Kilala si Aquilla sa iba't ibang bayan dahil sa kanyang galling sa pakikidigma kahit na siya ay isang babae lagi siyang nanalo sa mga digmaang kanyang kinakaharap. Madami na ring mandirigma ang humamon kay Achilla ngunit walang makatalo-talo sa kanya dahil pinapatnubayan siya ni Zeus, diyos ng mga diyos. Naging matipuno ang pangangatawan ni Achilla dahil sa matinding pagsasanay na kanyang ginagawa simula pagkabata. Malayong malayo sa katawan ng mga babae sa kanilang bayan kaya napagkakamalan siyang lalake kapag siya ay naka-suot ng baluti (armour).
Isang araw, habang nagsasanay si Aquilla sa gilid ng golpo ng Mirabello ay napadaan ang anak ng Hari ng baying Alvantra. Siya ay si Prinsipe Agason. Siya rin ang Kapitan Heneral ng kanilang hukbo at napakaraming babae ang nahuhumaling sa kanya at isa na rito si Achilla.
"Paumanhin ginoo,ngunit maaari niyo po bang ituro sa akin ang daan patungo sa bayan ng Ethopias (bayan ni Aquilla)? Mukhang ako'y naliligaw." Magalang na tugon ni Agason. Bumilis ang tibok ng puso ni Aquilla ng marinig ang boses ng binatang kanyang iniirog ngunit napatigil siya nang tawagin siyang 'ginoo' ng binata. Gusto niyang maiyak ngunit pinigilan niya ito.
"Hindi kita masasamahan sa Ethopias hangga't hindi ko nalalaman ang iyong sadya sa aming bayan. " seryosong sabi ni Achilla na nanatiling nakatalikod sa kausap at pilit niyang pinapalaki ang kanyang boses upang hindi magkaroon ng ideya si Aganos na isa siyang babae. Naunawaan naman ni Aganos ang rason ng kausap kaya napa-ngiti siya sa sarili. Alam niyang maraming naghahangad na makasakop ng bayan ng Ethopias dahil ito ang pinaka mayamang kaharian sa kanilang kasaysayan at dahil ito sa babaeng mandirigma na nagngangalang Achilla na hindi niya pa nakikita at tanging sa kwento lang niya naririnig.
"Ganon ba? Narito ako upang hamunin sa isang duelo ang babaeng nagngangalang Aquilla sapagkat labis kong hinahangaan ang kahusayan at talino niyang taglay pagdating sa pakikidigma." Naka-ngiting sabi ni Aganos habang inaalala ang kwentong kanyang narinig tungkol sa dalagang kanyang kinahuhumalingan ngunit napawi ang kanyang ngiti ng hubarin ni Achilla ang kanyang turbante(helmet).
""I-isa kang babae?!" gulat na tanong ng binata habng nakaturo pa sa kausap.
"Oo. Isa akong babae na pinagkamalan mong lalake. Ako si Aquilla." tugon naman niya.
"P-paumanhin! Hindi ko alam na isang kang binibini dahil sa iyong suot mong baluti at sa matipuno mong pangangatawan na marahil ay nakuha mo sa iyong mga pagsasanay, tama ba?"
"Pakikipag duelo ang iyong pakay,hindi ba? Bakit dumadaldal ka riyan?" naiilang na sabi ng dalaga sapagkat naka-titig si Aganos sa kanya kaya sobrang bilis at lakas ng tibok ng kanyang puso at natatakot siya nab aka marinig ito ni Aganos.
"Hahahahahahahahaha! Ikaw ba ay nagmamadali? Hayaan mo muna akong magpakilala. Ako nga pala si Aganos na nagmula sa bayan ng Alvantra. Ikinagagalak kong makilala at maka-usap ka mahal kong Aquilla. " walang kagatol-gatol na hinalikan ng binata ang likod ng palad ng dalaga kaya naman agad niyang binawi ang kanyang kamay dahil sa sobreng gulat. Napangisi naman si Aganos sa nagging reaksyon ni Achilla kaya tumalim ang titig ng dalaga sa kanya. Para kay Aganos ay natatangi si Aquilla dahil bukod sa galing nito sa pakikidigmaan ay hindi ito katulad ng ibang babae na maarte o di kaya'y halos itapon na ang kanilang sarili sa kanya kapag nagpakita siya ng motibo sa mga ito. At kahit na malaki ang katawan ni Achilla ay maganda ito lalo na kapag nakalugay ang kanyang mahabang buhok.
Kinuha ni Aquilla ang kanyang espada at bumaba naman si Aganos sa kanyang kabayo. Nagsimula na silang magdigma at nahirapan si Aquilla na talunin ang binata dahil bukod sa magaling talaga ito ay naiilang rin siya sapagkat nahuhuli niyang ngumingiti si Aganos tuwing nagtatama ang kaqniang mata. Tumigil lamang sila ng masugatan ni Aquilla si Aganos sa braso.
"Patawad kung nasugatan kita, Prinsipe Aganos." nag-aalalang sabi niya.
"Ayos lang ngunit nais ko sanang humingi ng pabor sa iyo... Maaari mo ba akong sanayin? Sa tingin ko ay kulang pa ang aking kaalaman upang maipagtanggol ang aming bayan." Nahihiyang sambit ni Aganos. Ang totoo nito ay ito lang ang naisip niyang paraan upang mapalapit at makita madalas si Aquilla. Nag-isip ng maiigi si Aquilla bago sagutin ang tanong ng binata at sa tingin niya ay ayos lamang kung tutulungan niya ito.
"Tutal ay naka alyansa kayo sa panig ng Ethopias ay wala naming problema sa akin iyon..." naka-ngiting sabi ni Aquilla kaya napatulala si Aganos. Lingid sa kaalaman nila ay palihim silang pinapanood ni Barmilio. Si Barmilio ay isang magiting na mandirigma na matagal na ring umiibig kay Aquilla. Nagpupuyos siya sa galit dahil alam niyang may pag-tingin ang dalaga kay Aganos at mukhang ganon din ito kay Aquilla kaya nagkaroon siya ng maiitim na balak sa dalawa. Mas gugustuhin niya pang mamatay si Aquilla kaysa sa mapunta at maging masaya ito kay Aganos.
Halos araw-araw nagkikita si Aquilla at Aganos sa golpo ng Mirabello at habang tumatagal ay mas lalong nagkakapalagayan ng loob ang dalawa at sila'y naging magkasintahan. Lumipas ang ilang buwan at napagpasiyahan ng magsing-irog na magpakasal. Pumayag ang kanilang magulang at tuwang-tuwa ang lahat sa balitang ito maliban sa isa. Si Barmilio.
Abala ang lahat sa pag aayos sa kasal at napakasaya ng dalawang kaharian ngunit napawi ang kasiyahang iyon ng mag anunsyo ng digmaan. Inanib ni Barmilio ang lahat ng mandirigma na natalo ni Aquilla at Aganos sa digmaan. Naalarma sila Aquilla at Aganos dahil alam nilang mas marami ang kasamahan ni Barmilio kahit na pag samahin pa ang hukbo ng Ethopias at Alvantra. Pumunta sila sa templo ni Zeus at humingi sila ng tulong. Sumugod sila Barmilio at pinuntirya niya si Aganos.
"Iisang babae lang ang hinangad ko! Ikaw ay isang prinsipe at maraming babaeng nahuhumaling sayo ngunit bakit si Aquilla pa?!" sigaw niya na may hinanakit. Naawa si Aganos at nanghihina na siya dahil sa dami ng kinlaban niya. Napasulyap siya kay Aquilla na papunta sa direksyon niya.
Punong-puno ng pangamba si Aquilla ng Makita niyang naka amba na ang espada ni Barmilio sa kanyang kasintahan kaya napasamo siya muli ng dalangin kay Zeus. Dininig sila ng diyos kaya inutusan nito si Athena,ang diyosa ng katalinuhan at pakikidigma , na sumanib kay Aquilla. Nakita ng lahat kung paano nagbagong anyo si Aquilla at sumugod sa libo-libong mandirigma na nangahas na sakupin ang kaharian nila at sirain ang kasal niya. Napatulala na lang si Achilla ng umalis na ang diyosa sa kanyang katawan. Nakasaksak na ang kanyang espada sa puso ni Barmilio habang walang malay si Aganos dahilo sa sobrang pagod. Umagos ang luha niya dahil si Barmilio ang kanyang matalik na kaibigan nung siya'y bata pa.
"Mahal na mahal kita, Aquilla. Tulad ng una nating pagkikita ay sa puso mo ako tinamaan. Nalulugod ako na ikaw ang tumapos ng paghihirap ng aking puso. Maraming salamat at paalam. Baon ko sa kabilang buhay ang pagmamahal ko sayo at nawa'y tayo naman sa susunod na buhay ko." Sambit ni Barmilio na may luha sa mata bago siya malagutan ng hininga at pagkatapos non ay nawalan na rin ng malay si Aquilla.
Maraming nasawi sa digmaan kaya ipinagpaliban nila ng ilang buwan ang kasal para magluksa sa mga namatay at para na rin mag pasalamat sa mga diyos atdiyosang tumulong sa kanila. Lumipas ang 8 pagbilog ng buwan ay natuloy ang kasal nila Achilla at Aganos. Naging prinsesa si Acquilla at nagkaroon sila ng tatlong supling. Dalawang lalake, si Heron at Damien, at isang babae na nagngangalang Aleason. Naging masaya at payapa ang pamumuhay nila dahil pinatnubayan sila ng diyos na si Zeus.
![](https://img.wattpad.com/cover/218899018-288-k686046.jpg)