PROLOGUE
NILUMA na ng panahon ang bahay na iyon.
Nakatayo ito sa gitna ng malawak na bakuran. Gated.
Kapag nakita mo ang bahay, hindi ka magdadalawang-isip na isiping haunted house ito-- kahit wala ka pang nakikitang multo.
Ang sabi, pag-aari raw ito ng mag-asawang Kastila.
Doon na rin namatay at nailibing.
Hindi matahimik ang mga kaluluwa, kaya pirming nagmumulto.
Sabi-sabi. Pero wala pa namang aktuwal na nakakakita.
Hindi naman daw kailangang may makita. Ayon sa matatanda, 'pag ang bahay ay inabandona, binabahayan ng mga masasamang ispiritu. That might be true in this case.
Gawa sa pinaghalong semento at kahoy ang bahay.
Sa loob, makikita ang isang grand staircase.
Sa itaas, maraming silid.
Mga silid na naghihintay mabuksan.
Isang partikular na silid ang pinaka-espesyal sa lahat. Dahil sa silid na iyon, naroon ang isang salamin.
A full body sized mirror.
Luma. Creepy. Gawa sa kahoy ang framing, na may mga naka-ukit na images ng mga mukha ng taong naka-nganga-- parang mga kaluluwang humihingi ng saklolo.
Kapag tumigig ka sa salamin, para kang hinihigop niyon.
Hinihigop nang hinihigop papasok hanggang sa malunod ka sa sarili mong repleksiyon.
Ang salamin daw ay lagusan.
Kung anuman ang nasa loob, handa na itong lumabas.
Matagal na itong naghihintay.
CHAPTER 1
2012.
NAGSIMULA ang lahat sa isang laro.
An innocent game among friends.
Ten years old lamang sila noon. Nagkukulitan.
Simula nang maging magkakaklase sila, naging habit na nilang mag-sleep over sa bahay nina Lara.
Maliit lang ang apartment na inuupahan nina Lara, pero maluwag sa kanila ang Lola Edna nito kaya naman wiling-wiling magpunta rito ang apat na magkakaibigan. Nagagawa nila ang gusto. Nagkakaroon sila ng kahit konting kalayaan sa loob ng maliit na kuwartong iyon.
Ngayo'y nakaharap sila sa lumang computer na nabili lang ng second hand nina Lara.
"Mag sign-up na lang tayo sa facebook! Madami na tayong classmates na may account dun," suggestion ni Vivian habang inaayos ang buhok sa compact mirror na hawak. Sa apat na magkakaibigan, ito ang pinaka-pretty. Ang pinaka-maagang nag-feeling dalaga. Ito rin ang tumatayong leader, bilang ito rin ang pinakamayaman sa kanila.
"Bakit? Para ma-message mo 'yung crush mo?" panunukso ni Margot, maganda rin naman, pero may pagka-chubby.
"Sino 'dun? E, andaming crush ni Vivian!" pabirong sabi naman ni Diane. Maamo ang mukha nito, parang ambait-bait. 'Yung tipong ang sarap apihin sa mga soap operas.
"Tumigil nga kayo 'dyan!" Inis na si Vivian. Pero arte lang nito iyon. Tuwang-tuwa kaya ito kapag pinag-uusapan. Kulang sa pansin, bata pa lang.
"E kung puntahan na lang natin ito?" galing kay Lara ang suggestion, na mas nakatitig sa computer at immersed na immersed doon. Dahan-dahan nitong tinaype ang naturang website. Ingat na ingat na 'wag magkamali.
YOU ARE READING
The Devil's Bride
HorrorFour teenage girls played a mysterious computer game called, The Shadow Knows. On their 18th birthday, one by one, these girls experienced supernatural phenomenon, as if they were haunted by the Devil himself.