1: Kaibigan

14 2 0
                                    


Sa una pa lang nating pagkikita,

Hindi ko maipagkakaila

Ang kakaibang koneksyon

Nating dalawa.


Simula noon,

Araw-araw nang nagkaroon

Ng kaunting usapan

At maraming tawanan

Kasama ng ating mga kaibigan.


Ngayon, may kaunting problema

Ang puso ko dahil sa iba.

Ang alam ko nga,

Ikaw din ay nag-iisip na

Ligawan ang iyong sinisinta.


Lubos akong nagpapasalamat

Sa'yong oras at pagdadaldal

Ng kung ano-anong bagay

Para lamang ako'y mapatawa. 


Salamat, 

Aking kaibigan.

Mga Bagay na Hindi Mo NaririnigWhere stories live. Discover now