COMPLETE

294 14 0
                                    

Ang boyfriend ko. I can tell na masaya kami. Walang away, walang gulo puro love lang. We've been together for 5 years now at siya ang first and last love ko. Actually, were engaged at ikakasal na kami bukas. Sabi nila, masama daw mag kita ang soon to be man and wife bago ang kasal pero hindi naman ako naniniwala doon eh. Masama ba na gustuhin kong makita ang taong mahal ko?
"Im so sorry Amber." bungad ni Liam.
"Huh? What do you mean Liam? Sorry for what?"
"Im so sorry Amber pero AYOKO NA."
"What? Anong ayaw mo na? We've been together for 5 years and remember ikakasal na tayo bukas tapos itatapon mo lang ng ganito? What the hell Liam. Anong tingin mo saakin? Laruan? Na kapagsawa kana, itatapon mo nalang. Tangina naman oh! Mahal na mahal kita Liam. Ibinigay ko na sayo lahat ng meron ako. Yung time, yung effort pati na VIRGINITY ko binigay ko na sayo. Saan ba ako nagkamali? Saan ba ako nagkulang? Tell me Liam! Tell me!"
"Walang mali sayo Amber. Ako yung nagkamali, ako yung nagkulang. Nag padala ako sa tukso. Nabuntis ko si Kylie. And I just realized by now na mas masaya ako kay Kylie. Siya ang gusto ko makasama habang buhay because I never see myself na kasama kang tumanda. I'm so sorry Amber pero hindi na kita mahal."
Pakiramdam ko biglang gumuho ang mundo ko ng dahil sa sinabi ni Liam. Of all the people, hindi ko maiisip na sasaktan ako ni Liam ng ganito. At mas pinili niya yung BESTFRIEND ko over me. Hindi ko kaya na makita sila na masaya habang ako nasasaktan ng todo. Tumakbo ako papalayo para matakasan ang sakit na nararamdaman ko at para makalayo na rin kay Liam. Wala ako sa sarili ko habang tumatakbo papalayo. Hindi ko napansin ang paparating na kotse tapos hindi ko na alam ang mga nangyare. Pagdilat ng mga mata ko, isang lalake ang nakita ko habang yakap yakap ako.
"ANO BA MISS? MAGPAPAKAMATAY KA BA HA?" Galit na sigaw nung lalake.
"Sa tingin mo ba, kung nabangga ako nung kotse na yun mamatay ako?"
Tinignan ako nung lalake na may blankong expression sa mukha.
"Oo naman syempre. Sino bang hindi?"
"Ganon ba? Eh pakiramdam ko pinatay na ni Liam ang puso ko ng dahil sa ginawa niya. Sana nga natuluyan na ako para di na ako masaktan kahit kailan."
"Ano ba miss! Pwede ba wag kang mag isip ng ganyan. Tandaan mo to, maganda ka. Marami pang lalake diyan na pwedeng magpasaya sayo at mahalin ka ng totoo. Hindi yung papaikutin mo yung mundo mo sa lalakeng hindi ka naman pinahalagahan. YOU ARE WORTH LOVING FOR!"
"I am worth loving for? Seryoso ka? Kung worth it talaga ako, bakit niloko niya ako? Bakit mas pinili niya na ipinagpalit ako sa bestfriend ko?"
"You're worth loving for. Sana maniwala ka. Sadyang wala lang talagang kwenta yung boyfriend mo, I mean yung exboyfriend mo para lokohin ang isang Diyosang kagaya mo. Nako pag nakita ko talaga yung exboyfriend mo, bubugbugin ko talaga siya para sayo."
(Sinabi niya yun habang sumusuntok sa hangin.)
Bigla akong natawa ng dahil sa ginagawa niya.
"Yun oh! Finally ngumiti ka din. Ang ganda ganda mo pala pag nakangiti eh. Sana ganyan ka nalang palagi. Hindi bagay sayo yung nakasimangot eh."
Napangiti ulit ng dahil sa sinabi niya.
"Ako nga pala si Ashton but you can call me Ton-ton. And you are?"
"I'm Amber, Amber Blythe Alcantara. You can call me Amber for short. Nice to meet you Ton-ton."
*SHAKE HANDS*
"So from now on, friends na tayo ah?"
Ngumiti siya saakin tapos pinisil yung pisnge ko.
"Oo naman! Matatangihan ko ba ang isang magandang kagaya mo? Nako hindi noh! Pangako simula ngayon, aalagaan at poprotektahan kita hanggang sa abot ng makakaya ko. At tandaan mo na lagi akong nandito para sayo okay?"
Simula nung araw na yun hindi ko na nakalimutan si Ton-ton. Lumipas na ang mga araw, buwan at taon pero hindi parin ako iniwan ni Ton-ton. Sa kalungkutan o sa kasiyahan man. Halos araw araw hinahatid sundo niya ako para masigurado na safe ako makakarating at makakauwi. Sinasabayan ako sa pagkain umaga, tanghali at gabi para siguraduhin na hindi ako malilipasan ng gutom. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan mahal ko na pala si Ton-ton. Ngayon, sisiguraduhin ko na na hindi na ako magkakamali sa mga decisions ko. At ipinapangako ko na hinding hindi ko na papalampasin ang pag kakataon nato para sabihin sakanya ang tunay na nararamdaman ko.
"Ton-ton, Mahal kita!"
Tinignan lang ako ni Ton-ton ng may blankong expression sa mukha.
"Oo alam ko. Mukha na akong desperada diba? Pero anong magagawa ko? Eh yun ang nararamdaman ko eh. Hindi ko hihilingin na mahalin mo rin ako, pero sana hayaan mo ako mahalin ka at sana wag magbabago ang pagtingin mo saakin." sinabi ko yun habang mangiyak ngiyak.
Hindi ako matignan ni Ton-ton ng diretcho. I knew it! Hindi ako kayang mahalin ni Ton-ton. Nag kamali ulit ako sa pagpili ng taong mamahalin ko for the second time around. Bakit ba kasi pinagpipilitan ko ang sarili ko sa taong kahit kailan hindi naman ako mamahalin. Ang tanga ko diba? Umasa ako sa wala. T___T
Tumalikod na ako at nag umpisa nang maglakad papalayo habang umiiyak. Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa kong pag amin ng feelings ko sakanya. At least ngayon, nasabi ko na ang totoong nararamdaman ko. Habang nag lalakad papalayo nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. NANG BIGLANG...
"Amber Blythe Alcantara! MAHAL DIN KITA!" sigaw ni Ton-ton.
Bigla akong napahinto sa paglalakad ng dahil sa sinabi niya.
"Tanga lang ang taong hindi makakakita ng halaga mo. Simula palang sa unang pagkikita natin, minahal na kita agad. You are the most perfect girl na nakilala ko. Ikaw ang babaeng gusto kong maging nanay ng mga magiging anak ko. And I can see myself to grow old with you. Till death do us part Amber."
Lumingon ako at tumakbo papunta sakanya tapos ang sumunod nalang...
WE KISSED!!
"I promise to love you and protect you forever. I love you Amber!" bulong niya.
Bigla siyang lumuhod sa harap ko tapos naglabas ng sing sing.
"Amber Blythe Alcantara, will you marry me?"
Tingnan ko siya tapos ngumiti ako.
"Yes Ton-ton! I will marry you!"
Then suddenly, I close my eyes and make a wish. Sana ganito araw araw. Sana forever na to. Pagdilat ko nga mga mata ko, wala na si Ton-ton at si mama na ng kita ko.
"Mama? Bakit po kayo nandito? Nasaan po si Ton-ton?"
"Ha? Sino si Ton-ton anak?"
"Siya po ang boyfriend ko mama. Nasaan na po siya? Magkasama lang kami kanina eh."
Biglang nagtinginan sina mama at papa.
"Nak, hindi mo na aalala ang mga nangyare? Nabangga ka ng isang rumaragasang kotse anak."
Biglang nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa sinabi ni Mama.
"Ha? Ako naaksidente? Hindi po mama. Niligtas po ako ni Ton-ton. Sa katunayan nga po magkasama lang po kami kanina eh. Mahal po namin ang isa't isa mama. We've been together for years nga eh. Actually were engaged now. Mama ikakasal na po ako."
Nagtingan ulit sina mama at papa ng dahil sa sinabi ko.
"Nak, hindi totoo si Ton-ton. You are in comatose for 6 months ng dahil sa aksidente. Akala nga namin hindi kana gigising eh. Pero hindi kami nawalan ng pag asa ng papa mo at ipinaglaban ka namin. Halos araw araw nandito kami nag babantay sayo. At kahit kailan hindi namin nakita na may bumisitang Ton-ton dito."
Parang pakiramdam ko gumuho ulit ang mundo ko ng dahil sa sinabi ni Mama. All this time naniwala ako na totoo si Ton-ton, pero I was wrong. At least kahit papaano naging masaya ako kahit hanggang sa panaginip lang. AND I KNOW THAT THERE'S NO FAIRYTALE AT ALL. DREAMS ARE JUST A DREAMS AND IT WILL NEVER BE COME TRUE. 

THE END❤

Thanks For Reading

Dont Forget To Follow!❤
And Vote❤

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beautiful Nighmare (Sad Story) - TagalogWhere stories live. Discover now