Sana'y mabasa mo ang maikling tulang ito
Nawa'y mapagtanto mo kung bakit ako nagkakaganito
Mata mo'y huwag ipikit, ako sana ay dinggin
Ayos lang kahit hindi sa akin nakabaling ang iyong mga tingin
Ang mahalaga ay alam kong nandiyan ka
Kahit maikli lang ang oras na ika'y kasama
Pakiusap ay huwag kang tumingin sa orasan
Ayokong matapos itong nararadaman
Gusto kitang mayakap nang mahigpit
Kahit alam kong mga yakap mo'y pilit
Kahit alam kong ika'y nakatali na
Kahit alam kong laman ng puso ay siya
Wala akong karapatan humingi ng isa pa
Pero wala akong pakealam sa sasabihin nila
Ang importante ay gusto kita
Kahit alam kong ito'y mali na..