Chapter 14(4/5)

7.7K 282 16
                                    

Natapos na rin ang Training nila for today. Masasabi ko na magaling ang Varsity ng school namin. Ang tatangkad pa.

Napansin ko ang pag asikaso ni Faye kay Justin. Pweee. Di nman siya ganda.

"Ahmm... Sige mauna na kami sa inyo" ngiting paalam namin kila Adam. Habang nasa tabi parin ni Justin si Faye.

"Ahm. Ako na maghahatid sa inyo." sabi ni Justin.

"Dih. Wag na. Ihatid mo nalang si Faye. Wala kasi siyang kasama." sabi ko.

Agad namang lumapit sa akin si Marko. "Ahm. Tara, ako nalang maghahatid sa inyo" alok ni Marko.

"Actually di pa kami uuwi, may bibilhin pa kami ni Rain. Ahm Marko ihatid mo nalang si Khyzzer ha!. Sigeee bye sa inyo" at agad nagtakbohan ang mga bruha. Nakuhhhh.

"So tara na?" sabi ni Marko.

"Okay tara na. Ahm. Mauna na muna ako Adam, David, .... Sa inyo rin Faye, mauna na ako" sabi ko at sabay kaming pumunta ni Marko sa Kotse niya.

Di ko na pinansin si Justin. Ewan ko pero na inis ako sa kanya. May mga panahon na masasabi ko na gusto niya ako, pero meryon ding parang wala lang ako. Di ko alam sa kanya. ! Or assuming lang ako?😔

"Ahm. Pwede ba akong magtanong Marko?" sabi ko

"Ahm, yes of course. Ano yun?" sabi niya.

"Ano ba ang namamagitan kay Justin at Faye?" tanong ko.

"Ahm. Di ko naman alam ang tungkol sa kanila, ang alam ko lang, matagal na kasi silang Mag MU, since last year pa." sabi ni Marko.

So MU, sila? As in Mukang Unggoy? Charot.

"Ahhh. So MU pa lang sila ngayon?" tanong ko

"Siguro, pero di ako sigurado" sabi ni Marko.

Hayst. Naguguluhan ako. Di ko maintindihan si Justin. Ewan ko ba kung inaasar lang niya ako sa mga ginawa namin dati, or sadyang wala lang talaga sa kanya yun?.

Nakarating kami sa tapat ng bahay namin. Hayst. Magrereview na naman ako nito.

"Salamat sa paghatid Marko" ngiting sabi ko.

"Dii Wala yun. Salamat nga pala kanina ha" sabi naman niya.

"Sa susunod, wag mong kalimutang magdala ng panyo, at tubig para sure " sabi ko.

"Ayy waww para ka namang mama ko hahah" sabi niya.

"Oh sige na Byeee" sabi ko.

"Byeee salamat ulit" sabi niya at kumaway lang ako.

KINABUKASAN

Pinicturan ko lahat ng topics na nerereview ko. Para kung kahit aalis ako, nasa phone ko parin ang topics. Nagkaroon kami ng Family lunch sa bagong bukas na restaurant sa Bayan. Sweldo kasi ni Papa at ni Tita.

Andaming pagkainnnn wwhhoooo.

Pero heto parin ako, while di pa lahat ng pagkain na serve nagbabasa muna ako ng topics na pinicturan ko kanina. Nagsusuot naman ako ng Anti Radiation Na Eyeglass, sumasakit kasi mata ko pag nababad sa Cell phone.

"oyy anak, mamaya nayan, papahingahin mo muna yang mata mo." sabi ni mama.

"Maaaa, kung sinabi mong papahingahin, edi sana matulog si Khyzzer, para ipikit at ma relax ang mata niya. E restaurant ito ma, dito hotel" sabi ni kuya.

"Ang ibig kong sabihin, papahingahin muna mata niya sa kakatitig sa Screen Ng Cellphone." sabi ni mama

"May anti radiation naman ako Ma eh," sabi ko.

"eh kahit na. " sabi ni mama. Nagugutom naman ako kaya nilagay ko nalang phone ko sa bulsa.

"Nakuh. Oo. Nakalimutan ko nga pala." sabi ni Tita Lalay.

"Sa Thursday, may Contest  sa school, gusto ko sanang sumali si Khyzzer dun" sabi ni Tita.

"Pooo? Akoo? Ayoko ko po" tanggi ko. Nakakhiya eh.

"anong Contest po yan tita?" tanong ni kuya

"The Voice Of CNHS" sabi ni tita

"Jusko anak, dapat sasali ka." sabi ni Papa.

"Ayoko Paaa" sabi ko. 

"Sasali kami diyan, ako mag gi-Guitar at ikaw ang kakanta bunso" sabi ni kuya.

"Hayst. Ayo ko parin. Maaa. Nakakahiya eh" sabi ko.

"Di ka nga nahiya dun sa Mall, na mas maraming tao dun. Kaya mo yan!" sabi ni mama.

"Eh  naligaw kasi ako nun kaya ako kumanta. " sabi ko

"Edi, isipin mo kung ano ang nararamdaman mo sa panahong naligaw ka sa Mall apo." sabi ni lola.

"Isipin mong nawawala ka, tapos lahat ng tao lalapit sayo" sabi ni Tita.

"Hayst. Pag iisipan ko pa po" sabi ko.

"nakuh tita, eh diba next week narin po exam namin?" tanong ni kuya.

"Dont worry, Tuesday at Wednesday exam niyo, Thursday na ang Contest para e relax ang mga utak ng estudyante." sabi ni tita.

"Pag iisipan ko pa po" sabi ko. Kumain na kami pagkatapos ma serve lahat ng inorder namin. Yummmmm

He's Mr. ProbinsyanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon