"Good morning class!" Bati ni ma'am sa amin"Good morning ma'am" sagot naman naming lahat
"Oh sige maupo na kayo at ipasa ang assignment n'yo" utos ni ma'am
"Thank you ma'am" tugon namin at naupo
"Okay class bubunutin ko ito isa isa at babasahin nyo ang gawa nyo sa unahan" sabi ni ma'am
"Maswerte ka dahil ikaw ang mauunang magbasa missssssteeerrr Del Luna" malakas na sabi ni ma'am
Hayst pag minamalas ka nga naman ako pa nauna. Pumunta ako sa unahan at kinuha ang assignment ko.
"Mister Del Luna pakibasa muna ng tanong bago mo ikuwento ang ginawa mo" sabi ni ma'am bago ako nagsimulang magbasa
"Ano ang pinakapinagsisisihan mong desisyon na nagawa mo?" pagbasa ko sa tanong
Sinimulan ko ng basahin ang gawa ko at tahimik namang nakinig ang mga kaklase ko..
Ang pinaka pinagsisisihan kong desisyon na nagawa ko ay ang inilayo ko ang loob ng kapatid ko sa akin.
Panganay ako sa aming magkapatid at dalawa lang kami. Babae ang nakababatang kapatid ko. Kahit malaki ang agwat ng edad namin 'di iyon naging sagabal upang maging malapit kami sa isa't isa. Mahal na mahal ako ng bunso kong kapatid at ramdam na ramdam ko iyon. Makulit ang kapatid ko at palagi s'yang pumupunta sa kwarto ko para magpaturo ng takdang aralin niya pero napaka talino nito at lagi syang top 1 sa klase kaya naman lagi siyang may regalo kay mama at papa. Spoiled sya kay mama at papa at pansin ko ring mas paborito nila ito kesa sa akin. Di naman ako nagseselos dahil naunawaan ko naman sina mama at papa. Kahit na sobrang malapit kami ng kapatid ko nagbago ito isang araw.
"Kuya" tawag nito sa labas ng pinto ng kwarto ko
"Ano?" inis kong sagot sa kaniya
"Kuya patulong po ako sa Math may assignment po kasi ako"bani niya
"Kaya mo na yan marami pa akong ginagawa" sabi ko at di siya pinagbuksan ng pinto.
"Ah ganon po ba kuya, sige po good night" sabi nito at umalis na
May kirot sa puso ko sa ginawa at nasabi kong iyon sa kapatid ko.
*Kinabukasan*
"Kuya, ihahatid mo po ba ako?" tanong niya sa akin
"Maaga ako ngayong papasok at mahuhuli ako kung ihahatid pa kita" pagsisinungaling ko dahil ang totoo ay mamaya pang hapon ang pasok ko at may pupuntahan lang ako ngayong umaga.
"Ah sige po kuya magpapahatid na lang po ako kay mama" malungkot na sabi niya
May lungkot sa mga mata nya at masakit para sa akin na makita syang nalulungkot pero kailangan kong gawin ito.
High school na ako at sya naman at grade six na. Masipag syang mag aral di gaya ko na walang pakialam kung papasa man o hindi kaya naman nauunawaan ko din sina mama kung mas paborito nila ang bunso kong kapatid.
Ilang buwan ang nakalipas at ngayon ay graduation na ng kapatid ko at tuwang tuwa naman sila papa dahil sya ang valedictorian sa klase nila.
"Kuya punta ka po sa graduation ko ngayon ah, Kuya ako po ang valedictorian, punta ka po kuya ah" sabi niya sa akin
"Oo na sige kaya wag ka ng makulit" irita kong sabi sa kaniya
"Sige po sunod ka po kuya mauuna na po kami nila mama at papa" ani nito at umalis na sila nila mama at papa
Lumipas ang maghapon at di ako pumunta sa graduation niya
Gabi na at wala pa sila kaya't nakaramdam ako bigla ng kaba, parang may maling mangyayari.
"Hayst bahala sila baka kumain lang siguro sa restaurant"
*Brizzzssskk brizzzsskk* nagvibrate ang cellphone ko at may text galing kay mama
"Nak pumunta ka ngayon dito sa Saint Paul General Hospital, ang kapatid mo ay nahimatay kanina"
Pagkabasa ko sa text ni mama ay dali dali na akong umalis at pumunta sa hospital.
Pagkarating ko doon ay nakita kong nakaratay si bunso at bigla akong nanghina sa nakita ko. Sa ngayon ay mahimbing siyang natutulog.
"Ma, ano pong nangyari?" nag aalalang tanong ko
"Nak, hinimatay na lang sya bigla kanina habang nagsasalita sa taas ng stage, naluluha pa sya dahil nakita n'yang wala ka roon" paliwanag ni mama
*Tooootttt* *tooottt* *tooottt*
"Anak!!!!" sigaw ni mama
"Misis sa labas ho muna kayo" sabi ng doctor
Kinapitan ni mama ang kamay ni bunso at iyak ito nang iyak "Anak lumaban ka anak" sabi ni mama habang humahagulhol
Pinalabas kami ng doctor at mayamaya ay lumabas rin ito
"Doc! Kamusta ho ang anak namin?" tanong ni papa na umiiyak na rin
"Pasensya ho mister pero wala na ang anak nyo sapagkat may sakit sya sa puso na matagal ng nilalabanan" paliwanag ng doctor
Ngayon ay ibuburol na sya at di ako pumunta dahil sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari, kung nakapunta sana ako at kung diko inilayo ang sarili ko sa kaniya baka nalaman kong may sakit sya sa puso at baka napagamot pa namin sya.
Kung hindi lang ako tinakot ng leader ng prat na sinalihan ko na kapag diko nilayuan ang kapatid ko madadamay ito sa gulo namin. Nagalit sila sa akin dahil umalis ako sa grupo na iyon. Binantaan niya ako na layuan ang kapatid ko dahil kung hindi ko siya susundin mapapahamak ang bunso kong kapatid..
Hanggang ngayon pinagsisisihan ko ang desisyon kong iyon na naging dahilan ng pagkamatay ng pinakamamahal kong bunsong kapatid.
Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na makasama muli ang bunso ko, gagawin ko ang lahat at ibibigay ko ang lahat ng gusto niya at proprotektahan ko siya kahit na ikamatay ko pa iyon. Wala akong gustong sabihin sa kaniya kundi "PATAWAD BUNSO"
Natapos kong ikuwento ang lahat at ngayon ay umiiyak lahat ng kaklase ko pati na rin si ma'am.
Kaya classmates ang mapapayo ko lang ay mahalin ninyo ang inyong pamilya dahil di natin alam kung hanggang kailan sila mananatili dito sa mundo at makakasama sa bawat araw.
**THE END**
BINABASA MO ANG
Oneshot Collection
Короткий рассказCompilation of oneshots story. Mix genre but most of them have a tragic ending. Your votes and comments are highly appreciated. Thanks guys. Love you all. My deepest gratitude to @LyxFerell for making this BC. Thanks a lot bebs.♥♥