🥀Kanina pa sumasampal sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin habang iniinom ko ang iced coffee na binili ko kanina da coffe shop, hindi sa hardware.
Nakasanayan ko na rin na tumambay muna dito sa park bago umuwi ng bahay. Isa akong Engineering Student sa isang sikat na university dito at tangin mayayaman lang na katulad ko ang nakakapasok. Galing ako sa isang mayamang pamilya and my parents are one of the sponsors sa school na pinapasukan ko.
I took engineering kasi hindi naman ako ang magmamana sa company ni daddy kundi si Kuya Cross, ang panganay sa aming magkakapatid. He's still 20 pero sinasanay na siya ni daddy on how to manage a company.
Bunso ako sa tatlong magkakapatid and nasabi ko na kanina na si Kuya Cross ang panganay, pangalawa si Kuya Raven, 18 years old and still taking his business related course kasi as far as I know, siya ang magmamana sa chains of restaurants namin. Ako? Wala kasi meron naman akong mamanain. I am still 16 pero meron na akong rest house sa Tagaytay na Binili ni Mommy para sakin para may paglalagian daw kami ng barkada ko if ever that na gusto naming magbakasyon don.Ok, enough with this fucking intro.
Umupo ako sa favorite spot ko, dito sa upuan sa ilalim ng puno kung saan ay makikita ko ang mga batang masayang naghahabulan. Meron din mga magkasintahan na--------ughh couples na naman! I hate to see couples dating in front of me. Mas naaalala ko si Elle. Mag-isa lang ako kasi humiwalay muna ako sa aking mga barkada.
Gusto ko lang muna ng tahimik na lugar. Broken ako eh. Bawal bang mag emote muna? Bawal bang malungkot? Tss.
Habang iniinom ko ang kape ko, nakarinig ako ng daing ng isang bata na siguro ay sakit. Pagtingin ko sa tabi ko ay nakita ko ang isang bata na sa tingi ko ay 10 years old, feeling ko lang bakit ba. Nakita ko na may pasa ito sa mukha and kung titignan and batang to, nakipag basag-ulo to. Maangas rin ang dating nito kasi nakita ko sa mga daliri nito na may tusok ang kanyang singsing.
Mas maangas pa kesa sakin e."Puta", pagmumura nito. Syempre nagulat ako. I know magmumura ako pero I think he's to young para magmura. Ang lutong pa huh?
"What happened in your face kiddo", tanong ko. Basagulero ako pero alam ko ang salitang concern.
"Wala kang pake"
"Hayss let me do it", inagaw ko sa kanya ang panyo na pinupunas sa kanyang sugat at binigay sa kanya. Ginamit ko nalang ang towel ko na may burda pa ng pangalan ko at yun ang ginamit kong pamunas sa sugat nya. I noticed na mag ilan pang tumutulong dugo so binalot ko nalang ang towel sa sugat nya. Di ko nakita na may sugat sya dun kanina a.Bulag ako sa part na yun. Pag broken dapat bulag? Narinig ko ang ilang reklamo nya na siya nalang daw pero pinipilit ko na ako na kahit di ko kilala to.Talagang hambog nga tong batang to kasi di man lang nagpasalamat. Wow huh? Kahit Merry Christmas man lang? Christmas na in next two weeks e. Napadaan sa harap namin ang naglalako ng ice cream at bumili ako ng dalawa. Inabot ko sa kanya ang isa pero tinignan nya lang ito.
"Ayaw mo?", tanong ko
Ayoko"
"Kunin mo na"
"Ayoko nga di ba"
"Tss". Dahil mejo napipikon na ako ay ako na mismo ang naglapit sa bunganga nya. Dinilaan nya ito and I saw His lips curved a bit. Siguro favorite nya ang chocolate na flavor and pagkatapos nyang gawin ay inagaw na nya ito sakin."Gusto mo pa?", tanong ko, pero umiling sya pero may ngiti parin sa labi nya.
"Ilang taon ka na at may pasa ka sa mukha?", tanong ko.
"10, napaaway lang ako kanina. Pasalamat sila kasi di ko kasama ang mga tropa ko tss", sagot nya. So tama nga ako. He's just 10.
Tumayo siya at inayos ang kanyang sarili."Alis na ako hmmm...kuya and thank you for the Ice cream", pagpapaalam nya sakin. Tumango ako pero bago pa sya tumalikod sa akin ay tinignan ko kung ang pangalan nya sa ID nya.
Alphaclint Elicazzer Ferrer
Hope to see you soon again kid
YUNG TOWEL KO PALA!!!!