Part 2

80 0 0
                                    

CHAPTER 9

DILIM. 'Yun ang unang nakita ni Vivian nang imulat ang mga mata.

Kung nasaang lugar siya, hindi niya alam.

Basta madilim. Amoy luma. Amoy patay na daga.

Bumangon siya. Dinama ang ulo. May bukol gawa ng pagkakahampas ng matigas na bagay doon.

Nasaan na ba siya?

Someone kidnapped her! That is for sure!

Gumapang siya sa kadiliman.

Dama niya ang kahoy na sahig na bahagyang lumangitngit nang madaganan niya.

Tumayo siya. Kinapa ang paligid.

May kaunting liwanag-- nagmumula sa nag-iisang bintanang nakabukas ng bahagya kaya nakapuslit ang liwanag galing sa labas.

Dali-dali siyang nagpunta roon.

"Help! Please help me!" ang sigaw niya sa maliit na siwang ng bintana.

Pilit niyang binuksan ang bintana, pero parang na-stuck na iyon gawa ng kalumaan.

Muli siyang sumigaw! Humingi ng tulong! Halos magwala si Vivian. "Tulungan ninyo ako! Parang awa n'yo na! Please! Help me!"

Pero bigla siyang may narinig.

Langitngit ng sahig.

Natigilan siya. Nangatal.

Someone's coming...

Natatakot man, pilit tiningnan ni Vivian ang pinanggagalingan ng langitngit.

Wala siyang makita.

Pero may gumagalaw sa gitna ng dilim. A figure.

Palapit nang palapit sa kanya hanggang---

Muling napasigaw si Vivian.

Isang nilalang ang sumakmal sa kanya!

CHAPTER 10

DALAWANG araw nang nawawala si Vivian.

After the party, hindi na ito nagpakita.

Sa umpisa, inakala nina Margot, Diane at Lara na nakipag-make-out lang sa kung sinong lalaki si Vivian. Nakitulog doon. Pero after nilang malaman sa parents nito na hindi pa rin umuuwi si Vivian after 24 hours, nagpanic na sila. Nag-alala. Something was wrong.

Humingi na ng tulong sa kapulisan ang parents ni Vivian.

Kinuwestiyon ang lahat ng taong dumalo sa party, including si Andrew na 'di umano ay huling nakitang kasama ni Vivian.

Noong walang napala sa mga guests, nag-isip na ng 'di maganda ang pulisya. Kidnapping ang nakikitang dahilan sa pagkawala ni Vivian. Naghintay ang parents ni Vivian ng tawag from the kidnappers. Or any ransom letter. Pero walang dumating.

Lalong lumabo ang kaso.

* * *

Naghahain noon ng hapunan si Lara nang mapatingin siya sa TV.

May isang balitang pumukaw sa atensiyon niya.

Sa screen, makikita ang news anchor na babae na nagre-report habang nakatayo sa gilid ng lumang tulay.

"Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa kalyeng ito ng San Rafael, malapit sa tulay. Hinihinalang hinalay muna ang babae bago pinatay!"

Hindik si Lara habang tahimik na nanonood. Nakita sa footage ang isang bangkay ng babae--- hindi makilala dahil sa tagal na pagkakababad sa tubig. Inaahon ang bangkay mula sa maruming sapa.

The Devil's BrideWhere stories live. Discover now