Prologue
Na naman…
Humahangos si Reisha. Tumatagaktak ang kanyang pawis at mabilis ang tibok ng kanyang puso.
Isang masamang panaginip…
Mula nung araw na yun, madalas ng gisingin ng isang madilim at masamang panaginip si Reisha. Isang bagay na pilit na nagpapaalala sa masakit na kahapon. Kung siya lamang ang masusunod, pipiliin niya na ibaon na lang ang lahat sa limot. Ngunit hindi yun ganun kadali. Gabi-gabi siyang dinadalaw ng bangungot na yun. Paulit-ulit. Nakakatakot. Pero wala siyang magawa. Niyakap niya ang kanyang mga binti. Naramdaman niya ang panginginig ng kanyang katawan.
“Ayoko na…”
Ipinikit niya ang mga mata at tumulo ang kanyang mga luha.