Napapikit ako ng maramdaman ko ang pag-ihip ng napakasariwang hangin sa kinatatayuan ko. Sinasayaw nito ang mahaba kong buhok.
Sa pagmulat ko ng mga mata sumilay ang mga ngiti ko sa labi bago napatingin sa puntod na nasa harapan ko. Umupo ako sa damuhan at pinakatitigan ko ang pangalan na nasa lapida.
Mikee Angeles
"Hello, Mikee. Matagal-tagal na din ng huli kitang nabisita dito sa sementeryo. Pasensya na kung hindi ako makadalaw ah, nito kasing mga nakaraang araw ay ginugulo ako ng isang lalaki. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa kaniya. Pilit ko siyang pinagtatabuyan pero panay ang lapit niya. Natatakot ako dahil isa siya sa mga ROSAS at siya ang pinakababaero sa kanilang lahat. Mikee, ayaw kong muling masaktan...masakit na nga noong nawala ka madagdagan naman ngayon. " Dahan-dahan may pumatak na luha sa aking mga mata. Nandito naman ang pamilyar na damdamin sa dibdib ko.
Akala ko, hindi na ako makakapagmove-on sa pagkawala ni Mikee, my long time boyfriend at nakaplano na sana kaming magpakasal kaso... mapagbiro ang tadhana nagpakamatay siya dahil sa kaniyang mga magulang . Hindi niya kinaya ang lahat ng masasamang salita na sinasabi ng mga ito sa kaniya, sa amin kaya sumuko siya. Iniwan niya ako na parang bang hindi niya ako kasama sa laban. Mahal na mahal ko si Mikee, hindi ko kinaya ang pagkawala niya kaya halos sirain ko na ang buhay ko. Gusto kong sumunod sa kaniya dahil siya na lang ang nag-iisang sandalan ko maliban kay Rossana na kaibigan ko. Gusto kong magpakamatay pero palagi na lang may pumipigil sa akin, palagi na lang may panira. Hanggang isang araw may senend sa akin si Rossana na app. Isang dating app, noong una nagalit pa ako sa kaniya dahil parang hindi niya binibigyan ng respito ang pagkawala ni Mikee pero naisip ko din ang sinabi niya.
"Aileen, hindi lang si Mikee ang lalaki sa mundo. Alam mo ba kung bakit siya sumuko at iniwan ka? Iyon ay dahil may tiwala siya sa'yo na kaya mong lumaban para sa kaniya kahit ang ibig man sabihin no'n ay makahanap ka ng bagong pag-ibig. Malaki ang tiwala niya sa'yo, mahal ka niya at handa ka niyang i-let go kaya please Aileen 'wag mong sirain ang buhay mo ...kung gusto mong tulungan kita na muling makabangon---mag-access ka sa Splendor Dating App. Makakahanap ka doon."
At simula no'n ay pinasok ko ang mundong iyon. Nakahanap ako pero hindi ako nagtiwala lalo na...na isang Lucky ang nagpakikilala. Durog pa kasi ang puso ko noong mga oras na 'yon kaya napipilitan akong makitungo sa kaniya. Maikli at parang bored na bored ang mga reply ko.
"Gusto kitang mameet, Lyn. Gusto kong makilala ang babaing may maikling salita at parang durog ang puso. Tutulungan kita sa sitwasyon mo."
Ito ang huling mensahe niya na pinadala sa akin, hindi ako nagreply dahil hindi ko nagustuhan ang mga nabasa ko. Anong alam niya sa sitwasyon ko? Para sabihin niya ang mg katagang iyon? Lumipas ang mga araw na hindi na ako nagtangkang kausapin pa siya. Pakiramdam ko lang kasi ginagawa ko lang siyang rebound sa ginagawa ko."Aileen Carol Gard?"
Nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko at sa paglingon ko isang napakagwapong nilalang ang nasilayan ko. Matangkad, bruskong-brusko, at maputing lalaki. Kilala ko siya... siya si Angelo Sammuel Sloan A. K. A. Lucky , isa sa mga ROSAS.
"B-Bakit? Anong kailangan mo sa akin?" Medyo kinakabahan na tanong ko. Ngumiti ito sa akin at nilahad niya ang kaniyang mga kamay sa harap ko.
"I know kilala mo na ako, pero gusto ko uling magpakilala ng pormal. I'm Lucky, your lifetime partner. Ang lalaking nakaka-chat mo sa dating app na tinatawag na 'Splendor'. " Pagpapahayag niya na tila isang bomba na sumabog sa mukha ko. Hindi ako makapaniwala ng sabihin niya iyon. Isang bigtime na negosyante at genius pagdating sa computer.
Gusto ko sanang ipagtabuyan siya ng mga oras na iyon dahil natakot ako bigla. Bakit niya sasayangin ang oras sa isang katulad ko na walang sinabi sa buhay? Ano ba ang dahilan? Seseryoshin niya ba ang sinabi niya noon? Na tutulungan niya ako sa sitwasyon ko? Hindi, hindi ko siya hahayaan. Magmukha man akong masama ayaw kong mangyari ang gusto niyang mangyari. Tinalikuran ko ito at pinagtaguan. Pero lintik lang dahil nahanap niya parin ako. Parati itong sumusulpot at dumidikit sa akin. Hindi na ako makagalaw ng maayos. At natatakot ako na baka muli akong bumigay . Bumigay sa isang bagay na walang kasiguraduhan kong makakaahon ba at para hindi lumalala...
"Tigilan mo na ako...dahil kahit anong gawin mo hindi mo mapapalitan sa puso ko si Mikee. 'Wag ka nang magsayang ng oras sa isang katulad ko na hindi ka kayang makita...M-Mahal na mahal ko si Mikee at hindi ko magagawang ibigay sa'yo iyon." At tinalikuran ko ang lahat ng alaala na binuo niya sa akin.
Pinahiran ko ang luhang walang tigil na tumutulo sa pisngi ko. Kapag naaalala ko ang mga ginawa ko sa kaniya, sumisikip ang dibdib ko. Mas mahirap pa pala 'to sa inaasahan ko. Mas masakit sa pagkawala ni Mikee. 'Yong dinedeny mo pero deep inside tinatanggap mo na pala.
Napatingala ako sa kalangitan pero muli kong binalik ang tingin sa lapida.
"Pero nagawa ko siyang mahalin ...nagawa siyang tanggapin ng puso ko pero--- anong magagawa ko ngayon Mikee, naguguluhan ako dahil malinaw sa akin na isa lang ako sa mga babae niya. Pinagtabuyan ko siya para lang maprotektahan ang puso ko mula sa sakit na pwede niyang ipadanas sa akin... Mahal ko siya...Mahal ko si Lucky at nagpapasalamat ako dahil binigyan mo ako ng pagkakataon,Mikee. Salamat."
Namayani ang katahimikan sa buong paligid tanging paghingi ko lang ang naririnig ko matapos kong sabihin iyon pero isang nabaling sanga ang sumira no'n. Agad na lumipad ang tingin ko sa may gawin kanan ko at gano'n na lang ang gulat ko ng makita ko siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
"L-Lucky," Nauutal na bulalas ko sa sobrang gulat.
Napalunok ako ng dahan-dahan itong naglakad palapit sa kinaroroonan ko. Mataman itong nakatitig sa akin habang mabigat ang paghinga nito. Nang makarating siya ay agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa damuhan. Narinig ka niya ang mga sinabi ko? Sana hindi, dahil hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.
"Tama ba ang narinig ko? Na mahal mo ako?" Naging mailap ang mga mata ko sa naging tanong niya. Mababakas sa mukha niya ang pagsusumamo at paghahangad.
Dapat bang pangunahan ako ng takot ngayon para hindi ko masabi ang mga iniisip ko ngayon? O lalakas ko ang loob ko para masabi sa kaniya ang totoo kong nararamdaman? Napabuntong hininga ako.
"Magsalita ka Aileen. Sabihin m----"
"Oo, tama ang mga narinig mo. Mahal kita pero...natatakot ako.Natatakot ako na baka hindi mo ako mahalin ng totoo. Ayaw kong masaktan kaya pinagtabuyan kita." Saad ko at pilit na tinago ang pait sa boses ko.
Napakurap-kurap ito at pagkakuwan ay napangiti ng mapait. Marahas itong napahilamos sa mukha.
"Hindi mo kailangan matakot sa akin, Aileen dahil kilala ko ang sarili ko. Hindi ko magagawang saktan ang taong mahal ko, hindi mo pa ako gaanong kilala kaya hindi mo ako pwedeng husgahan sa mga ginagawa ko ng basta-basta. Mahal kita at dapat maniwala ka." Medyo galit na wika niya.
Napayuko ako at hindi nakaimik. Tama, hinuhusgahan ko nga siya.
"S-Sorry." 'Yan lang ang nasabi ko sa kaniya.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Look, alam kong hindi iyon maiiwasan pero... can you trust me this time Aileen? Gusto kitang alagaan, protektahan at mahalin kaya---- kalimutan mo na si Mikee, ako na lang." May kahinaan na sambit niya. Napaangat ako ng mukha at napatingala sa kaniya bago mahinang napatawa.
"Hindi ko kayang kalimutan si Mikee pero ang baguhin ang nararamdaman ko, maaari. Simula nang dumating ka, ikaw na ang bagong may-ari ng puso ko, Angelo. Ikaw na." Puno ng pagmamahal na wika ko habang nakatingin sa mga mata niyang puno ng emosyon. Mangiyak-ngiyak itong napayakap sa akin at siniksik ang ulo sa may leeg ko.
"I' m so happy and now that you already accept me I will marry you.
----------
Mahirap mamili sa dalawang pagmamahal lalo na kung hindi mo kilala ang sarili mo. Isang pagkakamali lang maaaring pareho kayong masaktan pero kung magsasakatuparan ka, mahahanap mo ang kaligayahan na sinasabi nila.
©©©©©©©
floomacille
BINABASA MO ANG
R O S A S (One-shot Story Compilation)
Любовные романыWhen we say I Love You, we meant it. Because we are the ROSAS. __________ This is my one-shot stories compilation. Ito ang mga kwentong hindi ko nagawang maging nobela kaya pinili ko na lang na kunin ang pinakamain scene. I hope you will like it.