Sa una pa lang nating pagkikita,
Hindi ko maipagkakaila
Ang kakaibang koneksyon
Nating dalawa.
Simula noon,
Araw-araw nang nagkaroon
Ng kaunting usapan
At maraming tawanan
Kasama ng ating mga kaibigan.
Ngayon, may kaunting problema
Ang puso ko dahil sa iba.
Ang alam ko nga,
Ikaw din ay nag-iisip na
Ligawan ang iyong sinisinta.
Lubos akong nagpapasalamat
Sa'yong oras at pagdadaldal
Ng kung ano-anong bagay
Para lamang ako'y mapatawa.
Salamat,
Aking kaibigan.
YOU ARE READING
Mga Bagay na Hindi Mo Naririnig
PoetryNandito lahat ng mga salita na hindi ko masabi sa'yo. Lahat ng naramdaman ko simula ng makilala kita hanggang sa kung anong nangyari sa'tin ngayon. Nandito halos lahat ng mga masasayang bagay na nangyari sa'kin ng dahil sa'yo at syempre, nandito rin...