingon ako sa likod at nakitang marami pa ang nakapila, napatingin naman ako kay ate na naghihintay ng bayad ko na mukhang naiinis na sa kakaintay. Nginitian ko siya ng pilit at sinabing wait lang, nilibot ko na ang buong bag ko pero wala pa din. Paktay, ano gagawin ko? Gutom na ako pero wala pala akong dalang wallet or pera. Malayo pa man din ang upuan ni Chelsey sa akin kaya't Di ko siya matawag.

"Miss, are you going to pay or no---?" Naputol ang sasabihin ni ate dahil may nag-abot ng two thousand kasabay ng isang burger at water.

"Here, isama mo na iyung akin. Ako na magbabayad ng sa kanya." Sabi ng lalaki.

Napalingon ito sa akin at binigyan niya ako ng isang napakatamis na ngiti. Si Anthony!!! Tinulungan ako ni Anthony at nilibre niya ako ng pagkain. Napanganga ako kasi napakagwapo niya. Sabi ko ay nakalimutan ko iyong wallet ko sa room kaya babayaran ko siya mamayang uwiam subalit di siya pumayag.

"No thanks, consider this as a gift for a cute girl like you" saad niya at nginitian ulit ako. Iniwan niya ako sa counter dala ang pagkain niya at umupo sa tabi ng mga kaibigan niya.

Kinikilig akong bumalik sa lamesa namin ni Chelsey at kinuwento sa kanya ang kagagahan kong nagbunga ng kaharutan ko. Napatawa na lang din si Chelsey at kinurit ako sa kagagahan ko. Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na kami pabalik sa aming classroom. Hinanap ko ang aking wallet doon pero di ko nakita. Lumipas ang oras pero wala pa din. Inisip ko na lang na baka wala talaga akong dala at nakalimutan ko ito sa bahay.

Once Upon A PrincessWhere stories live. Discover now